Chapter 22

7 0 0
                                    

"Baby, you don't have to do it. Gusto mo magpapakalayo tayo para malayo sa kanila.. please baby..." umiling ako at nilagay sa aking bag ang aking mga gamit.

"Kailangan 'to Dean" matapang kong sambit.

"Hindi pwedeng sa akin lang iikot ang mundo mo. Kailangan mong mag-grow! para sa sarili mo 'yon!" utas ko. Umiling siya at hinilot ang sintido.

"I don't need that! I only need is you!" frustrated niyang sambit at inalis lahat ng mga gamit na ipinasok ko sa bag. Ngunit binalik ko lamang to ulit.

"Dean! Ano ba?! Kailangan nating gawin 'to para sa ikabubuti mo!" napasigaw na ako sa inis, sakit at galit.

"Kailangan ko?! O kailangan nila? They don't even know why i want to live here alone! Why i choose to live independently! Please, baby... Wag kang magpadala sa pananakot nila..." halos lumuhod na siya sa pagmamaka-awa.

"Dean..." tawag ko ngunit umiling lamang siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ganon ka sikip hindi rin gaano maluwag. Kung baga sakto lang.

"Please baby? please? can you stay?" wala na akong choice kundi ang tumango at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata.

Ilang araw pa akong nanatili sa apartment niya. Hanggang sa isang araw may iniwan siyang note.

'Eat your breakfast before you go to school. May aasikasuhin lang akong importante'

Wala akong choice kundi ang kumain. Pagkatapos ay naligo at tumungo sa school. Dahil may event ngayon at Feb month pa ay maghapon kami sa school. Ngunit ni isang anino ni Dean ay hindi ko nakita. Gaano ba kaimportante yung aasikasuhin niya?

"Ruis, nakita mo ba si Dean?" tanong ko. Umiling ito at kumunot ang noo.

"Hindi e" tumungo na lamang ako at nagtungo sa kanyang room. Baka noroon lang 'yon at natulog.

"Uhm, excuse me. Si Dean nandiyan ba?" tanong ko sa babaeng nagwawalis.

"Hindi naman pumasok 'yon. Buong araw may naghahanap sa kanya e. Tapos hindi namin alam kung nasaan" bumuntong hininga ako at mabilis na kinutuban.

"Sige, salamat"

Dahil hindi ko talaga nakita si Dean ay pinili ko na munang tumungo sa isang mall upang bumili ng ireregalo ko sa kanya. Hindi nga lang mahal hindi kasya sa badget ko.

Habang nag-iikot ay may napansin akong kumpulan ng mga kababaihan sa isang booth. Mabilis akong lumapit roon at tinignan kung ano meron.

Akala ko naman e may maganda or gwapo ang naroon na model o sikat na artista! yun pala e free kiss lang ng isang gwapong lalaki.

Mabilis akong umalis roon dahil wala naman akong balak magtagal. Baka mamaya nariyan na si Dean sa bahay at inaantay na ako roon.

Iilang stall at restaurant pa ang aking nadaan hanggang sa napako ang aking mata sa isang lalaking nagpupunas ng lamesa at nakasuot ng pang waiter na damit.

"Dean..." mahinang bulong ko. Para akong natulos sa aking kinatatayuan nang makita ko siyang hirap na hirap sa kanyang ginagawa.

Kaya siya umalis ng bahay at pumasok ng maaga para rito. Umabsent siya sa school para magtrabaho.

Napailing ako at mabilis na napuno ang aking mga mata ng luha. Mabilis ko ring pinalis at mabilis na pumunta sa stall na aking pagbibilhan ng regalo.

Nang maka-uwi ako ay naroon na siya. Pagod akong tinignan at animo'y mahabang araw na ako'y inantay.

"San ka galing?" tanong niya. Napa-irap ako sa hangin at tinignan siya.

"Ikaw san ka galing?" balik tanong ko.

Buried Memories (Fire Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon