Chapter Eleven*
[ANDREI's POV]
Just be yourself!
Just be yourself Andrei Ventura!
Shit!
Kanina pa ako palakad-lakad sa harap ng kwarto ni Tiffany. Oo na, parang tanga na ako dito pero hindi ko alam kung paanong magsisimula.
Kakatok pa ako tapos papasok at bibigyan siya ng matamis na ngiti kasama ang niluto ko. O hihintayin kong magising siya at yayaing magbreakfast ng sabay?
Ano dun?
Hayy! Hindi ko alam!
Anak ng tilapia naman oh! Kailan pa ako naging duwag? Kainis! Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko minsan. Ang gulo kasi e.
Napatigil naman ako sa pagmumuni ng biglang umingit ang pintuan.
"What are you doing in front of my room?" Nakataas na agad ang kilay nito sa akin kahit na umagang-umaga.
"Well, this is also my room if you like to know." Shit! Ano bang pinagsasabi ko? Dapat diba binabati ko siya ng magandang umaga?
"So?" Mataray na sabi nito.
"So? I want to do this." I kissed her in the cheeks.
Nagulat naman ito sa ginawa ko. Ako man, nagulat din sa ginawa ko. Ewan. I just want to kiss her. E kasi naman, ang ganda niya kahit bagong gising. Kahit na medyo magulo pa ang buhok niya at bagong hugas ang mukha niya. Walang make up o ano pa man.
"Seriously!? What are you up to!?" Bulyaw nito pagkatapos bigla na lang sinara ang pinto ng kwarto.
Natampal ko ang noo ko. Hayy. Hindi naman 'yun ang gagawin ko e. Tssk. Pag nandyan na kasi siya, hindi ko na alam ang pinaggagawa ko.
Naiinis ako sa sarili ko at the same time, natatawa ako. E kasi naman ang cute ng mukha niya kanina. Haha. Nang halikan ko siya bigla na lang siyang namula. Hehe.
Argh. Do I have a twisted personality? Hayy. I don't know anymore.
"Andrei.."
Waaa. She called my name.
"Ah. Y-yes?" Shit Andrei! Tinawag niya lang ang pangalan mo, nauutal ka na? Umayos ka nga! Magpakalalaki ka naman!
"I'm hungry."
Parang namilog ang mata ko sa narinig. "Ah yeah. Let's have breakfast."
Masaya akong pumunta sa kusina at inayos na ang hapag kainan. Haha. I never imagine I would do this kind of thing.
'Yung ipaghanda ang ibang tao.. 'Yung pagsilbihan sila..
Ako na buong buhay ko, ako lang ang pinagsisilbihan. Ako ang nang-uutos. Ako ang pinaghahandaan. Ako ang boss.
But for now, she's my boss. My great so-called wife.
If she will just be mine then everything.. Everything will be perfect.
"What's for breakfast?"
"Ah. Sunny sideup egg, luncheon meat, and tocino. Meron ding rice if you want to eat rice. At saka orange juice."
"Ah. Sunny side up egg na hindi masyadong luto ang pula ng itlog. Luncheon meat at tocino na hindi din masyadong luto. Ano bang ginawa mo?"
Napayuko ako. Nagmamadali kasi ako kanina habang nagluluto kaya naman ganyan ang resulta. Undercooked.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...