[Mm's Note]
Ang Tagal kong hindi nag-update. Pasensya na. Haha. Busy sa work e. Hope you understand :) Anyway, This is the last special chapter for LCS.LOVE CAFE SERIES#4
Picture of My Heart[JM's POV]
Nasaan na ba 'yung buntis na 'yun? Bakit ba ang hilig hilig niyang gumala? Di na lang pumirmi dito sa bahay at nang maasikaso ko pa.Maghahanap na naman ako neto ng nawawalang buntis.
"Why the long face kuya?" Si Precie iyon na nagdidilig ng halaman. Nasa may garden na kasi ako.
"Nakita mo ang ate Sandra mo?" tanong ko at hindi sinagot ang tanong niya.
"She's here kanina. Inaamoy-amoy 'yung mga roses ni mommy. Tapos paglingon ko, wala na."
Hayy. 'Yung buntis talagang iyon oh! Napakagala! Ni hindi man lang nagpaalam na aalis siya. Ngayon hindi ko na naman alam kung saan siya hahagilapin.
"Kuya, don't freak out. Nandyan lang naman siya e. Oh kaya umuwi sa bahay nila. Baka namiss ang mommy niya." Sabi ni Precie sabay tapik pa sa braso ko.
Bumuntong hininga ako. "Bunso. Hindi ako nagfri-freak out. Nag-aalala lang ako. Buntis 'yun e."
Inikutan niya ako ng mata. "Kuya. I know she's preggy and I know you're worried pero huwag masyadong OA. Hindi ka naman iiwan ni Ate Sandra e. Nakalimutan lang niyang magpaalam." Ngumiti ito at inakbayan ako. "Pero kuya, ang cute mong mag-alala hehe."
"Precie!"
"Hahaha. Sige. I'm going to Love Cafe na. May gig kami e. Bye Bye my sweet Kuya haha." Tumatawa pa ito habang papunta sa loob.
Kita mo 'yon? Pagtawanan daw ba ako? Tsk. Masaya lang 'yun dahil pormal na talaga silang engage. Aba e nagfamily dinner kami kagabi e.
Mantakin mo, 'yung suot ni Xander e white shirt tapos pants na kupas. Tawa nga kami ng tawa ni Ej e. Si Precie lang ang nakapagpasuot sa kaniya ng ganun. True love nga naman.
Ay teka. 'Yung true love ko, hahanapin ko pa pala.
Sa kakaikot ko sa Village namin. Nakarating ako sa mansyon ni Andrei. At 'ayun, parang nagha-honeymoon lang silang mag-asawa dahil nakita ko pang naghahalikan.
Sabagay, honeymoon naman nila. Pero okay na kaya sila para maging ganung ka-intimate? Ah. ewan. Bahala sila. Gusto ko na ding halikan 'yung asawa kong buntis na nawawala pa din hanggang ngayon.
Seriosly? Where did she go? May cellphone nga pero iniwan naman sa bahay! Hayy. Mababaliw ako ne'to e.
Makabalik na nga muna sa bahay. Kanina pa ako lakad ng lakad. Takbo ng takbo. Naghahanap ng buntis. Para na akong aswang neto. 'Yung buntis na 'yun! Makakatikim sa akin ng sangdaang halik pag-uwi nya!
Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis. Basa na ng pawis ang suot ko e.
"Sweetie. Saan ka nagpunta? Kanina pa kita hinahanap e."
Napa-face palm na lang ako sa nakita ko. Si Sandra, kumakain ng graham cake sa kwarto ko. Sarap na sarap ito. At ngayon ko lang din napansin na merong basong ice cream doon at saka ilang prutas.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa pinapanood nitong video. Video ng wedding namin.
"Hmm. Yeah. Napagod kasi ako kanina e tapos nagutom ako kaya I decided na dito na lang kumain tapos nanuod na lang ako para hindi ako mabore." she said while eating.
"Dahan-dahan nga. Baka mabulunan ka e." tumabi na ako sa kaniya at pinunasan ang labi niya. May cream kasi e.
Hayy. Paano ko pa magagawang magsungit kung ngayong nakikita ko palang siya, nawala na 'yung pagod ko sa paghahanap sa kaniya kanina.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...