Chapter Five*

2.8K 52 6
                                    

Chapter Five*

 

[TIFFANY’s POV]

“'Tay! Nakikita mo 'to? Ang ganda diba po? Grabe! Ganda talaga!” Tuwang-tuwang sabi ko habang pinapakita kay Tatay ang binigay na damit ni Sir Arthur para sa JS Prom ko mamayang gabi.

Isa iyong violet tube gown na talaga namang pangprinsesa! Ngayon lang talaga ako nakakita ng ganitong kagandang gown. Grabe! Noong third year ako, isang bestida lang na nirentahan ko pa ang sinuot ko e. Hindi ko naman daw kasi sinabi kay Sir Arthur na mag-j-JS ako nang mga panahon na 'yun kaya hindi tuloy ako nakapagsuot ng isang magandang gown.

Pero ngayon.. HAHAHA! Panigurado akong lilingon silang lahat sa akin at saka.. at saka.. isasayaw ako ni Israel. Hihi. Si Israel ang boyfriend ko. Limang buwan niya akong niligawan. College na siya ngayon at talaga namang matalino siya. Medyo angat din sila sa pamumuhay, hindi gaya namin ni Tatay.

“Masaya ka ba anak?”

“Syempre naman 'Tay! Masayang-masaya ako at isa pa, isang buwan na lang.. gra-graduate na ako!” Niyakap ko pa si Tatay na ngumingiti naman.

“Sige, nasa mansyon daw ngayon si Sir Arthur, pumunta ka na at magpasalamat.”

“Sige po 'Tay. Balik din po ako pagkatapos.” Tinanguan lang ako ni Tatay kaya naman nginitian ko lang siya tapos nagtatakbo na papunta sa mansyon kahit na medyo malayo pa 'yun.

Nasa gate na ako ng masyon. Hinahanap ko si Manang Marlyn kasi sa kaniya ko tatanungin kung nasaan si Sir Arthur.

Teka? Wala ba si Manang? Mga ganitong oras nandito na 'yun e. Pumunta kaya siya sa palengke? Ay bahala na. Punta na lang ako sa library. Baka nandoon si Sir e. Wala din kasi akong mahanap na kasambahay e.

Malapit na ako sa library nang makita ko si Andrei sa may pintuan.

Whoa! Umuwi siya dito? E diba hindi pa naman bakasyon o kaya sembreak nila? Bakit kaya umuwi siya. Malapitan nga at matanong.

“Son, binigay na sa akin ni Tonio ang titulo ng lupa. Ayos na din ang lahat.”

Anong pinag-uusapan nila? Ano 'yung sinasabi ni Sir Arthur? Titulo ng lupa? 'Yung lupa ni Tatay?

“Thanks Dad. Pwede nating i-cultivate muna ang lupang 'yun para mapakinabangan at isa pa, ayos na din ang engagement party namin?”

Nangunot ang noo ko. 'Yung lupa ba talaga ni Tata yang pinag-uusapan nila? Kasi sabi ni Tatay wala siyang balak na ibenta 'yun kahit na kanino kasi pamana niya sa akin 'yun e. Kahit na hindi niya sinabi sa akin na may lupa pala siya at narinig ko lang 'yun sa ibang tao. Bakit niya ibenenta 'yun?

“Oo, pumayag na si Tonio. Sa isang araw na ang engagement party niyo ni Tiffany then after a couple of years, pwede na kayong ikasal.”

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ano daw 'yun? Engagement party namin? Huh? Parang hindi ko maintindihan? Bakit ako? Bakit si Andrei? Wala naman kaming relasyon ah at isa pa, may boyfriend na ako! Mahal na mahal ko si Israel!

“Sige Dad. Thank you sa lahat ng tulong mo.”

Ano? Huwag mong sabihing pakana ito ni Andrei?

Hindi. Nagkakamali lang ako! Hindi naman siguro totoo 'yun! Nagbibiro lang sila. Sus! Bakit naman ako ipapakasal ni Sir Arthur sa anak niya at saka bakit naman papayag si Tatay? Hahahaha. Ano bang iniisip ko!? Hayy! Nananaginip 'ata ako ng gising e.

“Sinabi mo na ba kay Tiffany ang tungkol sa engagement party niyong dalawa?”

Hindi! Hindi!

“She doesn’t have to know Dad. It’s okay like this. At isa pa, wala na din naman siyang magagawa e. Gusto man niya o ayaw niya, matutuloy pa din ang engagement naming dalawa.”

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon