Chapter Thirty Eight*

2.4K 27 5
                                    

Chapter Thirty Eight*

[ANDREI's POV]
Hmm. Saan na ba 'yun? Alam ko dito ko lang inihagis 'yun nun e. Tsk. Saan na ba kasi 'yun? Kanina pa ako naghahanap! Pinagpapawisan na din ako. Ang init naman kasi dito sa bodega!

Hinahanap ko 'yung luma kong gitara. Takte naman kasing plano ni Adana e. Sabi mangharana daw ako. Bibili na sana ako ng bagong gitara ng sabihin naman ni Tiffany na namiss niya daw 'yung mga panahon na kumakanta ako noon, at 'yung gitara kong 'yun, ang lagi kong ginagamit tuwing kumakanta ako.

Kaya eto ako ngayon, hinahanap ang gitarang itinapon ko na lang basta dito.

"Daddy!"

Napalingon ako. "Andrea! Thalia! What are you two doing here? Maalikabok dito!"

"But you're here too!" sagot ni Thalia.

"Yeah. You looking for something daddy? We can help you." Sabi naman ni Andrea.

"No! You two! Labas!" Hayy! Ang kukulit ng mga anak ko. "Sige na, my two beautiful daughters. Huwag nang makulit. Sandali na lang ako dito and then we'll play."

Sabay pa silang sumimangot. Nagcrossed arms pa sila.

"No way! I want to help daddy!" mataray na sabi ni Andrea, nagmana sa pinagmanahan.

"Hmp! Yeah! Let me help you too daddy!" Mataray din na sabi ni Thalia, nagmana din sa pinagmanahan.

Oo, pareho namang mataray ang mga ina nila. Argh. I have a thing for a mataray girl. Seriously?

Pero hindi talaga sila pwede dito e. Madudumihan sila at saka maalikabok talaga dito. Hindi pa ata nililinisan ng mga katulong.

Hmm. Ah. Alam ko na. "You can go to Cj to play."

At sabay pang nagningning ang mga mata nila.

"Bye daddy!" At ayun, tumakbo na sila palabas.

Grabe lang. Si Cj lang pala katapat nung dalawa na 'yun! Pero! Argh! Dalawang anak ko pa 'ata ang nagkakagusto sa mokong na 'yun ah!

Ah ewan! Saka ko na aalahanin 'yun pag nagdalaga na sila. Sa ngayon, hahanapin ko muna ang gitara ko.

~~~♡~~~
After eight thousand seven hundred sixty five years.. nahanap ko na din ang gitara ko.
Pinunasan ko siya para matanggal ang mga alikabok. Nilinisan ko talagang mabuti at itinono ko na din.

"Ah.." napangiti ako. Nakita ko kasi ang isinulat ni Tiffany.

To the best singer in the world!

Ahh. Naalala ko pa nun, ang paborito niyang kanta ay 'yung passenger seat. Paulit-ulit niyang nirerequest 'yun.

"Sige na kasi Andrei! Please! Kantahin mo na sabay gitara. Please.." pakiusap sa kaniya ni Aning habang nagpapaawa. Nasa may kubo sila, malapit sa palaisdaan. Pahingahan ng mga trabahador.

"Later na lang. Wala ako sa mood." sabi ni Andrei na nakasimangot pa.

"E bakit mo dala 'yang gitara mo? Siraulo ka ata e."

Tinignan ni Andrei ng masama si Aning. Bakit nga ba mainit ang ulo niya? Isa lang ang dahilan. May crush kasing ibang lalaki si Aning, school mate daw nito.

And he was threathen by the fact that Aning was having crushes on someone, now that he realize, his love for Aning was more than a friend.

"Iss. Ewan ko sa'yo. Ang arte mo! Si Kuya Pong na lang pakakantahin ko."

"And who's that Pong?"

"'Yung crush ko."

Mas nagdilim pa ata ang paningin ni Andrei sa narinig.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon