Chapter 8

11 1 0
                                    

Tahimik ako hanggang sa makarating ako sa apartment niya. Kahit sobrang dami niyang sermon sa akin kagaya ng:

'bakit kasi hindi ka nakikinig'

'ayan tuloy, muntikan ka pang masagasaan'

'sa susunod antayin mo ako at sabay tayong uuwi'

Ngayon mas napapa-isip ako kung no ba talagang meron kami. Imposibleng gawin niya ito ng walang dahilan o walang kapalit. Ang mga mayayaman napaka imposibleng manlibre lalo na sa kagaya kong dukha at hindi kayang bayaran ang mga bagay na ginagawa niya.

Nang makapasok kami ay nanatili ako sa pinto. At tinitigan ang bulto niyang nakatalikod.

"Halikana" ani niya ngunit umatras lamang ako.

"Uuwi na ako Dean." seryoso kong saad. Lumingon ito sa akin na seryoso rin ang expression ng kanyang mukha.

"No, you say here" ani niya. Umiling ako at nanlabi upang hindi pumiyok ang aking boses. Ramdam ko na ang pag-init ng aking mata at ang mga nagbabadyang mga luha. Isang araw pa lang ito ng paghihirap ko sa kamay ng mga taong mapang-api at kung madadagdagan pa ito ng ilang araw ay paniguradong baka ito ang maging kamatayan ko.

"Ayoko na Dean, wala akong ipangbabayad--"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo ko kailangan bayaran! You need to stay here, just stay here!" galit sambit niya at unti-unting lumapit sa akin. Umatras din ako sa takot na baka ay saktan niya ako.

"Please sez..."

Umiling muli ako at yumuko. Hindi ko na mapigilang humikbi at tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Hanggang sa naramdaman ko nang niyakap niya ako ng tuluyan.

"All you need to do, is to stay." mahinang sambit niya.

"Bakit ba kailangan kong tumira dito? Ayos lang naman ako kila auntie. Kailangan kong umuwi sa kanila Dean, hindi pwedeng nandito lang ako" umiiyak kong sambit. Tiningala ko pa siya dahil sa tangkad niya ngunit pumukit lamang ito at hinalikan ako ng ilang beses sa noo.

"Pumasok muna tayo sa loob. You need to rest, you look tired" ani niya. Wala na akong nagawa at pumasok na lamang sa loob.

Naupo ako sa gilid ng kama at ganon din siya. Pinahid niya pa ang mga luhang nasa pisngi ko.

"Wag ka nang umiyak, i will explain everything to you after you rest. What do you want eat? I'll cook" tanong niya at nilagay ang ilang takas na buhok sa aking tainga.

"Kahit ano, maliligo muna ako" ani ko. Tumango ito at dinampian muna ng halik ang aking noo bago ako iniwan nito sa kwarto.

Nang makapasok ako sa banyo ay mabilis akong naligo, dahil sa sakit ng aking katawan ay pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Kita ko rin sa salamin ang iilang pasa ko na nagsisimula nang mamaga.

Napakagat labi ako nang maalala ang mga nangyari kanina.

"Shhh..  Wag ka nang umiyak self. Everything will be alright. Okey? Hushh" pagkakalma ko sa aking sarili habang nasa ilalim ng shower. Nang matapos akong maligk ay mabilis kong binalot ang sarili ko sa tuwalya.

Ilang katok ang narinig ko bago ito bumukas, agad akong nagpanic nang maalala ko ang mga pasa sa aking katawan. Hindi niya pwedeng makita ito!

Mabilis kong kinuha ang labahan kong cardigan at itinabing sa aking sarili. Seryosong mukha ni Dean ang bumungad sa akin.

"Don't hide it" seryosong saad niya at huminga ng malalim animo'y nagpipigil ng nagbabadyang pagputok ng apoy sa kanyang bibig.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?!" sigaw niya. "Kailangan sa iba ko pa talaga malalaman?" dagdag niya pa. Hindi ko alam ang isasagot ko sa bawat tanong niya. Blangko ang aking utak at parang naubusan ng tinta ang aking mga labi upang magsalita.

Unti-unti itong lumapit sa akin at unti-unting ibinaba ang cardigan na itinabing ko sa aking katawan. Kinuha niya ang mga braso ko at pinagmasdan ang mga pasa rito.

"Im sorry" bigla niyang sabi.

"I know it was my fault" mahinang sambit niya.

"I don't know that my fans are so cruel and can hurt someone liks this. I was dissappointed on what they did." dagdag niya pa at pinasadahan pa ng tingin ang ilang mga pasa sa aking katawan.

"Magbabayad sila don't worry. I won't let you hurt again" ani niya at hinalikan ako saka lumabas na ng banyo.

Habang ginagamot niya ang aking mga sugat at paglalagay ng ointment sa aking mga pasa ay napatitig ako sa kanyang mukha. Maamo ito kung titignan ngunit bakas sa mata niya ang kapilyuhan.

"May fiancé ka pala hindi mo sinabi sa akin" paos kong sabi. Natigilan ito at umangat ang kanyang paningin.

"Yes, i have but i don't like her. There's someone on my heart" ani niya at nagpatuloy muli.

"How did you know?" tanong niya habang ginagamot pa rin ang aking pasa.

"Isa siya sa nanakit sa akin" sambit ko at natigilan ito saka unti-unting tumaas ang ulo.

"She hurt you?" wala sa sarili napatango ako at nagbaba ng tingin.

"Damn that woman. Sinusubukan talaga ang pasensiya ko" ani niya.

"Hayaan mo na, didistansiya na lang ako para hindi na 'to mangyari ulit" sambit ko at umiling lamang ito.

"Hindi mo kailangan dumistansiya sa akin, fiancé ko lang siya pero hindi ko siya mahal at kailangan nilang matuto sa pagkakamaling ginawa nila. Masama ang manakit, hindi sila ang nagbigay buhay at nagpakain sayo para saktan ka ng ganito at hindi ko hahayaan na saktan ka nila uli." ani niya.

Nanatili na lamang akong tahimik at hindi na nagsalita pa. Hanggang sa matapos kaming kumain ay tahimik pa rin ako.

Tahimik akong nakatulala sa balcony ng apartment niya at pinagmasdan ang mga kabahayan.

Hanggang kailangan pa kaya ako magtitiis sa bawat panliliit ng tao? Kailan pa kaya matatapos ang bawat pasakit na binibigay ng mundo?

Ayoko na, sawa na ako.

Simula nang nawala ang mga magulang ko puno na ng discriminasyon mula sa mga kamag-anak ko ang natatanggap ko araw-araw. Si Auntie nga lang ang nagtiyaga na kupkupin ako kaso nga lang kailangan kong sumunod sa lahat at mag-ambag sa lahat ng gastusin.

Kung tutuusin wala naman sanang masama e, kung hindi lang nila kinamkam ang perang naiwan sa akin ng mga magulang ko. Ang iba't ibang arian na meron ako. Pero lahat nang iyon ay napunta sa mga kamag-anak ko. Ni hindi ko alam kung papaano nila nagawa iyon.

Nabulabog ang aking pagmumuni muni sa isang pamilyar na tinig ng babae. Pumasok ako sa loob ng bahay at pumunta sa sala. Halos mahulog ang aking panga dahil sa aking nakita

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon