Chapter Twenty Three*
[JULIE's POV]
Ugh. Ayoko ng ganitong atmosphere e. Sakit na nga sa ulo ang sobrang traffic dito sa edsa, pati ba naman 'tong katabi ko, sakit din sa ulo?!Hindi na nga nagbabago ang ekonomiya ng bansa e. Dapat kasi bigyan nila ng pansin ang kalunos lunos na kalagayan ng mga bumabyahe! Aba! Magdadalawang oras na kaming naiipit sa traffic hah! Masyado na talagang nakakahighblood! Kundangan naman kasi, ngayon pa lang sila aaksyon! It's too late!
Tapos nakakainis pa 'yang mga driver na hindi sumusunod sa batas trapiko! 'Yan ang hirap sa atin e. Mahirap bang sundin ang batas? Mas gusto 'ata nilang makulong kaysa makauwi ng maayos at ligtas sa mga bahay nila e.Grr! Nakakainis!
"Julie. If you have something to say, say it out loud. Nakakatakot ang itsura mo pag nag-iisip ka ng malalim." Sabi ng katabi kong sa bintana naman nakatingin.
Ako ba ang kausap neto o 'yung hangin?
"Naiinis kasi ako. Nakakabwisit ang government. Ngayon lang nila papansinin 'yung mga problema kung kailan malala na! Look! Kaya hindi umaasenso ang pilipinas e. At ang mga tao dito? Ang titigas ng ulo! Like that vendors.." turo ko pa sila ilang mga nagtitinda sa daan. Wala sigurong humuhuli kaya malaya silang nagkakalat. "Bawal na nga magtinda d'yan, sige pa rin sila. Kaya lalong trumatraffic e." Himutok ko pa.
Ang isa pang nakakainis e ako ang nagdadrive! Usal pagong talaga! My gosh!
"Huwag mo silang sisihin. 'Yung mga vendors na sinasabi mo, nakikipagsapalaran sila dyan para kumita ng kahit na kaunting pera. Do you think kung meron silang pwesto, magtitinda pa sila dyan? Can't you consider their situation a little bit?"
Napataas na naman ako ng kilay. Hindi pa din talaga siya nagbabago. Lagi niya na lang kinokontra ang mga sinasabi ko.
"You have your opinion and I have mine. And about your crappy marriage, I don't give a damn about it." Tinaasan ko pa siya ng kilay. Wala naman talaga akong interes sa buhay may asawa niya 'no.
"Yeah. It is a crappy marriage." He look at me. 'Yung mga mata niyang tinatago ang emosyon niya pero kahit anong gawin niyang pagtatago, lumalabas pa din iyon. "Hindi ko masyadong pinag-isipan. When my dad ask me if this is what I want, I said yes. He ask me if I'm prepared and I said yes."
Hinawakan nito ang dibdib nito. "But really, I'm not prepared. Hindi ako handang iwan niya. Hindi ko kakanin pag wala siya."
Damn! What's so good about that girl? Nakaka-letse ah.
"Kahit kailan kasi hindi mo ginagamit 'yang utak mo e." Umusad ang mga kotse sa harapan namin kaya inistart ko na din ang kotse para umandar na din kami. "Hindi mo ina-analyze mabuti e. Ang panget pa ng timing mo. Mantakin mo ba namang paghiwalayin mo sila ng boyfriend niya." Napa-iling na lang ako.
Minsan nagtataka talaga ako kung bakit naging validictorian ang isang 'to e parang walang utak kung mag-isip.
"Syempre, masakit 'yun para sa kaniya. Tandaan mo, first love is real love. First love 'yun. 'Yun na ang magiging basehan niya sa susunod niyang relasyon. At pagkatapos nun namatay pa 'yung daddy niya. Sa tingin mo, kanino niya isisi lahat ng 'yun? E di sa'yo. Ganun lang naman ang mentality ng mga tao e. Kung sino pa tumutulong sa'yo, minsan sila pa ang nagiging masama sa paningin mo. Hayy."
Nakapalumbaba lang ito habang nakatingin sa may labas. Hindi ko tuloy makita ang reaksyon niya sa mga sinasabi ko. Wala tuloy akong kadebate.
Nasa malapit na kami sa condo nila ng may mapansin akong pamilyar na mukha na parang may hinihintay sa lobby ng condo.
"Sa staircase ka na dumaan." Utos ko kay Andrei na parang tangang bumaba ng kotse at sinunod ang utos ko.
Dumeretso naman ako sa lobby.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...