Chapter 37

9 0 0
                                    

"Tatawag ako ng Doctor para ipaalam na gising ka na" ani ko. Umiling ito at mahigpit na hawak ang kamay ko.

"Please stay for me..." paos niyang sabi. Tumango ako at pinindot ang alarm button. Alam ko naman na makukuha nila ang ibig sabihin non pag tumunog ito.

"I'll stay" Simpleng sagot ko at umupo. Ilang sandali lamang ay dumating na agad ang mga doctor. Gulat ang kanilang mga mata nang makita si Dean na gising na.

"Finally!" sambit ni Francis. Nakangiti akong humarap sa kanila at binigyan sila ng daan upang i-check ang kalagayan ni Dean. 

"The vital are normal.." nang simulan nila ang pag-che-check ay tahimik lamang ako nanonood. Ngumiti ako para ibsan ang pangambang tingin ni Dean at hinayaan siyang hawak ang aking kamay. Chineck nila mula sa mata, bibig, tainga, kamay at marami pang iba.

"All parts are normal. We're just waiting for the final results of laboratory. Then we can transfer him on recovery area and maybe next days pwede nang tumanggap ng bisita si Mr. Orlan" sabi ng Doctor. Tumango ako at nagpasalamat doctor. Nang lumabas ang mga doctor ay umupo muli ako sa tabi niya at ngumiti.

"Anong nararamdaman mo?" tanong ko. Tumitig muna siya ng matagal bago sumagot.

"I missed my 5 years of living because of a lie" malungkot niyang sabi. Mabilis akong umiling at marahang hinaplos ang kanyang mga palad.

"No..." iling kong sabi. "You never missed it, you're fighting for it."ngumiti muli ako at umupo sa tabi niya.

"Biruin mo, sinaktan mo ang sarili para lang makaalala ka. That's big sacrifices Dean walang makakatumbas 'don" inayos ko ang kanyang buhok at marahang hinawakan ang kanyang palad.

"Kung hindi ko gagawin 'yon. Hinding-hindi ako makakaalala Sezine. Hinding-hindi. Baka patuloy akong mamuhay sa kasinungalingan at makaligtaan na may anak pala ako"nanunbig ang kanyang mga mata.Kasabay na pagtulo non ay ang pagbagsak ng mukha niya sa aking balikat.

"Shhh... You remember everything now, that's the most important today. We should focus and forget what happen in the past years of our life." mahinang sambit ko. Nanginginig pa ang kanyang kamay na hawak ang aking baywang. Iniharap ko ang kanyang ulo upang magpantay ang aming paningin. Bahagya akong natawa, puno ang kanyang mukha ng luha. Marahan ko itong pinunasan. Upang humupa ang sakit na nararamdaman niya isang bagay lamang ang aking nasa isip. 

"We can't go back to our past. Maybe it's our history but we shouldn't stay on it, we have to leave it. Look forward and and start a new life." Tumango siya na parang bata. Kagat labi akong napatingin sa kanyang labi at binalik ang tingin sa kanyang mga mata. Unti-unti kong inilapit ang aking mukha at saka pinagdikit ang aming mga labi.

After how many years i felt him again...

Smack lamang iyon at sobrang lakas na ng tibok ng aking puso. Hinding-hindi ko inexpect nabuong buo pa rin ang pakiramdam na iyon lumipas man ang taon.

"Damn! I miss my baby..." natawa na lamang ako at muling naglapat ang aming mga labi.

Lumipas ang ilang araw ay nailipat na siya sa Recovery room. Isang linggo rin ang inantay ng mga anak ko upang makita ang kanilang ama.

"I'm so excited mommy! We will see daddy again!" Maligayang sambit ng aking anak. Ngumiti ako at inalalayan ang dalawa kong anak na bumaba ng sasakyan at hawak ang kanilang kamay na pumasok sa Hospital.

"Wow! Ito na yung anak mo Sez? Kay Dean nga! hawig na hawig! ang lakas ng dugo ni Orlan!" sabi ni Francis bago pumasok sa isang room ng pasyente.

"Oh, magmano kayo sa tito Francis niyo." sabi ko at hinayaan kong lumapit ang akig mga anak sa kanya.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon