Chapter 11

13 1 0
                                    

Hindi ko alam kung hihiwalay ba ako sa yakap niya. Kanina pa kami magkayakap at mukhang ayaw niyang humiwalay sa akin.

Nafefeel ko na yung lagkit ng pawis ko. Eww

"Sana araw-araw heaven" ani niya. Bigla ko itong pinalo sa braso at tumawa lamang ito sa ginawa ko.

"Kahit kailan sira ka talaga. Anong araw-araw heaven? Ano 'yon lagi tayong ganito? Wala atang mangyayari sa buhay natin pag ganito" ani ko.

"Joke lang. Masarap lang talaga pag nasa bisig ka ng taong mahal mo. I feel peace" ani niya. Hindi na ako sumagot pa at ngumiti na lamang.

"Festival dance sasayawin niyo para sa susunod na buwan. Make sure na magsisimula na kayong magpractice bukas para hindi kayo mahuli. You can use our mapeh time para sa practice, okey. Everybody's clear?" tanong nang aming guro.

"Yes ma'am!" sagot ng lahat. Matapos ang mapeh subject ay breaktime na kaya pinili ko na lamang bumaba at tumungo sa sasakyan ni Dean. Naroon kasi ang niluto kong pagkain naming dalawa gaya ng request niya.

Bago ako makarating sa parking lot ay malayo pa lamang ay kita ko na ang pamilyar na bulto ng katawan agad na lumawak ang ngiti sa aking labi ngunit mabilis rin itong naglaho nang nakita kong hinalikan siya ni Carlie.

Napahinto na lamang ako sa gulat.

Agad niyang itinulak ito at sinigawan.

Pakiramdam ko ay muli nasa isang teleserye ako kung saan ayaw na ng isang lalaki sa dati niyang kasintahan.

"Pwede ba Gian. Layuan mo ako! Doon ka sa lalaki mo at wag mo na akong guluhin pa! Ayos na kami ni Sezine!--" halos malaglag ang panga ko ng sampalin siya nito.

"Ayos? Hindi ayos 'yon Dean. Akin ka! Kaya hindi ka pwedeng mapunta sa iba!" sigaw nito sa kanya. Kita ko ang pagyukom ng kamay ni Dean dahil sa galit.

"Hindi na ako sayo Gian. Tandaan mo, hindi ako maghahanap ng iba na mas better sayo kung nag stay ka" ani nito at tinalikuran na lamang si Carlie.

Nanlalaki ang mga mata nito ng makita ako nito. Mabilis nitong tinakbo ang pagitan namin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mali 'yung nakita mo Baby. Kung 'yon ang iniisip mo" ani niya at sinuksok ang kanyang mukha sa aking leeg na mabilis ko namang inalis.

"Naaah. Nakita ko ang dapat kong makita Dean. Di mo kailangang magpaliwanag" walang emotion na ani ko. Mabilis kumunot ang noo nito at nagtutubig ang mga mata.

Ang sarap niya palang pagtripan. Iiyak na agad. Hmmp. Hahahaha

"What?! No! Wala kami--" mabilis kong hinarang ang aking hintuturo sa kanyang labi.

"Bakit may sinabi ba akong may ginawa kayo? Wala 'di ba?" mabilis itong umiling.

"Ang nakita ko lang ay yung niyakap ka niya at sinabihan na 'akin ka at hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba' so, tama naman 'yon 'di ba?" tanong ko. Tumango lamang ito at niyakap ako.

"Forget about it. Common lets eat. I've been waiting you, kaso dumating naman siya" ani niya. Pinisil ko lamang ang kanyang ilong.

"Kalimutan mo na 'yon. Tara na" ani ko at pinagsalikop ang aming mga kamay.

Hindi pa man ako sigurado sa aking nararamdaman mas mabuti nang ganito na muna kaming dalawa.

"The  best luto ng baby ko! Talo yung chief namin sa bahay" ani niya. Nailing na lamang ako at kumain ng kumain.

"uhm Dean, bakit nga pala nag-iisa ka lang sa apartment mo? May bahay ka naman pala at siguro mas maayos ang lagay mo doon?" tanong ko. Huminto ito sa pagkain at pinunasan ang labi bago nagsalita.

"I left in our house because it suffocating me. Mula noong nakipaghiwalay ako kay Gian palagi na akong inaaway ni Mom. Para kasi sa kanya wala nang hihigit pa kay Gian." bumuntong hininga ito at tumingin sa malayo.

"Pumayag lang naman ako noong una kasi gusto ko siya pero ngayon nag-iba na ang takbo ng mundo." malungkot na ani niya.

"bukod sa nasasakal ako kay Mommy, napupuno ng galit ang puso ko dahil kay Gian, humantong na din ako sa punto na na-depress na ako dahil sa kagagawan niya kaya umalis ako. Dala lahat ng pera na naipon ko sa pagkanta at ang sarili ko nagsimula ako sa lugat kung saan ako lang at malayo sa kanila." ani niya. Bumuntong hininga muli ito.

"Asan nga pala ang Daddy mo?" tanong ko. Nilingon ako nito at ngumiti.

"Kagaya ko din, lumayas at nagtayo ng sariling studio. Nasasakal na din siya kay Mommy" ani nito.

"Kumain ka na ng kumain, may susunod pa tayong subject" ani niya. Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. 

Hanggang matapos kami kumain ay di mawala sa isip ko ang mommy ni Dean. Bakit kaya naging ganon siya kahigpit, bakit ganito ang ugali niya. Bakit yung asawa't anak niya ay nasasakal na sa pinaggagawa niya.

Hindi rin magwaglit sa isipan ko si Carlie. Alam ko na may plano siya at balak gawin. Nag-aantay lang ng tamang pagkakataon.

"Hoy, tulala ka dyan. Mamaya na yung reporting natin!" ani ng ka-group kong si Sarah. Hindi na ako nagsalita pa at nagbaba na lamang ng tingin sa libro na aking hawak. Punong puno ang aking isipan na na babagabag sa mga mangyayari sa susunod na araw.

"Class, may meeting muna ako saglit lang 'to. Ang mga reporters ay magrereport. Dapat kayong makinig ng mabuti dahil mamaya pagdating ko ay magtatanong ako patungkol sa topic na tatalakayin nila. Understand?" tumango ang lahat sa sinabi ng aming guro. Nang umalis ito ay dito na kami nagsimulang magreport.

"May mga katanungan pa ba kayo?" tanong ko. Nagtaas naman ng kamay ang isa kong kaklase.

"May tanong ako. Masarap bang mang-agaw?" taas kilay nitong tanong. Hindi mapigilang tumaas din ang kilay ko dahil sa tanong niya.

"Una sa lahat, hindi kasama sa Araling lipunan ang salitang 'mang-agaw' tanging sasagutin lamang namin ang patungkol sa araling tinalakay namin kanina" sagot ko.

"Teka! Oo nga naman! Kamusta pala ni Orlan? Masarap ba? Nilaspag ka na ba?" tanong niya. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay napunta sa ulo ko at napayukom na lamang ng aking kamao sa inis.

"Una sa lahat, wag kang magtatanong kung nilaspag na ako ni Dean dahil hindi ako kagaya mong makati at ilang lalaki na ang inuwi" ani ko.

"Wag mong sabihin malinis ka dahil mas malala ka pa sa tulad kong napagkamalan lang. At saka, yan ang hirap sa inyo. Ang sikat lang ang pinapanigan niyo hindi ang katotohanan. Kaya kayo naloloko" ani ko. Lahat ng estudyanteng nakarinig nang sinabi ko ay biglang nanahimik.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon