Chapter 2

17 3 0
                                    

"Oy usap usapan ka sa school kanina ah" ani ni krisha. Patuloy lamang akong nakikinig habang naghahanda nang lamesa para sa aming hapunan.

"o ano naman ang usap-usapan?" tanong naman ni kristel.

"ang sabi sa chismiss lalaos na daw 'yon idol natin na si Dean! Grabe ka naman Sezine! Napakasama mong magsalita!" bulyaw sa akin ni Kristel.
Mas nagulat ako nang batuhin ako nito nang baso at kutsara. Nang lingunon ko ang parte niya ang naka-abang pa ang platong babasagin na balak niyang ibato ngunit napigilan siya ni uncle.

"Ano ba naman yan?! Bakit kayo nag-aaway sa harap nang hapag?!" sigaw nito sa aming tatlo. Sobrang lakas nang kabog nang aking dibdib sa takot na baka ako ay mapagalitan muli at parusahan kagaya nang dati.

"Si Sezine kasi 'yong nauna e!" sagot ni Kristel. Hindi na ako nakapagsalita pa sa takot na baka sa akin nanaman masisi ang lahat.

"Oo nga papa, nilalait niya 'yong idol namin!" segunda ni Krisha.

"Tahimiiiiik!!!" sigaw niyang muli.

"Wala kayong karapatang magbato nang gamit! Mga palamunin ko pa kayo! Sa susunod na makita ko pa kayong mag-away nang ganito. Pare-parehas kayong walang kain!" lahat kami ay natahimik at parang malalagutan nang hininga sa takot. Nang ibaba niya ang kamay ni Kristel ay mabilis itong umalis sa haoag at tinawag si auntie.

"Kasalanan mo 'to e! Dinamay mo lang kami! Mamaya ka sakin. Hindi mo magugustuhan ang ganti ko" bulong niya sa sarili ngunit lahat nang kanyang sinabi ay narinig ko.

"Gaganti kami!" segunda ulit ni Krisha. Napasapo na lamang ako sa bibig nang may luhang dumaloy sa aking pisngi. Sobrang sakit sa dibdib, na sisihin ka sa hindi mo naman talagang intention.

Nang matapos kaming kumain ay may kanya kanya kaming trabaho. Ako sa paglilinis nang buong mesa at paghuhugas nang plato. Samantala ang dalawa taga lampaso at taga tapon nang basura.

"Masakit ang paa ko Sezine. Itapon mo muna 'yong basura sa labas" ani niya. Dahil alam kong wala na akong magagawa kapag inutos niya kaya sinunod ko na lamang upang umiwas sa gulo.

Nang maitali ko ang sako sa labas ay ipinasok ko sa drum na lagayan nang basura saka pinagpag ang kamay at bumalik na sa bahay. Nang kabigin ko ang door knob ay labis akong kinabahan dahil ito ay nakalock.

"Kristel! Krisha! Buksan niyo! Please!" nakailang katok pa ako nang paulit ulit at halos magmaka-awa para papasukin ngunit wala ni isa ang gustong magbukas nang pinto para sa akin.

"Yan buti nga sayo! Lalaos si Dean? Mamatay ka muna diyan sa lamig! Hahahaha!" asar na sabi ni Kristel. Hindi ko na sila nilingon pa dahil alam kong hindi rin nila bubuksan pa ang pinto.

Panay ang hikbi ko nang ilang oras na akong nanatili sa labas nang pintuan sa bahay nila Auntie. Nilalamig at nilalamok na ako sa ilang oras na pamamalagi ko rito. Mabilis akong tumayo at tumungo sa likod bahay upang tignan kung may nakasampay pa roon na maaari kong gamitin pang balot sa aking katawan ngunit ni isang sampay ay wala.

Bagsak ang dalawa kong balikat at bumalik muki sa pinto. Kailangan ko talagang tiisin ang lamig at kagat nang bawat lamok.

Kinabukasan ay sigaw ni Auntie ang namayani upang ako ay magising. Mabilis akong nagtago sa gilid nang bahay upang hayaan muna itong makaalis kasama si Uncle.

"Sezine! Bumangon ka na riyan at asikasuhin mo ang mga pinsan mo!" sigaw nito at sinarado ang gate. Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at binalot ang sarili sa isang kumot. Nanginginig ang buong katawan ko sa lamig at sakit nang iba't ibang parte nang aking katawan. At pinikit ang aking mga mata. Kailangan kong matulog kahit ilang minuto lamang.

Hapon na nang magising ako. Mataas na lagnat ang bumungad sa akin gamit ang thermometer. Bumangon ako at naghanda nang pagkain at naghanap nang gamot.

Ngunit kahit isang tableta ay wala akong nahanap. Kahit nahihilo ay kumuha ako nang jacket at ang aking wallet saka lumabas at tumungo sa pinaka malapit na botika sa amin at bumili nang gamot.

Sa kalagitnaan nang aking paglalakad ay ramdam ko ang tinding lamig kahit nasa kalagitnaan ako nang initan at matinding hilo sa bawat hakbang. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ako ay bumagsak.

Bumalik ang aking ulirat nang nakarinig ako nang ilang pag-uusap nang pamilyar na boses.

"Alam niyo buti na lang at doon tayo dumaan. Kung hindi baka kung ano nang nangyari dito kay Sezine."

"mabuti nga. Napaka walang kwenta naman kasi nang mga pinsan niya e. Ang alam lang kung papaano suportahan si Dean sa pagkanta. Ni bilhan nang isanh gamot si Sezine hindi man lang nagawa"

"Oy! Wala akong sinasabi na suportahan nila ako. Sila ang nagkusa na sumuporta sa akin!"

"Ano ba ang ingay niyo! Diba sabi nang doctor kailangan magpahinga niyang si Sezine tapos kayo daldalan nang daldalan may nangyayari ba ha?!"

"Okey. Everyone, shut your mouth. Kanina pa siya gising, hindi lang nagmulat" ani ni Kath.

Unti unti kong minulat ang aking mata at nasilaw lamang ako sa ilaw. Ilang beses kong ginawa iyon bago ako nasanay.

"See? Sa sobrang ingay niyo nagising na!" sabi ni Riyo. Napailing na lamang ako sa kanila.

"uuwi na ako." sambit ko ngunit sabay sabay lamang silang umiling. Kumunot ang noo ko sa mga inakto nila.

"Alam mo ba kung gaano kataas ang lagnat mo nang matagpuan ka namin sa kalsada nakahilata? Huh? Hindi ka uuwi hanggat hindi ka magaling!" galit na sabi ni Kath. Umiling lamang ako. May gig ako mamayang gabi, hindi maaaring hindi ako room pumunta. Doon lamang ako kumikita nang pera para may pang baon at para makapasok sa eskwelahan.

"kailangan ko na, please just let me. Wala din akong pangbayad sa pangmatagalang stay dito" ani ko.

"No! We can't just let you go home! Wala ngang nag-asikaso sayo roon tapos uuwi ka?" umiling lamang ako. Rinig ko ang bawat buntong hininga nila sa pagpigil ko sa kanilang kagustuhan. Marami na akong utang na loob sa kanila at maraming pagkakataon na naistorbo ko sila. Ayoko na muling madagdagan pa iyon  kahit na magkakaibigan kami.

Ngunit lahat kami natigilan sa biglaang pagsingit ni Dean.

"Ako ang magbabayad, just let you stay."

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon