Chapter Ten*

2.5K 38 10
                                    

Chapter Ten*

 

[TIFFANY’s POV]

UGH! What am I doing here?

Ano namang pakialam ko kung nanganak ang asawa ng kaibigan niya? Excuse me lang pero hindi naman ako interesado e. Tsk. Basta-basta niya na lang kasi ako hinila sa kotse and the next thing I knew, nandito na kami sa hospital!

Naikot ko na lang ang mata ko. Nagkukumpulan kami sa isang private room. Nandito lahat ng barkada ni Andrei at ang mga asawa nila at 'yung girlfriend ni Xander na kapatid nila Ej at Jm. At 'yung kambal na step sisters ni Ella at mga magulang nila.

Syempre, nasa sulok lang ako.

Hello? Sino namang kakausapin ko? We’ve just met month ago. Hindi ko pa sila lubusang kilala. Tsk. At si Andrei… Akala ko kilala ko na.. hindi pa din pala.

“Yiee. Ang cute ng baby nila ate Ella. Hehe. Naalala ko pa nun, nagbibiruan lang sila habang tinitignan si baby Choco sa nursery room e.” Kwento ni Precie. Nakaupo ito malapit sa baby boy nila Ella.

“Ah. I remember that. Kasi pagkatapos nun nag-away kayo ng malupet ni Xander! Hahaha.” Kwento naman ni Keith at kitang-kita ko na nagblush si Xander.

Wow. Uso pa pala ang pagbablush ng isang lalaki?

“Bakit mo iniiba 'yung usapan ‘dre?” Si Xander na pumunta sa likod ni Precie at binack hug ito.

“Hoy Xander! Huwag ka namang PDA dito!” Singit naman ni Jm pero yumakap din ito sa asawa nitong medyo halata na din ang tiyan.

Nagkatawanan naman sila.

Tsssk! What am I doing here anyway? Hindi ko sila magets! Nagtatawanan na lang at isa pa, bakit bigla na lang akong naging narrator ng mga sinasabi’t ginagawa nila? TSK! I want to go home! Ayoko nang panuorin ang mga walang kwentang pinag-uusapan nila.

“Kayo Andrei, kailan niyo balak magkaanak ng misis mo?” Biglang tanong ng mommy ni Keith. Maganda ito at kilala talagang tao. Dati kasing beauty queen at hanggang ngayo’y napakaganda pa din nito.

“Tita Lea naman, mapepressure kami niyan e.” Sabi naman ni Andrei at may himig ng biro ang boses nito. “Nagdo-double time na nga kami e.”

What the! Did he really say that?

“Sana makabuo kayo agad para naman may makalaro na ang apo namin.” Sabi naman ng daddy ni Keith.

“By the way..” Shit! Kailangan maiba ang usapan! “Anong pangalan ng baby?” Tanong ko. Napatingin silang lahat kay  Keith at Ella. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at wala na sa amin ang atensyon.

“Oo nga naman anak, anong pangalan ng baby?” Tanong ng mama ni Ella.

“Keib po Mama.” Nakangiting sabi ni Ella sabay haplos sa buhok ng baby nito.

“Ako nag-isip nun hehe.” Pagmamalaki naman ni Keith.

“'Yon Pare! Tatay ka na talaga!” Tinapik pa ni Jm si Keith sa balikat.

“Congrats 'tol. Ayan, may makakalaro na ang junior ko.” Sabi naman ni Ej.

Tss. Hindi ko na talaga napigilan kaya naman tahimik akong lumabas sa kwartong 'yun. Puno ng tawanan at parang walang problema. Mabuti pa sila.

Pumunta na lang ako sa Canteen dahil hindi pa ako kumakain. Paano naman kasi ako kakain e puno isda ang nasa menu ngayon? Tss. Simula ng mamatay si Tatay, hindi na din ako kumain ng isda. Paborito kasi ni Tatay ang isda. Kahit anong luno, may sahog man o wala basta seafoods, napapalakas na ang kain niya.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon