Chapter Thirty Seven*

2.4K 33 4
                                    

Chapter Thirty Seven*

[ANDREI's POV]
"Oh eto pa Thalia, kainin mo 'to. Alam mo bang specialty 'to ni daddy?" Nilagyan ko pa ng scrambled egg ang plato ni Thalia.

Haha. Oo na. E 'yan lang ang alam kong lutuin e. Pero alam ko namang magbake.

"Daddy, there's so much na po oh." Reklamo naman ni Thalia na ikinatawa ni Tiffany na kanina pa nanunuod sa amin.

Napakamot ako ng ulo.

"E anak, gusto ko kasing maging malusog ka."

"Daddy, I don't wanna be fat. I want to be sexy like mommy."

"Hah?" Kunwaring nagulat ako. "'Yang mommy mo sexy?" Tinignan ako ng masama ni Tiffany. "Alam mo baby, 'yang mommy mo ng bata siya. Lahat kinakain niyan. Tapos wala siyang pakialam kahit na tini.." Kinurot ako sa tagiliran ni Tiffany. "Aray naman Wifey! Bakit nangungurot ka?"

"E ikaw e. Kung ano-anong sinasabi mo sa anak natin."

Natawa na lang ako.

"Mommy is that true?" Curious namang tanong ni Thalia na nagpalipat-lipat pa ng tingin sa amin ng mommy niya.

"No anak. Maniwala ka naman diyan sa daddy mo. Gumagawa lang 'yan ng kwento." Sabi nito sabay ungos sa akin.

Natawa tuloy ako ng malakas. "Nagsasabi ng totoo si daddy baby. Hahaha. Tapos 'yang mommy mo, humahawak pa ng mga earthworms 'yan pag nangingisda kami."

"Hubby naman e!"

"Mommy.. That's eeeewwww." May kasama pang kembot na sabi nito. "Deba po?"

"Hahaha. Kasi alam mo baby, si mommy noong bata. Kahit maitim 'yan nun.." May nakuha na naman akong kurot galing kay Tiffany pero tumawa lang ako. "Maganda pa din siya. Simple at walang arte sa katawan."

"Nilalaglag mo ko tapos ganyan ah?" Si Tiffany na tuluyan nang tumabi sa akin.

"Haha. Ganun talaga wifey. Ganun kita nagustuhan e. Payakap nga." Yayakapin ko na sana siya kaso biglang may kung anong nalaglag.

Napatingin ako sa isa ko pang anak.

"Andrea? Bakit mo nilaglag 'yung baso?" Tanong ko kaagad.

"Kasi hindi niyo ako pinapansin." Nagsimula nang magtubig ang mga mata nito. "Mommy's right. You don't need me anymore!" 'yun lang at tumakbo na ito.

"Andrea!!" Tawag ko pero ang bilis niyang nawala.

Napapikit ako.

Ano ba itong ginagawa ko?

"Andrei? Go for her. Okay lang kami ni Thalia dito. Sige na."

Tumango na lang ako at tumayo na. Lumabas ng bahay.

Una kong pinuntahan ang bahay nila Ej. Close si Andrea kay Cj kaya alam kong dito siya pupunta.

"Oh pare?" Si Ej na naghuhugas ng plato ang nadatnan ko sa kusina. Doon kasi ako itinuro ng maid nila.

"Bakit ikaw gumagawa niyan?" Tanong ko.

"Huh? E ako naman ang nagkalat dito e kaya ako din dapat magligpit. Ano ba 'yun?"

"Pumunta ba dito si Andrea?" Hanap ko sa pakay ko.

"Ah yeah. She's on the pool with Cj. Bakit? Nag-away kayo?"

"Yeah." Napakamot ako ng ulo. "Sige. Susuyuin ko pa 'yun."

Tinahak ko ang daan papuntang swimming pool. Kakausapin ko na sana kaagad si Andrea kaso umiiyak ito. Inaalo naman ito ni Cj.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon