Chapter Thirty Six*
[TIFFANY's POV]
Spell tongue-tied! T-I-F-F-A-N-Y!My gosh! Bakit parang ayaw nang lumabas ang dila ko? Nagtago na ata at ayaw nang lumabas e. Pati bibig ko itinago na siya para hindi na ako makapagsalita.
Nagiging pipi na ata ako.
"That's what I'm been telling you about!" sabi ni Adana na umuwi pa galing sa kung anong bansang pinanggalingan niya. Siya ang ina ni Andrea. "Paasa ka kasi e. Mahal mo ang asawa mo pero gumagamit ka ng iba para makalimutan siya. O ano? Anong napala mo? You deserved it!"
Isa pang dahilan kaya hindi ako makapagsalita. Naglelecture kasi ito. Kawawa naman si Andrei. Puro sermon na ang inabot nito, mula kay Jewel hanggang kay Adana.
"Mommy! Don't get mad at my daddy!" si Andrea na nakacrossed arms pa.
"But baby, your daddy deserved a beating." sabi naman ni Adana at binuhat pa si Andrea. Halata ang pagkakahawig ng dalawa.
"Grabe ka naman Adana. Kita mo nang may mga benda pa ako sa katawan tapos bubugbugin mo pa ako. Maawa ka naman."
"Hayy. Ewan ko sa'yo." tumingin ito sa akin pagkatapos ay kay Andrea. "Baby, pwede mo bang samahan si mommy Tiff mo na kumuha ng mga prutas sa kotse. Nakalimutan ko kasing kunin kanina." tumingin ulit siya sa akin. "Is that okay with you Tiffany?"
"Ah eh.." Tsk. Paalisin lang pala ako dito. "Oo naman." lumapit ako kay Andrea at inakay iyon. "Come Andrea." pagkatapos ay lumabas na kami.
Paglabas ko naman ay nakita ko ang asawa ni Adana. His name's Randy. British daw ito sabi ni Jewel sa akin.
"Oh hi little Andrea." May british accent ito.
"Hi Daddy Rans!" kumaway kaway pa si Andrea.
"Where are you going?" tanong nito.
"We're gonna get the fruits for daddy!" masiglang wika ni Andrea.
"Can I come with you?"
"Yeah. Of course." ako na ang sumagot.
Pumunta kami sa parking lot kung nasaan ang kotse nila. Mabuti na lang din, sumama ito. Hindi ko din kasi alam kung nasaan ang kotse ng mga ito.
"Yay! Fruits." Si Andrea na nauna nang binuksan ang pintuan ng kotse.
"Pinaalis ka ba nila?"
"Hah?" Takte! Marunong palang magtagalog ang isang ito. "Ah ahm.. bakit mo naman natanong?"
"Adana wants to get Andrea. Afteral, you are here. She doesn't want her daughter to be an outcast."
Natahimik ako. Natural lang naman iyon sa isang ina. Pero paano naman si Andrei? Alam kong mahal na mahal niya si Andrea at hindi ito papayag na mawala ang bata dito.
"Daddy Rans! Help!" si Andrea na nabibigatan sa hawak nitong water melon.
"Oh Andrea. Haha. That's too heavy for you." si Randy na kinuha ang pakwan sa bata. "You can carry this one and that one." turo naman nito sa mansanas at oranges.
Napabuntong hininga ako at tinulungan na silang magbuhat. Ang dami naman kasing prutas. Pinakyaw na ata nila lahat ng paninda e.
Pagkatapos ay bumalik na kami. Mukhang tapos na din ang masinsinan nilang pag-uusap at kitang-kita ko sa mga mata ni Andrei ang pag-aalala at parang hindi ito mapakali.
"Andrea baby. Sama ka muna sa amin ni daddy Rans mo. Magshoshopping tayo ng bagong toys mo."
"Talaga mommy! Yehey!" Lumapit ito sa ama nito. "Daddy, alis na ako ah. Babye!" hinalikan pa nito sa pisngi si Andrei.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomansaLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...