Chapter Twenty Six

1.8K 30 8
                                    

Chapter Twenty Six*

[ANDREI's POV]
After naming manuod ng movie, naisipan naming ipunta si Andrea sa Quantum. Gamezone iyon.

"Daddy! Daddy! I wanna call mom!" Sabi ni Andrea after niyang maglaro ng basketball.

"Hmm." Tinignan ko ang oras sa relo ko. Nasa New Zealand kasi si Adana ngayon at merong four hours difference ang time dito at doon.

It was already two in the afternoon.

"Okay. Doon tayo sa medyo tahimik." Lumabas naman kaming tatlo at pumunta sa bakanteng bench doon.

I dial Adana's phone number. Ilang saglit ay narinig ko na ang boses nito.

"Hey, Ada." Bati ko. "Your daughter wants to talk to you." Ibinigay ko ang phone kay Andrea.

"Mommy! I miss you! Yes po. Nag-enjoy po kami. Hihi." Tuwang-tuwa itong habang nagkwekwento sa ina nito ng mga bagay na ginawa namin ngayon.

"Ang cute talaga ng anak mo." Si Yan-Yan na masayang pinanunuod si Andrea sa pagbibida nito sa ina nito.

"'Buti hindi ka nagsasawang alagaan ang kutong lupa na 'yan." Natawa pa ako sa nasabi ko. When Andrea was still a baby, she was so tiny. Masyado siyang maliit kumpara sa mga bagong labas na sanggol.

We thought na may mga complications noon pero maingat naman sa pagbubuntis si Adana. Ang sabi ng mga doktor, ganoon lang daw iyon.

Pero ngayon, okay na ito. Mas matangkad nga ito sa karaniwang four years old na bata. Well, her mother was a model kaya hindi na din nakakapagtaka.

"Your daughter is so lovable. She's smart and witty. Minsan nga pag kausap ko siya, para siyang matanda e."

Yeah. I agree. She's only two years pero napansin na namin ang kadaldalan niya. She talks, talks, talks nonstop. She's curious about lot of things. Pero kami talaga ni Adana ang dahilan ng lahat ng 'yun.

Dalawang pamilya kasi ang kinalakihan ni Andrea. Sa side ni Adana at sa side ko. Three days ito sa akin at four days naman kay Adana. That's our cycle until Adana decided to get married.

Tanggap naman ng asawa nito si Andrea pero syempre, ayokong mahiwalay sa anak ko. Adana's going to live in New Zealand. Kaya hiniling ko na sa akin na lang muna si Andrea. Mabuti nga at pumayag ito.

Araw araw naman itong tumatawag at kinukumusta si Andrea kaya parang magkasama pa din ang mga ito.

"You are so lucky to have Andrea."

Hinawakan ko ang kamay niya. "I am lucky to have you both in my life." I kissed her hand. "Hindi ko pa nasasabi sa'yo 'to Yan-Yan. I am blessed to have you. I know I'm been a jerk. Kung sino sino pa hinahanap ko, nand'yan ka lang naman. I was thankful, hindi mo ako sinukuan. Nung hindi ako umattend sa theraphy ko, sinugod mo 'ko para lang magpagaling."

Napangiti pa ako habang inaalala iyon. "Hindi ka umalis sa tabi ko hanggang hindi ako nakakalakad ng maayos." Huminga ako ng malalim. "Alam kong alam kong nandito pa din sa puso ko si Tiffany. Hindi ko naman siya maaalis bigla e. But now, I think I love you. No, I love you Yanny."

Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa akin ngayon. Naiiyak na din ito.

"Daddy! You bad monster!" Pinalo ako ni Andrea. "Why are you making tita cry?!"

Natawa naman ako sa inasal ng anak ko. Kinarga ko ito.

"No baby. I am confessing my love to her right now." Pinisil ko pa ang ilong niya. "She was just to shy to admit that she loves me.. so much."

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon