Chapter Thirty One*

2.1K 37 5
                                    

Chapter Thirty One*

(Grabe! Haha. Dalawang updates ako kahapon pero isa sa 29 at apat sa 30 lang yung nagcomment. (as of kagabi 'yan ah.) Haha. Medyo disappoited. Pero sige. Mahal ko kayo e. Kaya may mabilisang updates. Haha. And sa mga nagcomment, super thankies p! Special mention. @marypatriz dahil lahat ng chapter may comment niya! Super thank you. ! )

[EJ's POV]
Napatanaw na lang ako kay Andrei na nakatulala lang. Tatlong araw nang ganyan 'yan e. Kung hindi pa namin sinama dito sa beach resort 'yan e hindi pa lalabas 'yan sa bahay niya.

"Mabuti na lang at anniversary ng company. Walang nangungulit na hanapin si Andrei." sabi sa akin ni Ella. Nag-iihaw kasi kaming apat nila Keith at Chocola.

"Mahal.. kausapin mo kaya?" sabi naman sa akin ni Chocola.

I sigh. "I've tried. Pero hindi niya ako pinapansin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya e." Hindi ko naman masabing 'hey.. babae lang 'yan! huwag ka nang magdrama.' Kasi once in my life, naging ganyan din ako.

"Ang mga ganyan kasi.. dapat binabatukan at nang matauhan na." sabi naman ni Keith na sige ang paypay sa iniihaw nitong bangus.

"Keith naman." si Ella.

"What? E sa hindi matauhan e."

"Binugbog niyo na nga dati diba?" sabi naman ng asawa ko. She's right. Ilang beses na ba naming nasapak si Andrei. Pero wala e. Ganun pa din ata.

"Si Tiffany lang ang sagot diyan." si Keith.

"Ah. Speaking of Tiffany.." Si Ella, malungkot na napatingin sa amin. "We avoided her. Baka isipin niyang galit tayo sa kaniya."

"Right. Siguro, kailangan din nating humingi ng sorry kasi hindi din natin siya inintindi e." sabi naman ni Chocola at lumapit sa akin.

Pinisil ko naman ang pisngi niya. "We'll say sorry to her. Pag balik natin."

"No need. I invited her." biglang sabi ni Keith na ikinagulat namin.

"Ano?" tanong ko pa para makasiguro na hindi ako namali ng dinig.

"Pupunta siya dito."

"How? Why? What?!" Naguguluhan namang tanong ni Ella na halos masabunutan na ang asawa dahil nanggigil ito.

"My queen naman.. Huwag mo kong sigawan. It's just that.. I want to help. Ayoko nang makita si Andrei na muntangang nagmumukmok d'yan!" turo pa nito sa nakatulalang Andrei. "Mas gusto ko pa 'yung evil laugh niya noon tuwing may mag-iinvest. Dadami na naman kasi ang pera niya kaya masayang-masaya siya."

I.. thought about that too. Noong mga panahong inaasar-asar ko pa siya. Noong nga panahong totoo pa ang mga ngiti niya.

"Paano mo namang mapapapunta dito si Tiff e alam mo namang war sila ni Andrei?" takang tanong naman ni Ella.

Ngumisi si Keith. Nacurious tuloy kami kung anong kababalaghan na naman ang ginawa niya.

"She just opened up a book store. Then I have a friend who wants to invest to her. Kinausap ko 'yung kaibigan ko na dito na sila magkita. Pumayag naman si Tiff dahil gusto ni Thalia na pumunta dito. Easy right?" tinaas-taas pa nito ang kilay nito.

Nagkatinginan na lang kaming tatlo.

"So paano natin sila ipagsasama aber?" tanong ko naman. Syempre, malaki-laki 'tong beach resort. Paano kung magmukmok na naman si Andrei sa cottage niya e di wala din?

"Aba! Si Jm na ang bahala d'yan! Ako na nga ang nagpapunta dito tapos ako pa din? Aba! Grabeng effort na 'yan!"

Binatukan ito ni Ella. "Naku! Ikaw talaga e. Mga kalokohan mo talaga! Hindi ka na nagbago."

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon