Chapter Thirty Three*

2.1K 29 6
                                    

Chapter Thirty Three*

[JEWEL's POV]
Napasugod kaagad ako sa hospital malapit sa beach resort na pinuntahan nila Andrei.

Nakita kong nasa labas silang lahat ng emergency room. Nakita ako ni Andrea. Agad itong tumakbo sa akin.

"Tita Jewel.. Is my daddy going to die?" umiiyak na tanong nito. Namumula na ang mata nito kakaiyak.

"No baby. You're daddy's strong. Walang mangyayaring masama sa kaniya." niyakap ko siya.

Lahat sila hilam na din sa luha ang mga mata. Lalo na ang mga anak ni Andrei at si Tiffany. Nahawak na ito sa pintuan ng emergency room at umiiyak pa din ito.

"What happened?" tanong ko. Tumingin sila sa akin pero hindi sila nagsasalita. "Dammit! Sabihin niyo sa akin kung anong nangyari sa kaibigan ko!" hindi ko mapigilang isigaw.

Naman kasi e! We're talking about Andrei! Kasama ko na 'yan maliit palang siya. Tinuring ko na 'yang parang kapatid ko. Kahit na nainlove siya sa akin at nasaktan ko siya, naging magkaibigan pa din kami.

Tinanggap niya pa din akong kaibigan kahit na ako ang unang taong tumanggi ng pagmamahal niya.

"Sagutin niyo naman ako oh! Ej! Jm!" Tawag ko sa kambal pero nakayuko lang silang dalawa. Gayundin 'yung dalawa.

'Yung mga asawa naman nila, nasa tabi nila at naguguluhan din sa mga nangyayari pati na din ang mga bata.

"Ella.. Pwede mo bang umuwi na kayo." biglang sabi ni Keith.

"Yeah right. Precie, iuwi mo na din ang mga bata. Baka paalisin din tayo ng doktor dito mamaya dahil masyado nang crowded." si Xander sa asawa nito.

"Kids. We'll go home na ah." sabi naman ni Chocola at inakay ang mga bata.

"Thalia.. Andrea.. Umuwi muna kayo." Si Tiffany iyon na umiiyak pa din hanggang ngayon.

"No! I want to stay with my dad!" Sigaw ni Thalia. Nakakapit ang kamay nito sa damit ni Tiffany.

"Thalia! Huwag matigas ang ulo mo!"

"But I want to stay with my daddy!" sabi nito at humagulgol na ng iyak.

Lumapit na ako sa bata. "Thalia.. Let's go home okay. Maiiwan na dito si mommy para bantayan si daddy. Bukas.. babalik ulit tayo. kasi bukas, pwede mo nang makita si daddy. Okay ba 'yun?"

"Promise?"

"Yeah. Promise."

Kinuha naman ni Sandra ang dalawang bata at inakay na paalis. Naiwan kaming anim doon. Nakaupo sila Xander at Jm samantalang nakatayo naman si Keith at Ej. Nasa may pintuan pa din ng emergency room si Tiffany.

Tumabi ako kay Keith. "Now. Can you tell us what happened?" tanong ko sa kanila.

"We just want Andrei to be happy." simula ni Ej. "We decided that if he and Tiffany would talk, he would realize who he loves the most."

"But we got a problem." sunod naman ni Jm. "Di namin akalain na pupunta doon si Yanny. She was drunk. Tapos nakita niya si Thalia. Ayun, nagpunta siya sa kwarto nila kung saan nagstay sila Tiffany."

"Umalis silang dalawa ni Andrei. Mag-uusap daw sila. Pagkatapos nun, mga thirty minutes nakatanggap kami ng tawag. May naaksidente daw na kotse. Si Andrei at Yanny ang nandoon." dugtong naman ni Xander.

Pinunasan ko ang luha ko.

Bakit kailangan pang mangyari 'to? Bakit kailangan pang umabot sa ganito?

Napatayo sila Xander at Jm nang bumukas ang pinto ng emergency room.

Lumabas ang doktor, kasama ang ilang nurse.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon