Chapter Twenty One*

1.9K 29 18
                                    

Chapter Twenty One*

[TIFFANY's POV]
Anong meron?

'Yun ang unang-una na pumasok sa utak ko. E kasi pagpasok na pagpasok ko sa Love Cafe e parang nangingiti sila tapos pag nakita ko sila, bigla na lang hindi ako papansinin.

Seriously? Ano ngang meron?

Pero kahit ano namang tanong ko sa sarili ko, hindi naman sasagot ang utak ko kasi mas lalong hindi naman nito alam ang sagot.

Napailing pa ako.

Tanungin ko na nga lang si Ella na busy sa sinusulat nito. Inventory siguro. Nakaka-inggit nga e. Natutulungan niya ang asawa ko samantalang ako, sitting pretty sa condo.

E kasi ayaw ni Andrei na magtrabaho ako. Sabi ko nga e, bakit si Ella at Sandra? Pinagtratrabaho ng mga asawa nila? Ang kaso, tinawanan lang ako ng damuho.

Si Ella daw kasi, sanay na sa trabaho. Inaaway lang nito si Keith pag naburo ito sa bahay. At si Sandra naman, hindi nito pwedeng iwan ang shop nito.

Pero paano ako?

I want to work with him. I want him to be proud that he have a wife that can be useful to him, anytime.

Syempre, asawa lang naman ako. Gusto ko lagi kong kasama ang asawa ko. Gusto ko lagi siyang nakikita ng mga mata ko. Gusto kong naririnig ang boses niya..

"Ate Tiff! Huy!"

"Hah?!" Bigla na lang akong napatingin. Si Precie pala. Tinatawag ako. "Bakit?"

Ngumiti ito. 'Yung nanunuksong ngiti.

"You're daydreaming. I know, you are thinking of Kuya Andrei no?" She giggled.

Umiwas naman ako ng tingin. Oh my! Nakakahiya! "H-hindi ah."

"Asus. Deny pa more. Namumula ka nga e. Don't worry. Magkikita naman kayo later e." Napansin ko din ang kakaibang ngiti niya.

Ano ba talagang meron?

"Hoy cheesecake. Nandito ka na naman. Akala ko ba nasa Resto ka ng parents mo hah?"

Napataas ang kilay ni Precie kay Xander.

"Pakialam mo chessecake? E sa gusto kong makita ang pagmumukha mo e."

Muntik na akong masamid sa sinabi ni Precie kahit wala naman akong iniinom o kinakain. Minsan kasi hindi ko sila maintindihan. Minsan super sweet pero madalas parang ganito.

"T-talaga? You went here to see me?" Si Xander?

"May iba pa ba? Namiss ko kaya ang fiancee ko."

"HOY!" Dumagundong ang boses ni Jm sa hallway. Kasama nito ang buntis nitong asawa at si Ej.

"Saka na kayo maglandian pag mag-asawa kayo." Inakbayan nito si Precie. "Ikaw naman Precie. Nakakatampo ka na ah. 'Yang mapapangasawa mo lang talaga ang gusto mong makita hah?"

Niyakap naman ni Precie ang kapatid nito. "Sus. Si kuya talaga. E nandoon lang kayo ni ate Sandra sa bahay kagabi e."

"Ako dapat ang magtampo sayo little sister e. Si Jm lang dapat ang may hug?" Ungot naman ni Ej.

"Hayy. Eto din oh. Syempre may hug din ang kuya Ej ko." At niyakap din nito si Ej.

What a loving family.

Nakaka-inggit.

Hindi ko talaga maiwasan ang hindi ma-inggit. Wala na kasi akong pamilya. Wala akong ate o kuya. Nasa heaven na si Tatay. Si Nanay naman.. hindi ko alam. Maybe.. she was happy somewhere. Well, I don't care about her. Wala din naman siyang pakialam sa akin e. Iniwan niya kami ni Tatay dahil ayaw niyang maghirap.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon