Chapter Two*

4.8K 71 4
                                    

Chapter Two*

Sixteen Years Ago

[ANDREI's POV]

"Dad! Why do I have to go here? I want to stay at our house! Dad!" Buong lakas na akong sumisigaw pero hindi ako pinapansin ni Daddy.

Naiinis na ako!

Why would I waste my precious vacation in this old hacienda? Tssk! I want to stay at our house at Manila.

"Dad! Listen to me! Let me go back now! May laro pa kami nila Ej e! Naman e!" Maktol ko pa. May usapan kami ng mga kabarkada ko na sasali kami sa liga ng basketball ngayong bakasyon!

"Stop whining Andrei! You're too old now to whine for something like this!" Saway naman ni Daddy sa akin.

"Tsk! If mom was only here." Bulong ko. Mom died two years ago.

"If your mom saw you like this, she will definitely get angry."

Sumimangot na lang ako at nagmartsa palabas ng mansyon na iyon.

Wala akong nakikita na pwedeng gawin sa malaking hacienda na ito. Puro puno at malawak na bukirin lang ang nakikita ko. Mamamatay 'ata ako sa boredom dito.

Mabuti pa sila Ej at Jm, makakapaglaro sila. Pati si Keith at Xander. Tssk! Paano naman ako?

Napaupo ako sa malaking tipak ng bato na nakita ko.

Kumuha ako ng isang maliit na bato at hinagis iyon. Nakakainis!

Naiwan ko pa kasi 'yung Nintendo ko e. Kainis talaga! Wala pa akong makausap!

Kumuha ulit ako ng bato at hinagis iyon ng malakas.

"Psh! Ang papanget pa ng libro sa library! Ano ba 'yan!? Wala bang magandang pwedeng gawin dito!?"

Kumuha ulit ako ng bato. Ibabato ko na sana kaso may isang batang babae na galit na nakatingin sa akin. Hindi ko man lang naramdaman na nakalapit na siya sa akin.

"Hoy ikaw!"

Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya. "Ano? Hoy. Gumalang ka nga. Mas matanda ako sa'yo. Tawagin mo 'kong kuya."

"Kuya? Hindi kita kapatid kaya bakit kita tatawaging kuya hah!"

Aba! Ang liit liit niya, ang galing niya sumagot.

"Little miss, you're being rude to me. Don't you know me?"

"Hoy! Huwag mo akong ini-english english! Marunong din ako n'yan! Akala mo!"

Natampal ko ang noo ko.

"Labo mo kausap. Diyan ka na nga." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Maglalalad na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Magsorry ka!"

"Hah!?"

"Bingi ka!? Sabi ko magsorry ka!"

Hinarap ko siya, "And why would I do that?"

"Aba! Sabi ko huwag kang nag-e-english e!" Sigaw niya.

Napakamot ako sa ulo ko. Nakakagulo ng utak ang babaeng ito e. Ang lapit ko naman sa kaniya pero kung sigawan ako, parang nasa dulo na ako ng mundo.

"Wala akong ginawa sa'yo kaya bakit ako magsosorry?"

Pinaningkitan niya ako ng mata.

Grabe. Ngayon ko lang napansin na cute pala siya. Haha. Pero walang manners! Tsk.

"Binato mo 'ko!"

"Hey. Sinisigawan mo ako kanina tapos ngayon namimintang ka na?" Aba! Grabe ah!

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon