Chapter Four*

2.8K 54 0
                                    

Chapter Four*

[ANDREI's POV]

"Mang Tonio, O kitams! Ang dami kong nahuling isda haha! Sabi ko sa inyo e." Tuwang tuwa kong sabi habang pinapakita kay Mang Tonio ang timbang punong-puno nang isdang buhay pa.

"'Tay, madaya 'yan e."

Napangiti naman ako sa ginawang pagrereklamo ni Aning. Haha. 'Di siya makapaniwala na mas marami akong nahuli kaysa sa kaniya.

"Oy, anong madaya ka d'yan? Kasalanan ko ba kung gusto ng mga isda ko 'yung mga bulate ko?" Pang-aasar ko naman.

She's fiercier now and really beautiful, that's why I like her.

"Sus! Samantalang dati, nagdadabog ka pa at nandidiri ka sa mga bulate. Hmp." Nagcrossed arms pa ito.

Haha. Ang cute cute niya talaga pag nagagalit. Namumula 'yung cheeks niya e.

"Haha. Anak ganun talaga. Bawi ka na lang."

"Oo nga. Kung makakabawi ka pa." Idinikit ko pa ang mukha ko sa kaniya.

Tinulak niya naman ako.

"'Kala mo! Matatalo din kita 'no! Katulad ng dati! Bleh!" At tumakbo na ito.

Hindi pa din siya nagbabago. Fifteen years old na ito pero kung umasta akala mo ten years old pa din.

"Kamusta ka naman iho?"

"Ah. I'm okay Mang Tonio. Isang taon na lang gragraduate na ako."

Tumango-tango pa si Mang Tonio. "Malapit na din magcollege ang Aning ko. Gusto ko ding kuhanin niya ang katulad sa kurso mo." Ngumiti pa ito sa akin.

Business administration ang kurso ko. Major in Banking and Finance. Gusto ko sanang maging pastry chef at balak kong mag-aral sa France pero hindi pumayag si Daddy.

Bakit daw gusto kong maging isang chef samantalang ako ang tagapag-mana niya?

Tssk.

Oo, I love baking. Tinuruan ako ni Tita Mila, 'yung mother nila Ej at Jm. Sabay kaming tinuturuan ni Tita na gumawa ng sweets.

Pero hindi na matutupad 'yung pangarap ko.

Wala na e. Magiging businessman ako pagdating ng araw.

"Matalino po si Aning. Kayang-kaya niya pong makapasok sa isang magandang university at syempre, kakayanin niyang maging business woman someday."

Ginulo naman ni Mang Tonio ang buhok ko na lagi nitong ginagawa pag natutuwa ito sa akin.

Naglakad na kami. Dala ko ang timba na may lamang isda at dala naman ni Mang Tonio 'yung kay Aning.

Pero biglang nabuhos 'yung dala ni Mang Tonio. Nagulat ako kasi bigla na lang bumagsak ang katawan nito.

"Mang Tonio! Tulong! Si Mang Tonio!" Agad namang may lumapit sa amin.

Binuhat namin si Mang Tonio hanggang sa mansyon. Sa mansyon ko na ito ipinadala dahil masyadong malayo ang bahay nito, tumawag na din ako ng doktor.

"Doc, ano pong sakit niya?" Tanong niya.

"He just had a heart attack. Nagising ang pasyente kanina at tinanong ko kung unang beses ba itong nangyari but it wasn't. Kaya mas maganda kung magpapatingin siya sa espesyalista dahil baka malala na pala ang lagay niya."

"I will do that. Thank you Doc."

Pumasok ako sa kwarto ko kung nasaan si Mang Tonio. Gising naman ito.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon