Chapter Twenty Four*

1.8K 31 15
                                    

Chapter Twenty Four*

[TIFFANY's POV]
Hindi ko na alam kung may luha pang lalabas mula sa mga ko. Iyak lang kasi ako ng iyak sa mga nagdaang araw. Iniisip ko, sana hindi na lang ako bumalik pa sa shop ni Yan-Yan. Sana hindi ko narinig ang pag-uusap nila ng kaibigan niya. Sana hindi ko nalaman na
nagtaksil sa akin si Andrei.

Sabi niya mahal niya ako, tapos ganun?

Tang-ina lang.

Gustong-gusto ko siyang murahin pero hindi ko man lang nagawa nung kinompronta ko siya. Gusto ko siyang saktan pero mas lalo lang akong nasaktan. Ang hirap pa lang magmahal ng ganito. Muntik-muntikan na akong malusaw ng ulit-ulitin niyang sabihin na mahal niya ako.

Pero ayoko ng maging tanga.
Tama na ang sandaling kagagahan ko. Una pa lang naman talaga hindi niya na ako mahal. Ang mahal niya ay ang makukuha niya mula sa akin.

Tama ang sinabi ni Isaac, ginagamit niya lang ako. Siguro nga din, hindi totoo ang mga sinabi niyang ginawa ni Tatay. Gumawa lang ito ng kwento.

"Hey. Want breakfast?"

I look at the man who was leaning at the door of my room. Naka-crossed arms pa ito.

"I'm not hungry."

"Hanggang kailan mo papatayin ang sarili mo sa gutom? It's been three weeks. Kung mahal ka ng gago mong asawa, hindi ka niya hahayaang tumira sa bahay ko." sabi nito, may pagkainis sa boses.

Gusto kong sumagot sa sinabi niya pero wala akong maapuhap na sasabihin. Siguro ay dahil tama siya. Tatlong linggo na ang nakakalipas. At tatlong linggo na din kaming walang komunikasyon ni Andrei. At tatlong linggo ko na din siyang iniiyak.

Narinig ko ang malakas nitong buntong hininga. "I don't know what to do with you woman. Tsk. You rejected me and yet.. tsk.." Lumapit na ito sa akin. "Halika na. Ayokong dito ka pa mamatay sa bahay ko. Baka ipapatay ako ng asawa mo pag nagkataon." Hinila niya na ako papuntang komedor.

Pinaupo sa upuan. Ito na din ang naglagay sa plato ko ng kanin at ulam. Dinamihan pa nito iyon kahit na alam nitong hindi ko iyon mauubos.

Tahimik kaming kumain.

"Hindi mo ba siya pwedeng kalimutan na lang?" Maya-maya ay basag nito sa katahimikang namamayani sa buong bahay.

"H-hindi ko alam." Hindi ko talaga alam kung makakalimutan ko pa siya. Sobrang mahal ko kasi siya e.

Mataman niya akong tinignan. "Pero bakit ako.. nakalimutan mo?" sabi nito sa malungkot na tinig. Dumaan na naman ang katahimikan.

Hindi ko siya masagot. Paano ko nga ba nakalimutan ang taong minsan kong nasaktan dahil sa pagkaselfish ni Andrei? Paano ko siya nakalimutan, gayong hinihintay niya pa din ako.

"Do you know how hurt it is when the woman I love, the woman I cherish so much, love another man?" Hinawakan niya ang kamay ko. "But I'm not blaming you or anything. Puso mo naman ang nagdedesisyon kung sino ang mamahalin mo e."

Hindi ko na gustong umiyak pero naiiyak na naman ako. "I'm sorry Isaac. Sorry."

"Hush. Don't cry. You didn't do anything wrong. Nagmahal ka lang. Kaya huwag ka nang umiyak." binitawan nito ang kamay ko at tumayo. May kinuha sa refrigerator. "Oh. 'yung favorite mo." napangiti na ako ng makita ang graham cake na iyon.

Madalas naming meryenda ito nang kami pa. Mag-iipon kami, lunes hanggang huwebes. Pagkatapos ay saka kami bibili ng mga kailangang ingredients para sa graham cake namin. Minsan nilalagyan namin ng hinog na mangga o iba pang prutas. Pero minsan napagkakatuwaan namin, nilalagyan namin ng mani. O kaya ng stick-o at nips.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon