Chapter 12

10 0 0
                                    

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay nanahimik na ang lahat. Wala ni-isang nagtangka na magsalita muli o mag-angat ng tingin.

"Wow! Ang tahimik ng section niyo ah, first time ever! Group 2 anong ginawa niyo huh?" tanong ng amin guro sa A.P. nanatili na lamang akong tahimik at nagtungo sa sariling upuan.

"Napagalitan kasi sila ma'am ni Francisco kaya ayan, nanahimik. Napaka-ingay kasi nila kanina" ani ni Sarah. Tumango tango lamang ang aming guro.

"Since, nakinig kayo sa isa niyong kaklase, wala nang tanong at quiz today. Magpahinga na muna kayo at mag-ready para sa next week midterm exam. Okey? Class dismiss!" ani niya at umalis na.

Laking pasasalamat ko ay may alam ako kahit papano sa sekreto nila. Napaka-ingay kasi nila pagdating sa mga katarantaduhang ginawa nila. Gaya ng panlalaki, pagto-two time aa babae, mga na rape ng tiyuhin at iba pang mga issue na sila sila rin ang nagkakalat.

Lahat ng susunod na klase namin ay nanatiling walang kibo ang iba. Marahil natamaan sa aking sinabi o nasindak sila. Sila din naman nagbigay ng dahilan kung bakit ko sila sinabihan ng mga salitang iyon.

Isang linggo ang lumipas naging mapayapa ang buhay ko. Mabuti na rin at tumigil ang mga mambubully sa gawain nilang hindi nakakatulong sa buhay.

"Tara na, baka ma-late tayo sa gig!" ani ko dahil sa mukha ni Dean na inaantok pa.

"Yeah, yeah. In a minute!" sigaw nito. Ayos ko na ang lahat, mula sa sarili ko, sa mga dadalhin ko. Siya na lamang ng inaantay ko dahil sabi niya ay sasama siya.

"Hoy! Dean! Hahambalusin talaga kita diyan!" banta ko. Ngunit isang ngiti sa kanyang labi ang lumabas.

Sa inis ay mabilis kong kinuha ang unan at pinalo sa katawan niya.

"Hey! Stop it! Baby! Stop it! Hahahaha! Ouch! Darn! Baby! Ahhhh!" sigaw niya. Ngunit pinagpatuloy ko lamang ang pagpalo ko sa kanya ng unan. Alam ko namang hindi masakit 'yon.

"Kahit kailan ka talaga! Nakaka-inis ka! Ang hilig mong mang-asar! Argh!" ilang ulit ko pa itong pinalo hanggang sa mapagod.

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Sabing malelate na ako! Tapos ikaw diyan may gana ka pang mang-asar!" tumawa tawa lamang ito bago lumapit sa akin at niyakap ako.

"Sorry na. I was enjoying teasing you, baby."  ngumuso ako ng mahaba at sinamaan siya ng tingin.

"Aalis ako mag-isa, bahala ka sa buhay mo!" inis na sabi ko saka bumangon at madaling nagmartsa pa-alis.

"Eto na! Nakadamit na nga ako e." ani niya. Ngunit hindi ko ito pinakinggan. Mabilis kong dinampot ang gitara at ang maliit kong bag saka nagmamadaling lumabas.

Hanggang sa makarating ako ng kalsada.

"Baby! Come in! Mapapagod ka diyan kakalakad! Halikana na!" sigaw niya. Umiling ako at nagpatuloy sa paglakad. Naiinis ako, to the point na bakit kailangan niya pang mang-asar. Hindi niya inisip yung oras. Duhhh -_-

Hanggang sa makarating ako sa kanto ng village kung saan ako nakasalukuyang nakatira. Ngunit bago pa ako makahakbang palabas ay nabuhay niya na ako ng parang isang sakong bigas.

Mabilis ko itong pinagpapalo sa likod.

"Kumakain ka ba? Bakit sobrang gaan mo? Tignan mo oh, kaya ko isang kamay lang!" ani niya. At ibinababa ako sa gilid ng sasakyan saka niya binuksan ito. Ngunit hindi ako pumasok.

"Alam mo, nakakainis ka ng sobra." naiinis na ani ko.

"Mas gusto ko pang mamasahe nalang kesa sa kasama ka." ani ko at muling naglakad.

"Sorry, okey? Im sorry. I shouldn't do that. Kung alam ko lang na magagalit ka" ani niya at niyakap ako.

"Okey, i won't do that again, i won't messed up with your working time again. Please forgive me baby..." napaluha na lamang ako sa inis. Kanina, bwiset na bwiset ako sa kanya . Tipong gusto ko siyang patayin sa utak ko, ngayon naman parang gusto kong umuwi sa bahay at yakapin na lamang siya buong gabi.

He's so soft when he's asking for forgiveness.

"Baby... Forgive me please?" ani niya. Tumango na lamang ako at hinayaan siyang igaya ako patungo sa sasakyan.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang kiligin dahil sa simpleng guesture na kanyang ginagawa.

Ilang beses niyang hinalik-halikan ang likod ng aking palad at hindi ito binitawan hanggang sa makarating kami sa Bar na aking pinagtatrabahuhan.

"if i were you. Im not going to hide that beautiful smile. Spill it baby, your more pretty when you're smilling" sabi niya habang pababa kami ng sasakyan.

Hindi ko alam kung ngingiti ako sa kanya o mananatiling ganito na lamang. Bahala na.

"Uyyy! Komplete tayo! Nice!" sigaw ni james habang inaayos ang piano at ang iba pang kagamitan.

"minsan lang naman tayo kung magkulang. Nitong nakaraan lang talaga tayo nagkandakulang kulang kasi nalalapit na yung midterm tsaka busy yung iba sa iba't ibang bagay" ani ko.

"Well, atleast ngayon kumpleto tayo. Nga pala, Sez. Boyfriend mo ba 'yon? Lagi mo kasing kasama pagnag gig tayo e." ani niya. Napatingin ako sa gawi ni Dean na nag-iinom sa island counter.

Hindi ko alam kung u-oo ako o hindi. Wala naman kaming maayos na lebel. Ni-hindi ko nga alam kung ano talaga kami. Ang malinaw lang, gusto niya ako at nakikitira lamang ako sa apartment niya.

"Tara na, magsisimula na ang rakrakan!" sigaw ni Julius ang manager ng Bar. Tumango lamang ako at pumunta na sa harapan.

"Good evening ladies and gentlemen! Kamusta ang buong linggo? nakakapagod ba? Tara! Rakrakan na!" halos naghiyawan lahat ng tao sa Bar dahil sa sinabi ni Juluis. Pinuwesto ko na lamang ang lahat at handa na sa pagkanta.

"You say that I'm messing with your head. All 'cause I was making out with your friend. Love hurts whether it's right or wrong. I can't stop 'cause I'm having too much fun"

Hindi mawala sa aking labi ang ngiti at sarap sa pakiramdam kapag ramdam mo ang pagsabay ng mga taong nanonood sayo. Sobrang nakaka-enjoy at nakaka-overwhelme ang feelings.

"WHAT THE HELL?!!" sigaw ng lahat at naghe-head bang pa ang iba at dinadama ang pagkanta.

Matapos ang tatlong kanta ay sinimulan namin ang pang-apat nang isang malumanay na kanta.

"Winter snow is falling down. Children laughing all around. Lights are turning on like a fairy tale come true. Sittin' by the fire we made. You're the answer when I prayed. I would find someone and baby I found you"

Hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi niya na kung saan nakatingin di sa akin. Halatang nagpipigil sa kanyang ngitina nais kumawala sa kanyang labi. Saglit akong pumikit upang namnamin ang kanta.

"And all I want is to hold you forever
All I need is you more everyday. You saved my heart from being broken apart. You gave your love away. And I'm thankful everyday...For the gift"

Muli kong idinilat ang aking mata at sinalubong ang nagbabaga niyang titig. Nakakatunaw man at nakakahumaling ay pilit ko paring sinasalubong ito.

Muli akong pumikit dahil hindi ko na kinaya pa. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Alam kong sobrang bilis, parang nasa isang butas ako, nahulog. Bumubulusok sa bilis at hindi na mapipigilan pa ang pagkahulog.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon