Chapter Twenty Seven*

1.8K 31 10
                                    

Chapter Twenty Seven*

[YAN-YAN's POV]
"Mommy Yanny! I want this!" Turo ni Andrea sa bear stuff toy. She likes bears so much. Bears on her dress. Bears on her ponytail. Bears on her bag and so on.

"Pink bear?" Tanong ko. Maliit na teddy bear iyon na may hawak na rose.

"Yeah. He's cute. I will name him pinky the fourth." Namimilog ang mga mata nito habang nagsasalita. Halatang excited.

Pinky the fourth? Nailing na lang ako. Lahat ng stuff toys nito may pangalan.

"Okay. We'll buy it." Sagot ko at pinat pa ang ulo niya.

"Yehey! I love you Mommy Yanny." Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.

Napakasweet talaga ng batang ito. And the way she's calling me mommy, nakakatouch. Ilang araw pa lang naman ng maging kami ni Andrei, officially. Limang taon ko itong hinintay.

I know maraming nagsasabi na ako ang dahilan ng hiwalayan nila ni Tiffany. Pinagsisihan ko na iyon. Sobra.

Minsan kasi, mapanghusga ang mga tao sa paligid namin. Hindi nila inalam ang side ko. All they think was I am a home wrecker. Hindi nila alam kung paano ipinagtabuyan ni Tiffany si Andrei. Kung gaano nasaktan si Andrei sa mga binitiwang salita ni Tiffany.

Kasalanan ko pa ba kung hindi siya pinatawad ni Tiffany? Kasalanan ko pa ba kung ganun lang kababaw ang pagmamahal niya kay Andrei? Nagmakaawa na ako para lang magkabalikan sila. I tried my best but she didn't listen!

And I chose to be with Andrei. Not just to mend his broken heart but to be his friend that he need the most even if he don't like me staying with him. Dahil ng mga panahong naging 'iba' si Andrei, hindi ako umalis sa tabi niya. Kahit pagsalitaan niya ako ng hindi maganda. Kahit ipagtulakan niya ako palayo. Hindi ako sumuko. Kahit ilang beses niya akong sinaktan.. paulit-ulit.. na akala ko hindi ko na kaya.

Hindi pa din ako umalis sa tabi niya. Kahit nang mga panahong akala ko okay na kami. Pero bigla na lang nakabuntis siya ng iba. Nagstay pa din ako sa tabi niya. Kahit ang sakit sakit na, kahit na parang mabibiyak na ang puso ko.

Nagstay pa din ako sa tabi niya.

"Waaaaah! It's mine! It's mine!"

Nagulantang na lang ako ng makarinig ng batang umiiyak. Akala ko si Andrea kaya agad akong lumapit dito.

May isang batang babaeng umiiyak sa harap nito. Halos magkatangkad lang ito at si Andrea.

"What happened baby? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Agad kong tanong sa bata. Tinignan ko si Andrea na namumuo na din ang luha sa mga mata habang yakap yakap nito ang stuff toy.

"Mommy!" Sigaw nung bata.

"Andrea? What happened?" Tanong ko na lang kay Andrea pero hindi ito sumasagot. Tinatawag na ng bata ang mommy niya. Nakakakuha na din kami ng atensyon mula sa ibang mamimili.

"Mommy!" Sigaw pa din ng batang babae. Palakas na ng palakas ang boses nito.

"Thalia, my baby! What happened?" Isang babaeng humahangos na lumapit sa bata at niyakap ito. Inaalos ang bata.

Pero hindi iyon ang nakagimbal sa akin. Halos pagpawisan ako ng malapit ng makita ko siya. Mukhang ganun din ang reaksyon nito ng mapansin ako. Wala akong makuhang tamang salita para sa kaniya.

Tiffany..

Bumalot sa buo kong pagkatao sa takot. Daig ko pang nakakita ng multo. Bakit nandito siya? Babawiin niya na ba si Andrei? Masasaktan na naman ba ako?

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon