Chapter Twenty*
[TIFFANY's POV]
Kanina ko pa pinagmamasdan si Andrei. He keeps sighing and sighing. I want to ask why but I don't even know how to start. Natatakot ako sa maaari niyang isagot. Paano kung ayaw niya na pala sa akin? Ngayong nakuha niya na ako, pwede na niya akong hiwalayan.Pinikit ko ang mata ko. Alam kong masyado lang akong nagiging negative pero pag babae ka kasi, minsan, ang mga hinala mo, nagkakatotoo.
And it's feels like I am not wanted here anymore.
Ilang araw na akong ganito. ARGH! Papaano ko ba matatanggal 'tong mga iniisip ko? Paano? Ang hirap din naman kasing mag-isip. Nakakainis. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Tiff.. Wifey?"
"H-huh?" Iminulat ko ang mata ko. Medyo napaatras pa ako ng makita ang mukha ni Andrei na halos ilang pulgada lang ang layo sa akin.
Grabe naman kasi! Bakit ang gwapo ng nilalang na ito?
He was crinkling his eyebrows as he was looking at me. As if he was trying to read my mind but he can't. And I find this gesture very cute but at the same time, making me uneasy.
Masyado kasi siyang malapit!
"Ah H-hubby?"
"May problema ka ba?" Napatingin ako sa kaniya. "Kanina pa ko pa kasi napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo e." Dagdag pa nito.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. He was observing me. Akala ko kasi ako lang, hindi ko alam na pareho lang naming pinakikiramdaman ang isa't isa. Bigla bigla na lang, gumaan ang pakiramdam ko. Parang magic spell ang pagtanong niya sa akin at nawala lahat ng agam agam ko.
At ngayong kitang-kita ko ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang pilik mata niya. Pero pinaka-asset niya talaga ang pagsmile niya. Kaya nakakabwisit pag ngumingiti siya sa ibang tao. Lalo na pag lumalabas na ang dimple niya. Naku! Kung pwede lang sabihin na hindi siya pwedeng ngumiti e. Dapat sa akin lang siya ngingiti.
Okay. Ang selfish ko naman pag ganun.
"May problema ba?" Ulit nito sa tanong nito kanina. Nasa boses nito ang pag-aalala. Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na wala talagang problema.
"Argh. Wifey, huwag kang ngingiti ng ganyan sa ibang tao ah. Magseselos ako."
Napatawa na ako sa sinabi niya. Pareho lang kami ng iniisip.
Niyakap ko siya. "Huwag ka ding ngingiti sa iba ah. Sa akin lang." halos bulong na sabi ko. Medyo nakakahiya e.Niyakap niya din ako.
Ahh. Ang sarap makulong sa mga bisig niya. Parang.. parang tama lang na nandito ako at yakap yakap niya. Na dito talaga ako nababagay.
"Hubby.."
"Hmm?"
"Alam mo kani-kanina lang, pakiramdam ko, I'm not belong to your world. Mga bata pa lang tayo, nararamdaman ko na 'yun. Pero kahit anong iwas ko sa'yo, susulpot ka at susulpot. Kaya kahit na ayaw kong maging kaibigan ka dahil mayaman ka tapos mahirap lang kami, hindi ko magawa kasi gusto kitang kasama."
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...