Chapter Eight*
[TIFFANY'sPOV]
Argh! The hell! Bahay ba talaga 'to? Super nakakalat ang mga bondpapers! Mga ballpens! Lapis etc! Kainis naman e. Hindi niya ba alam ang salitang mag-ayos?Kanina pa talaga kumukulo ang dugo ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga basura sa sala at pumasok na sa kwarto para magpalit ng pangbahay na damit.
Pero hanep lang!
Nagkalat ang slacks, coat, polo shirts, jeans at kung ano ano pang damit doon. Mas lalo tuloy umiinit ang ulo ko. Hanep sa pagkaburara ang pesteng lalaking 'yun!
"Tssk! Madumi ba ang mga 'to? Bakit kailangang ikalat?" Inis na isa-isa kong pinulot ang mga damit.
Nag-init ang pisngi ko nang makita ang boxer brief niya.
Grr! Napakaburara!
Nagulat ako ng bigla na lang bumukas ang pinto ng comfort room. Lumabas doon ang walang tapis na si Andrei.
"Oh. D'yan ka na pala wifey! Kamusta lakad mo?"
Napalunok ako kasabay ng paglilikot ng mata ko sa kahubdan niya. Shet! Ganito pala ang katawan ng isang lalaki! My Gosh! Infairness, maganda pala.
Wait! Tinitigan ko ba talaga ang malaswang bagay na 'yun?
"Hey. Stop staring, look oh. My birdie's up." Biglang uminit ang mukha ko nang mapansin ang kakaibang ngiti ni Andrei.
Agad akong napatili. Dala ng pagkahiya, binato ko sa kaniya ang mga damit na pinulot ko kani-kanina lang. Saka nagmartsa paalis ng kwarto.
Dinig na dinig ko pa ang halakhak niya na lalong nagpainis sa nararamdaman ko. Kainis talaga! Napahiya ako doon!
"Grrr! Bwisit na 'yun! Porket maganda 'yung katawan niya! Tama bang iparada? Kainis! Nakakapanggigil!" Inis na inis kong pinagsusuntok ang unan sa may sofa.
Pero shet! Ang ganda talaga ng katawan niya! Naggi-gym ba 'yun? Hindi ko naman nakikitang nag-e-exercise 'yun e. Pero shet! Ganda ng abs! Malapandesal!
Tapos..
Tapos..
Tapos..
'Yung ano..
'Yung ano niya..
Biglang tumaas! Shet! Ganunpala 'yun? Iba kasi pag nababasa sa pocketbook e kaysa sa nakikita e. My Gosh! Di na virgin ang mga mata ko!
Kasalanan ng pesteng 'yun! Peste talaga siya! Ano nang sasabihin ko sa mapapangasawa ko niyan? Grrr!
"Wifey! You okay?"
"Ay birding lumipad!" Impit kong sigaw. Natutop ko ang bibig ko ng makita ang kakaibang ngiti na naman ni Andrei.
"Ikaw wifey ah. Pinagnanasaan mo pala ako. Haha. It's okay. My body is yours naman e. You can touch it for free you know."
Argh! Taas ng confidence! Grabe! Kapal lang!
"Sa'yo na lang 'yang katawan mo! Hawak hawakan mo hanggang magsawa ka! Letse ka! Psh!" Iniwan ko na naman siya sa sala habang tumatawa ito.
Kainis! Nakakainis! Nakakainis talaga!
Nilock ko ang pinto ng kwarto. Pasalampak akong humiga sa kama at niyakap ang unan.
Napabuntong hininga ako.
Siguro. Siguro kung hindi niya ginawa 'yun.. Siguro buhay pa din si tatay. Siguro, ang taong 'yun ang napangasawa ko. Siguro, bestfriend ko pa din si Andrei. Siguro, masaya ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...