Chapter 15

7 0 0
                                    

Buwan na ang lumipas at nakikilala ko na siya ng buo. Isang sweet at caring na nilalang na nakilala ko.

Akala ko noong una, laro lang ng gusto niya. 'Yon pala mas malalim pa roon ang nais niya. Kahit ako ay nagulat sa mga bagay na sinabi niya.

Noong una din ay halos hindi ko matanggap dahil palagi akong nag-aassume na laro lang ang lahat at darating ang araw na iiwan niya rin ako.

"Sa tingin mo ba kaya kita dinala rito para sa isang laro? Tss. Hindi ako nagdadala ng babae sa bahay ko kung gusto ko lang makipag-one night stand" tumingin siya sa malayo at huminga ng malalim.

"Mas pipiliin kong gumastos ng malaki sa hotel o motel kesa dalhin dito sa bahay ko" dagdag niya pa. Huminga muli ito ng malalim saka mariing pumikit

"Mas malalim pa roon ang gusto ko" sabi niya sabay tingin sa akin.

"Pinapanalangin ko na nga na mas bumilis pa ang buwan at araw para pakasalan na kita e" ani niya. Hindi ko alam kung tatawa ako o magseseryoso. Masyado pa kaming mga bata para sa bagay na iyon at masyado pang maaga kung gagawin man namin iyon.

"Don't smile like that, you're annoying. I actually confessing right now" seryosong saad niya. Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa labi nang mas lalo itong mainis.

"Isa baby. Im so serious right here" ani niya. Mas lalo akong natawa ng malakas dahil sa pagdilim ng mukha niya.

"Why are you laughing at? Im so serious!" Inis na sambit nito. Umiling lamang ako bilang sagot at hindi mqpigilan ang aking tawa. Kahit na takpan ko ng aking palad ay may kumakawala pa rin.

"Baby, stop laughing! I'm starting to be mad at you!" Medyo tumaas na ang kanyang boses ngunit mas lalo lamang lumakas ang aking tawa at halos mapahiga ako sa sahig. Nakakatuwang tignan ang naiinis niyang mukha at mas lalo siyang gumagwapo.

Ilang saglit lamang ay tumigil siya. Bumangon ako at tinignan siya. Nakatitig ito sa akin at mukhang naa-amaze sa kanyang nakikita.

"Mas maganda ka pala pagtumatawa" ani niya. Natigilan ako sa kanyang sinambit at umupo ng maayos.

"Ano?" Tanong kong muli. Dumukwang ito sa akin at halos ilang sentimetro na lamang ang layo namin sa isa't isa.

"Ngayon lang kitang nakitang tumawa ng ganyan." Ani niya habang nakatingin sa aking mga mata. Para akong pipi na bigla na lamang hindi nakapagsalita dahil sa biglaang pagkabog ng aking puso. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking ribcage dahil sa pinagsasabi niya.

Sobrang iksi at simple lamang iyon ngunit bakit iba ang epekto?

"Kanina tinatawan-tawanan mo pa ako tapos ngayon hindi makapagsalita." Ani niya.

"Uhm... Kasi--" bago pa akong makapagsalita isang nagbabagang labi ang ibinigay nito sa akin.

Hindi ako lumaban ngunit hindi rin ako umiwas. Hinayaan ko lamang na maglapat ang aming mga labi at tumagal roon. Hanggang siya na mismong nag-alis. Ngunit hindi ito lumayo, nagbigay lamang siya ng ilang sentimetro.

"Kiss me back baby, Im getting mad" bigla nitong sabi. Mas lalo akong kinabahan dahil seryosong saad nito.

"Hindi ako marunong humalik Dean" sagot ko. Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa kanyang labi at tumitig sa aking labi.

"Uhm, so i'll be your teacher in subject kissing. We have one on one tutorial in kissing" ani niya. Kasabay nito ang panlalaki ng aking mata sa gulat. Nang lumapit ito sa akin mabilis ko rin itong pinigilan. Nakakahiya!

Halik na lang 'yon kailangan pang turuan?

Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay pumunta sa aking pisngi.

"What?"

"Tumigil ka nga. Hindi ako natutuwa" ani ko. Hinawakan nito ang magkabilaan kong braso.

"Hindi rin ako natutuwa baby. So it's better you listen to me or you listen to me" ani niya. Mabilis akong umiling.

Siya naman ngayon ang tumawa.

"You're blushing" ani niya. Mabilis kong tinakpan ang aking mukha gamit ang aking palad at yumuko. Taragis, nakakahiya talaga! Lupa lunukin mo ko!

"Wag ka ngang tumawa!" Saway ko. Umiling lamang ito saka tumayo at patuloy na tumawa.

"Dean!" Inis na saway ko rito. Ngunit mas lalo lamang ito tumawa.

Sa sobrang inis ko ay dinampot ko ang pinakalamapit na bagay at mabilis na ibinato sa kanya iyon. Tumatawang umiwas lamang ito.

"Hindi ka talaga titigil?" Inis na tanong ko at tumayo na rin at inambahan.

"Nope. I won't" ani niya.

Halos maghabulan kami ng pamalo para lamang tumigil ito sa pang-aasar sa akin.

"Wag kang papahuli at hahambalusin talaga kita diyan" ani ko at tinalikuran siya nang mapagod ako.

Umupo muna ako pansamantala sa balcony upang magpahinga pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang daang metro.

Pero ngayon ko lang napagtanto, simula ng mawala ang parents ko ngayon na lamang akong tumawa ng ganito, naging masaya ng ganito.

Ilang saglit akong natulala. Ramdam ko ang mga luhang namuo sa aking mga mata.

Sa loob ng ilang taon, ang iilang kaibigan ko lamang ang nagbigay kasiyahan sa akin. Ngayon, may tao nang balak kupkupin ako hindi dahil naaawa kundi dahil sinabi niyang mahal niya ako.

"Baby! Why are you crying?" Ani niya. Napailing na lamang ako at pinunasan ang aking mukha.

"Sige na, papahampas na ako sayo, wag ka lang umiyak. Hush, baby..." Sambit niya. Halos iyak-tawa na ang nagawa ko sa bawat punas niya sa aking mga luhang naglalaglagan.

"Tell me, why are crying? Did i offend you? You hurt? You mad? Tell me baby, im worried" nag-aalala niyang sambit. Yumakap lamang ako sa kanya at doon binuhos ang lahat.

Being thankful.. Ang nararamdaman ko ngayon. Sa dinami dami ng araw na dumaan sa akin, ngayon ko lamang naramdaman na gumaan ito.

Ngayon, unti-unti na akong nasasanay sa mga bagay na ginagawa niya at pinaparamdam niya.

"Baby.. tell me" ani niya.

"Masaya lang ako Dean" ani ko. Ramdam ko ang ilang patak ng halik sa aking noo.

"Bakit ka umiiyak kung masaya ka?" Tanong niya.

"Kasi, may tao nang nandiyan para patawanin ako pagkatapos ng ilang taon" sambit ko. Halos mapatili ako nang buhatin niya ako at pinaupo paharap sa kanyang kandungan.

"Yan nakikita ko ang mukha mo. Now tell me who's that guy huh?" Tanong niya. Gusto kong umirap dahil sa tanong niya. May iba bang tao nasa loob ng apartment na ito bukod sa amin? Ang sarap niyang hampasin ng flower vase para magising sa katotohanan. Taena.

"Hey... Wag mo akong titigan. Im asking you" ani niya.

Kung kanina ay naiiyak ako, ngayon naman ay puno na ng galak ang aking puso, napuno ito ng tuwa mula sa kanya.

Pinagdikit ko ang aming noo at ilong. Ilang sentimetro na lamang ang layo ng aming labi sa isa't isa.

"You..." Nakangiting sambit ko at nilapat ang aking labi sa kanya.

Im happy, starting to fall for real

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon