Chapter Twenty Five*
Five years Later...
[ANDREI's POV]
"Andrea! Look at you! Ang dumi dumi mo na!" Angil ko kay Andrea habang pinupunasan ang mga kamay nito na puro tsokolate."But daddy! This is not germs! This is chocolate from tita's Chocola's house!" Angil din nito sa akin.
"Ikaw! Kutong lupa ka talaga!" Naiinis kong sabi.
"Ikaw naman, monster!" Naiinis din nitong balik sa akin.
Ang sarap niyang pisilin. Napakakulit kasi at napaka-tigas ng ulo.
"Gusto mo ba ibalik kita sa mommy mo hah?" Panakot ko.
"No way hi way! She said that from now on, ikaw na ang mag-aalaga sa akin! At isa pa, she's on her honeymoon!" Nakanguso nitong sabi.
Ugh. She's only four and a half years old pero kung magsalita akala mo tiyanak ay este matanda. Hayy. Anak ko ba talaga 'to?
"Bilisan mo na daddy! I'm gonna play with Cj pa e." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang seven years old na anak nila Chocola at Ej.
"Opo na po senyorita. Pwede ka nang umalis basta huwag ka munang mag-aasawa."
Sumimangot ito. "Ikaw dapat muna ang mag-asawa bago ako nu. Okay. Alis na ako. Babye." Isang halik sa pisngi ang binigay nito bago nagtatatakbo palabas ng bahay.
Saan kaya pinaglihi iyon ni Adana? Sobrang kulit e. But she's sweet. My little Andrea.
Adana's one of my ex. After naming maghiwalay ni Tiffany. Bumalik ako sa dati kong buhay. Mas lumala pa nga. Mas malala pa kay Keith, sabi nga ng barkada. At sa hindi inaasahang pagkakamali, si Andrea ang naging bunga.
After niyang ipanganak, nagbago ako. Ganun pala pag nagiging tatay ka na. Kung noon, gago ako. Ngayon matino na.
Salit-salitan kami ni Adana sa pag-aalaga kay Andrea. Kaya nga siguro lumaki siyang ganito, marami ng alam dahil na din sa sitwasyon namin ng mommy niya. And I am glad that she accepts us both, and our situation.
Alam niyang hindi namin mahal ni Adana ang isa't isa kaya hindi ito humihiling na magpakasal kami or whatsoever. Hindi na din naman ako pwedeng magpakasal kung kasali dahil nga kasal pa ako kay Tiffany.
At ngayon nga, iniwan na ni Adana sa akin si Andrea na malugod ko namang tinanggap. She's happy now with her husband.
"Tito." May humawak ng manggas ng damit ko.
"Hmm. O kayo pala John Drake and Xandria." John Drake was the son of Jm and Sandra, Xandria was the daughter of Xander and Precie.
"Where's Andrea?" Tanong ng limang taong gulang na si Xandria.
"Nasa bahay ng tito niyo." Nakangiti ko namang sabi.
"Andrea likes kuya Cj so much." Sabi naman ni JD, hinawakan nito ang kamay ng pinsan. "So let's go na lang to Keib. Huwag nating istorbohin sila."
Hindi ko mapigilang matawa. Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon.
"But Keib is scary. Kay Kuya Cj na lang tayo."
"He is not. He's kind."
"Scary!"
"Kind!"
Naku! Mag-aaway pa 'ata 'tong magpinsan. Lumapit na ako sa kanila at kinarga si Xandria.
"Keib is not scary Xandria. He just like to bully the one he likes." Just like his father. Haha.
"Tito Andrei. Samahan mo na lang kami. Okay lang?" Tanong naman ni JD.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...