Chapter One*

6.6K 79 3
                                    

Chapter One*

[ANDREI's POV]

"You may now kiss the bride." Sabi ng pari.

Hinarap ko ang babaeng kanina pa mukhang naiinis sa mga nangyayari.

Itinaas ko ang belo niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Pero bago ko siya hinalikan, bumulong muna ako.

"This is our wedding so can you smile a little bit?"

Tinignan niya lang ako na parang wala lang ang mga sinabi ko. Ako na lang ang ngumiti at hinalikan siya sa labi.

Hindi man lang ito pumikit kaya ang ginawa ko, nilaliman ko pa ang paghalik ko sa kaniya.

Napasinghap naman ito sa ginawa ko.

Alam kong gusto niya na akong itulak pero hindi nito magawa dahil maraming nanunuod.

Tinapos ko na ang paghalik sa kaniya dahil mukhang hindi na siya makahinga.

"Ahem.." Anang ng pari. "I now pronounce you husband and wife."

Nagpalakpakan ang mga tao.

"You beast!" Dinig kong bulong niya.

Napangiti lang ako.

Pagkatapos ng nakakangawit sa panga na picture taking ay pumunta na kami sa reception. Walang iba kundi sa Private park na pag-aari namin.

"Yo Bro! Congrats!" Si Jm na tinapik tapik pa ako. Kasama nito si Sandra.

"Congrats din sa inyo." Sabi ko sa kanila. Aba! Nakabuo ang loko! Buntis na kasi si Sandra.

"'Yun oh! Kasal ka na din P're!" Si Keith na nakipag-hi five pa sa akin.

"Papahuli ba naman ako?" At nagkatawanan kami.

"Hoy! Hindi pa ako kasal ah!" Si Xander.

Mas lalo pa tuloy kaming nagkatawanan. Sa susunod na anim na buwan pa kasi sila magpapakasal ni Precie.

"Gusto mo na bang magpakasal hah Cheesecake?" Si Precie.

"Ikaw cheesecake, Gusto mo na ba?"

"Hmm.."

"Hoy.. Kasal ko 'to. H'wag kayong magharutan sa harap ko."

Nagkatawanan ulit kami.

"Sus P're. Ikaw nga kanina grabe kung makahalik. Gawin mo 'yun paghoneymoon niyo na." Asar ni Jm.

"Oo nga. Gigil na gigil e. Haha." Gatong pa ni Xander.

Eto talagang mga ito oh! Hahaha.

"Congrats nga pala kuya Andrei."

"Salamat Precie."

"Sige. Cheesecake, doon lang ako kela ate Chocola ah. Halika na ate Sandra." Hinila na ni Precie si Sandra papunta sa table nila Chocola at Ella.

"Congratulations Andrei." Si Ej na seryosong nakatingin sa akin. "Are you happy?"

Tinignan ko sila apat. Lahat sila seryosong nakatingin.

"Hoy! Ano bang mga problema niyo?" Ininom ko ang wine sa baso ko.

"Kung masaya ka, masaya na din kami para sa'yo." Sabi pa nito.

"Dude, I am happy." Masaya ako. Oo, masaya ako.

"Ay, masaya na kung masaya. Sige inom pa!" Si Keith, napansin niya siguro 'yung tensyon.

"Oo nga. Uminom na lang tayo. Haha." Si Jm.

"Pero huwag masyado, magagalit ang mga misis natin. Haha." Si Keith na napalingon pa sa table nila Ella. Kabuwanan na kasi ni Ella.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon