Chapter 3

16 2 0
                                    

Alam kong magagalit silang lahat sa aking gagawin pero wala akong choice. Kailangan kong umalis upang umabot pa ako sa aking gig.

Dala ang aking jacket ay pumuslit ako sa hospital at mabilis na nagtungo sa aming bahay para magpalit nang damit.

"Hindi ka man lang nagsaing rito! Ano bang akala mo buhay prinsesa ka na rito?!" sigaw ni Auntie. Umiling lamang ako kahit na kailangan ko nang magmadali.

"Sa susunod magsaing ka kung saan ka mang lupalop pupunta! Libre kitanh pinapatira rito sezine kaya sumunod ka! Hindi 'yong nagpapakawala kang kwenta!" sigaw nito habang hawak ang aking tainga. Saka ko ibinagsak. Ramdam ko ang pagtama nang aking likod sa isang kanto nang upuan. Hindi na lamang ito ininda. Agad akong pumasok sa aking kwarto at kumuha ng mga damit.

Isang longsleeve crop top at jeans at isang sneaker ang aking dala at inilagay sa aking bag. Sa bar na ako maliligo at magpapalit. Hindi ko na kakayanin rito dahil puro sermon ang gagawin nanaman sa akin nang aking auntie pagnakita niyang muli ako.

Mas pinili ko na sa likod bahay dumaan nang palihim at nang makalabas nang gate ay mabilis akong pumara nang taxi at tinungo ang Bar na aming pagtutugtugan.

"Sez, kaya mo ba ngayon? Nilalagnat ka pa" tumango lamang ako at inayos ang aking buhok at saka umakyat sa isang emtablado.

Kahit na nahihilo ay tinignan ko ang isang papel na inabot sa akin. Mga mababang kanta lamang ito na sa tingin ko ay kakayanin ko pa naman.

Hawak ang mic stand ang siyang naging alalay ko.

"It's turning out just another day
I took a shower and I went on my way
I stopped there as usual
Had a coffee and pie
When I turned to leave
I couldn't believe my eyes

Pinilit kong ipikit ang aking mata dahil mas nahihilo lamang ako sa mga makukulay na ilaw na pumapalibot sa buong lugar.

Standing there I didn't know what to say. Without one touch
We stood there face to face

Minulat ko sandali ang aking mata at huminto ito sa isang lalaking prenteng naka-upo at seryosong nakatingin sa akin. Nang kantahin ko ang chorus tanging sa mata niya lamang ako nakatingin.

And I was dying indside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you

Nang matapos ko ang unang kanta ay ilang minuto lamang nila akk binigyang break upang uminom nang tubig. Nakaalalay sa akin si James dahil alam niya ang kalagayan ko ngayon.

"Kaya pa? Sabihin mo lang. Tatapusin agad natin to" umiling lamang ako nag sumenyas na ayos lang. Muli akong bumalik sa mic at binati ang mga tao na nasa loob nang bar.

"Hi everyone! Enjoying your night with music and drink. Keep listening, your request will be play in 3. 2.1!"

"Chill out, what ya yellin' for?
Lay back, it's all been done before
And if, you could only let it be, you will see. I like you the way you are
When we're driving in your car
And you're talking to me one on one, but you become

Somebody else. 'Round everyone else
You're watching your back
Like you can't relax
You try to be cool, You look like a fool to me. Tell me!

Why'd you have to go and make things so complicated?
I see the way you're acting like you're somebody else. Gets me frustrated
Life's like this, you. And you fall, and you crawl, and you break
And you take what you get, and you turn it into. Honesty and promise me I'm never gonna find you faking
No, no, no"

Umiling iling pa ako habang kumakanta. At inenjoy pa ang buong kanta.

Pagod akong bumagsak sa sasakyang maghahatid sa akin pa-uwi. Nahihilo at mas lalo lamang akong nilamig.

"Madami atang natuwa sa performance mo ngayon. Dami nating tip e" ani niya at inabot ang isang sobre. Ramdam ko ang kakapalan nito ngunit hinayaan at ipinasok ko na lang sa aking bag.

"Ako maghahatid sa kanya pauwi" ani nang isang baritonong boses. Agad na nagmulat ang aking mga mata sa narinig ko. Hindi na ata talaga kakayanin nang aking mga mata ang pagdilat kaya hindi ko na nalabanan pa.

"teka tol, sino ka ba?" tanong ni James.

"Im Dean, her boyfriend" naramdaman ko na lamang na binuhat ako nito at inilagay sa mas komportableng lugar at may kainitan. Mas nagpagaan nang aking naramdaman.

Minulat ko bahagya ang aking mata at tinignan ang kalsadang aming tinatahak. Nang makita ko ang street na dapat ay lilikuan namin ay siyang nilaglasan niya lamang.

"Hey! Doon 'yong bahay ko" paos kong sabi. Umiling lamang ito sa akin at nagpatuloy sa pagdadrive.

"Sa tingin mo iuuwi kita kung sinasaktan ka naman nila don?" umiling ako at pinili na bumangon.

"san mo ba ako dadalhin? Wala ka namang mapapala sa 'kin. Hindi kita kayang bayaran" ani ko rito. Kita ko ang pag-iling nito. Gusto ko mang agawin ang manubela at iliko upang bumalik sa direction na iyon ay hindi ko magawa.

Sobrang bigat animo'y may nakapatong sa aking buong katawan.

"Just sleep and let your self rest" ani niya. Hindi ko alam kung bakit basta na lamang ako tinangay nang dilim.

Nagising halos magtatanghali na. Nang bumangon ako ay ibang kwarto ang bumungad sa akin.

Literal na bumagsak ang aking panga nang makita kong walang damit ang katabi ko na nakadapa at ako naman ay tanging bra at short lamang ang suot.

"ahhh!" tili ko at pinagsisipa ang lalaking katabi ko. Anong meron?! Bakit wala na akong pang-itaas?!"

Nahulog ng katabi ang lalaki kong katabi ngunit bumangon ito nang may masamang mukha na nakatingin sa akin.

"Ano bang problema mo?!" inis na tanong nito. Bumango ako at binalot sa aking katawan ang kumot.

"Ikaw! Bakit ako nandito?! Anong ginawa mo sakin?!" tanong ko kay Dean. Humiga lamang ito at pumikit.

"I help you last night. Kung hindi mo maalala, hindi ko na kasalanan 'yon. Magpasalamat ka na lang" naiwang laglag ang aking panga sa kanyang iniwang mga salita.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon