Chapter 16

6 0 0
                                    

"Auntie!" Gulat kong sabi nang buksan ko ang pinto at ang bumungad sa akin ang mukha ni Auntie.

"Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko nang basta na lamang itong pumasok at umupo sa sofa.

"Kailangan ko nga pera, pangpagamot sa Uncle Manuel mo" ani niya sabay lahad ng kanyang palad.

"Magkano po ba kailangan mo?" Tanong ko. Ngunit kumunot ang noo nito sa akin.

"Basta magbigay ka na lang! Si Manuel naman ang makikinabang niyan!" Sigaw niya sa akin. Mabilis akong tumungo sa kwarto at kinuha ang wallet at inabutan siya ng isang libo.

"Ayan lang ang pera ko Auntie. Nagastos ko na lahat noong nakaraan" ani ko. Ngunit sinampal niya lamang ito sa akin.

"Anong gagawin ko naman diyan sa isang libo aber? Hindi magagamot si Manuel niyan! Nasa bingit na ng kamatayan ang Uncle mo tapos ito lang ang ibibigay mo!" Bulyaw niya.

"Auntie, wala na po talaga akong pera. Nagastos ko na lahat" ani ko.

"Asan na ba yung boyfriend mong mayaman? Ha? Hindi ka ba niya binibigyan ng pera? At bakit ito lang ang pera mo?" Pasigaw na tanong niya.

"Umalis po siya, hindi ko alam kung anong oras babalik." Ani ko. Umiling iling lamang ito at mariing pumikit.

"Sayang lang ang pinunta ko rito. Wala rin pala akong makukuha sayo pampagamot kay Manuel! Wala kang utang na loob! Matapos kitang patirahin at pakainin sa loob ng tatlong taon! Tapos ito lang ang igaganti mo?!" Bulyaw niya. Halos hingalin ito matapos magsalita ng sunod sunod at walang patid.

"Eh Auntie, yaan nga lang ang pera ko. Bibigyan naman kita kung mas--" pinutol niya ang sinasabi ko sa pamamagitan ng isang malutong na sampal.

"Tumahimik ka! Wala kang kwenta! Nasan na ba yung lalaki--"

Parehas kaming natahimik ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Dean na gulat ang reaction nang makita ang aking tiyahin.

"Ano hong kailangan nila?" Tanong niya sabay baling sa mukha ko. Saglit na kumunot ang noo nito at unti-unting lumapit sa akin.

"Ah... Manghihiram sana ako ng pera sa pamangkin ko, kaso wala daw siyang pera kaya inaantay kita" mahinahong sambit niya. Kumunot ang noo ko sa biglaang pagbago ng kanyang tono. Kaninang galit na galit ito na parang dragon ngayon ay parang isang maamong pusa at takot sa kanyang amo.

Napatingin si Dean sa ibaba at dinampot ang isang libong piso.

"Hindi pa ba sapat ito?" Tanong niya sabay lahad kay auntie. Agad namang umiling si Auntie.

"Anim na buwan na gamutan ang kailangan kong bunuin para kay Manuel. Ang isang libong piso ay kulang para sa isang linggo" paliwanag niya. Agad akong napatingin kay Dean na agad na kinuha ang kanyang wallet at bumunot ng pera. Mabilis ko naman itong pinigilan.

"Hindi mo kailangan gawin yan Dean" ani ko. Ngunit umiling lamang ito. Napatingin ako kay Auntie na kunot na noo at biglang nilakihan ako ng mata.

"It's fine. Here, it's 15,000 pesos. Siguro naman ay kasya na yan hanggang tatlong buwan" ani niya. Gusto ko sanang pigilan pa ng hawakan na ng mariin ni Auntie ang pera.

"Maraming salamat!" Ani niya at agad na pumunta sa pinto.

"O siya aalis na ako. Salamat rito" ani nito at winagayway pa ang pera bago isinarado ang pinto. Napatanga na lamang ako sa pintuang nilabasan niya.

"She slap you right?" Ani niya sabay hawak sa aking pisngi. Gusto kong magsinungaling upang mabawasan ang pag-aalala niya ngunit mukhang kitang kita ang resulta ng ilang sampal ni Auntie sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang tumango.

"Sorry, im too late." Ani niya at idinikit ang kanyang noo sa akin. Niyakap ko na lamang siya pabalik.

"Hindi mo naman kailangan manghingi ng Sorry, ayos lang. Sampal lang naman 'yon. Malayo sa bituka" ani ko at hinaluan ng ilang biro.

"Kahit na. Kaya nga kita hiniwalay sa kanila para hindi ka na saktan ulit. Tapos eto ngayon, napapabayaan naman kita" ani niya. Mas humigpit lamang ang aking yakap sa kanya at isinuksok ang aking sarili.

"Tsaka dapat hindi ka na nagbigay sa kanya ng ganon kalaking halaga ng pera, masasanay 'yon" ani oo. Umiling lamang ito.

"15 thousands is just a piece of shit. Don't worry, hindi nakaka-apekto 'yon sa budget natin" ani niya.

"Did you eat? Past dinner na" dagdag niya. Umiling ako.

"Goodness! Come on, i'll cook" ani niya at kumalas sa aming yakap. Wala na akong nagawa kundi ang magpadala sa kanyang hatak.

Fifteen minutes din akong nag-antay sa kanyang niluluto. Sabi niya, isang simple dish lang naman iyon. Fried chicken lang.

"Uhm, Dean. Saan ka pala kumukuha ng pang-gastos mo kung wala ka naman sa poder ng magulang mo?" Tanong ko.  Saglit itong lumingon sa akin at nagfocus muli sa kanyang ginawa.

"Yung 50% it was came from my dad's pocket. And the 25% came from my previous concert at yung huli galing kay mommy" ani niya.

"Don't worry about my money baby, hindi basta basta mauubos 'yon. I have a lot of savings and also i know how to save money" ani niya habang taas baba ang kanyang kilay.

"The food is ready, come on let's eat" ani niya.

Matapos naming kumain ay balil kami sa routine na magpahinga, maligo at tumungo sa Bar. Para sa trabaho ko.

Noong nakaraan, pinipilit niyang tumigil ako rito, may pera naman daw siya. Pero ang akin lang, ayokong umasa sa pera niya. Gusto ko may sariling pocket money rin ako na pinaghirapan ko.

Nang makarating kami sa Bar ay ganon lang din ang nangyari, matapos ang mag-iisang oras na pagkanta ay rumenta kami ng isang private room para sa buong banda. Celebration din kasi ito ng pagiging ilang taon na magkakasama namin bilang isang banda.

"Cheers!" Sigaw ng lahat at mabilis na nilagok ang alak. Hindi ko na inalintana ang mataas na tagay ng alak.

Ramdam ko ang hagod ng init sa aking lalamunan at biglaang ikot ng aking ulo. Napapikit ako ng maramdaman ko ang kakaibang sensation.

"Anong alak 'to?" Tanong ko.

"Halo yan sez! May sanmig, redhorse, gin, manhattan, vodka, whiskey, rum at tequila! Si james naka isip!" Pikit mata kong tinignan kung sino ang nagsalita ngunit dahil sa mabilis na pagkahilo ay hindi ko na alam kung sino ang nagsasalita.

"Baby, dahan dahan lang." Ani niya. Mabilis akong umiling at nag thumbs up.

"Ayos lang, kaya pa 'to!" Sigaw ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nag-iinuman. Basta ang natatandaan ko ay naka-ilang sunod sunod na shots ang nagawa ko.

"Baby, enough. Lets go home" ani niya. Gusto kong humindi kaso hindi ko na magawa pa. Hilo at parang lumulutang ang aking nararamdaman.

Huling mulat ko sa aking mata ay nasa bahay na kami at hubad na katawang ni Dean ang bumungad sa akin.

Ang anim niyang abs at matikas na pangangatawan ay nakapagpalaway sa akin. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang aking lalamunan, naubusan ng likido.

Hirap akong lumunok habang nakatingin sa kanya.

Unti-unti akong bumangon at lumapit sa kanyang likuran. Pinakatitigan ko muna ito bago niyakap.

"Baby...." Tawag niya.

"Hmm? Yes baby?" Sagot ko. Kahit may tama ng alak at ramdam ko ang pagkatigil niya.

"Say it again!" Nagpapanic niyang sabi at hinawakan ang aking dalawang pisngi.

"Huh? Ano don? Baby--" bago pa ako makapagsalita ng panibagong salita ay nagsisimula na akong malunod sa halik.

Hmmm... Darn, it feels so good!

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon