Chapter Nineteen*

1.9K 34 10
                                    

Chapter Nineteen*


[ANDREI's POV]
Bigla na lang nagbrown out. Kinapa ko agad ang phone ko na kalalagay ko lang sa lamesa. Nang tignan ko, eight percent na lang ang battery niya. Malapit na akong madedbatt.

"Parating na si Keith. Sasabay ka ba sa amin Andrei? Ihahatid ka na namin sa condo. Tapos dederetso na kami sa bahay nila mommy." dinig kong sabi ni Ella habang tinutulungan si Yan magsindi ng scented candles. 'Yun lang kasi ang kandila niya sa shop niya.

"Ikaw Yan? May susundo ba sa'yo?" tanong ko kay Yan-Yan. Medyo malakas pa ang ulan sa labas at gabi na din. Delikado na.

"Hmm. Wala sila tatay e. Magtataxi na lang ako pauwi." Sabi naman nito.

"Sabay na kami ni Yan, Ella. Baka mapano pa 'to e. Hatid ko na lang. Titila din naman 'yang ulan e."

Tumango si Ella. "Sige. But don't forget to text your wife okay? Baka nag-aalala 'yun sa'yo e."

Eto na naman ang ngiti ko. "Oo naman." Hindi man nabanggit ang pangalan ng asawa ko, marinig ko lang na nag-aalala siya, masaya na ako.

Naghintay lang kami ng sampung minuto at narinig na namin ang sunod sunod na katok ni Keith sa pinto.

Basa din ito ng ulan.

"Reyna ko. Sorry natagalan. Baha sa may dinaanan ko, traffic pa."

"It's okay. Halika na. Baka nagwawala na ang anak mo e. Alam mo naman 'yun."

"Tumatawag na nga si mommy e." gumawi ang tingin ni Keith sa akin. "Sige dude. Alis na kami."

Tinanguan ko lang sila. Busy ako sa pagtext sa asawa kong kanina pa hindi nagrereply.

Hindi pa din tumitila ang ulan at hindi ko na kaya ang kakaibang amoy ng mga scented candles.

"Yan, do you have water?" Nauuhaw na ako at nagugutom. Hindi din kasi ako halos nakakain nung lunch.

"Ah wait lang. Naglagay 'ata 'yung kaibigan ko sa ref e. wait lang."

Tinignan ko naman siya sa parang mini kitchen ng shop. Medyo madilim nga doon e.

"Nakikita mo ba? Do you need some light?"

"Hindi na."

"Okay." nauuhaw na talaga ako.

Maya-maya pa'y iniabot niya sa akin ang isang bottled water. Agad ko namang binuksan 'yun at ininum. Medyo iba ang lasa niya, sweet yet bitter, pero dahil nauuhaw na ako, naubos ko.

"Ah shit!"

"Huh? Bakit?" napatayo pa ako dahil nagulat ako kay Yan na bigla bigla na lang sumigaw.

"'Yung ininum mo.."

Inilapit ko naman ang botelya sa kandila. Ordinaryong botelyo lang iyon. "Oh bakit 'to?"

"That's alcohol!"

Napataas ako ng kilay. Kaya pala iba ang lasa. Alak pala.

"It was hard. Experiment 'yan ng boyfriend ng kaibigan ko. Tsk. Sasabunutan ko 'yun e. Sabi ko huwag niyang ihalo. Naalala ko na kulay blue nga pala 'yung bottle nun." she was irritated yet she looks cute.

Ngumiti ako. "It's okay. Hindi ako madaling malasing at kung malasing man ako, hindi mo naman ako pagsasamantalahan diba?" tumawa pa ako at narinig kong tumawa din siya.

Halos isang oras na 'ata ang ulan pero hindi pa din tumitigil. Patay na din ang cellphone ko. Mauubos na din ang scented candles na kanina pa nagpapasakit ng ilong ko.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon