Chapter Nine*

2.2K 42 7
                                    

Chapter Nine*

[ANDREI's POV]

Pabagsak kong inilagay ang mga kopya ng DSR o Daily Summary Report at Cash Flows reports ng Love cafe sa desk ko.

Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair at tinignan ang apat na lalaking kasama ko. Titingin din sana ako kay Tiffany kaso pinili kong huwag na lang.

Para akong napagod agad. Malaking pera ang nawala sa amin dahil sa tinakas ng isang engineer ang perang pangpagawa sana ng factory. Kasamahan iyon ni Xander at hindi din ito makapaniwala sa nangyari.

Pinaghahanap na ngayon ng mga pulis ang lalaking 'yun. Sana lang, mahanap na siya at maibalik ang pera. Kahit kalahati lang, okay na, basta lang maibalik.

"Hayy. Kung kailan naman okay na e." Bumuntong hininga si Jm sabay tingin sa akin.

"We lost 5 million. Mukhang matatagalan pa bago natin maibabalik 'yun." Sabi naman ni Keith, malungkot ang itsura nito.

"I'm really sorry guys. It's all my fault. I shouldn't have trusted him." Si Xander na nakayuko. Sinisisi kasi nito ang sarili sa mga nangyari.

"Gago! Anong kasalanang pinagsasabi mo dyan hah? Sorry sorry ka pa dyan!" Nakangiting sabi ni Keith at inakbayan pa si Xander.

"Oo nga Xander. Wala kang kasalanan." Segunda naman ni Jm.

"Seriously." Si Tiffany. Siya na kasi ang umaakto kong assistant dahil hindi na din kaya ni Ella. "Gan'yan talaga ang karma. If you did something bad to others, they will do something bad to you too."

"Tiffany!" Medyo malakas na sigaw ko sa pangalan niya.

Umismid lang ito at umupo na sa may upuan nito.

Humingi na lang ako ng pasensya sa mga kaibigan ko.

"It's okay pare. Parang Sandra lang 'yan. Tiisin mo na lang." Si Jm.

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko. Nagpaalam na lang silang apat at naiwan kami doon ni Tiffany.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.

Nauubos na ang pasensya ko sa kaniya.

Hinawakan ko siya ng marahas sa kamay at hinila patayo. "What the hell is your problem!?" Inis kong tanong.

"Let me go! You bastard!" Piksi nito.

"Kung may problema ka sa akin, sabihin mo sa bahay. Huwag dito sa office. Hindi ka na nahiya sa mga kaibigan ko." Galit kong sabi.

Tinitigan ko ang magaganda niyang mga mata na galit na galit na nakatitig din sa akin.

"Bakit nahihiya ka sa mga kaibigan mo? Nahihiya kang malaman nila na gago ka?"

"Oo. Talagang gago ako Tiffany. And if you don't want me to make your life miserable, umayos ka. Kasi mas nagiging gago ako pag ginagago ako." Binitawan ko na ang kamay niya at lumabas na ng office.

Huminga ako ng malalim.

Kailan ba matatapos 'tong iringan naming dalawa. Kailan ba babalik sa dati? Kailan ba siya ngingiti sa akin? Kailan ba darating ang panahon na 'yun?

"You knew what, etong gagong 'to, sobrang mahal na mahal ka." Bulong ko sa hangin.

Taeng hangin 'yan. Nasasabihan ko ng nararamdaman ko, samantalang 'yung babaeng 'yun, wala.

Umiling na lang ako sa mga naiisip ko at lumabas na sa exit door.

~~•~~

[TIFFANY's POV]

Nakakainis siya! Bwisit! Kapal kapal ng mukha! Gago talaga siya! Siraulong gago!

Padabog akong lumabas ng office. Wala na ata 'yung Andrei na 'yun.

Nakasalubong ko si Keith.

Hindi siya ngumiti sa akin, nagsalubong pa nga ang mga kilay nito ng makita ako.

"Can I talk to you?" He ask.

"What? Are you going to scold me?"

"No. I pity you."

"What!?" Nanlalaking matang tanong ko.

"Narinig mo naman diba? I pity you. I pity you because there's just hatred in your heart. Alam mo masama 'yan. I know because I experienced it too."

"Wala kang alam kaya huwag kang mag-advise."

Magsasalita pa sana ito pero natigilan ng magring ang phone nito. Sinagot nito iyon.

"Yes mama Lorna?" Simula nito. "What? Ah eh. Opo. Opo. Yes Mama Lorna. Pupunta na po ako d'yan. Ahm, Is my queen okay?" Parang nakahinga ito ng maluwag. "Thank you Ma. I'll be right there. Bye."

Tumingin ito sa akin pagkababa nito ng phone tapos bigla na lang akong niyakap na ikinagulat ko.

"What the heck are you two doing?"

Sabay pa kaming napalingon sa nakabukas na pintuan. Nandoon ang madilim ang mukha na si Andrei.

"Pare!" Binitawan ako ni Keith at sumugod naman ito ng yakap kay Andrei.

"H-hey!"

"Pare! Tatay na ako!"

Argh. Kaya pala siya bigla bigla na lang nangyayakap. Tss. Ganito ba talaga mga kaibigan niya, mga abnoy din?

"Keith! Congrats!" Si Xander na narinig siguro ang ibinalita ni Keith. Nasa likod nito ang kambal na sina Ej at Jm.

Niyakap pa nila si Keith.

"Ano pang ginagawa mo? Hinahanap ka na ng mag-ina mo." Si Ej na tinapik pa sa balikat si Keith.

"Mauna na ako. Sunod na lang kayo ah." Tumakbo na si Keith papuntang exit door.

"Excited na excited ang loko." Natatawang sabi ni Jm.

"Sus. Pati naman ikaw e. Hayaan mo, ilang months pa, ganun ka na din. Haha." Si Xander.

"Andrei? You okay? Hindi ka umiimik e." Si Ej.

Napatingin tuloy ako kay Andrei at ewan ko pero bigla na lang akong nainis nang tignan niya ako. May iba kasi sa tingin niya pero hindi ko mawari.

"Andrei?" Ulit ni Ej.

"Ah. I've been just thinking that I want to have a child too.. Soon."

Napalunok ako.

Ano daw?

He wants to have a child? Soon? Aba! Never! Hinding-hindi ko ibibigay sa kaniya ang katawan ko! No way!

"Well, you have a wife. You can do that." Si Jm.

No way!

"Yeah. I have a wife. Right Tiffany?" Tumingin silang lahat sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Kahit gustong-gusto ko na siyang murahin, paghahampasin at pagsusuntukin, hindi ko magawa.

Ewan pero parang natakot ako sa banta niya kanina.

No! This can't happen! No! No! No!

"Well, I want three children. You want that too Tiffany right?" He smile, 'yung labas ang cute na cute at malalim nitong dimple.

Argh! Did I just said cute?

Oh no!

Tumalikod na ako at pumasok na lang sa office.

This isn't the right time to notice his dimple nor be scared at his threats! I will be the one who will make his life miserable.

Remember that!

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon