Chapter Twelve*

2.5K 38 8
                                    

Chapter Twelve*

[ELLA's POV]
Weeks had passed. I'm now a full time mother and wife.

Gusto ko sanang ipagpatuloy ang pagiging secretary ko kaso ayaw ni Keith. Sa bahay na lang daw ako. Mas gusto niya kasing ako ang nag-aalaga kay Baby Keib kaysa humanap pa kami ng katulong.

Well, andyan naman si Tiffany e. Siya muna ang secretary ni Andrei.

Speaking of Tiffany. Nandito siya ngayon sa unit namin at nilalaro ang baby ko kahit na hindi pa naman siya nito nakikita.

"Ang cute ng baby niyo." Komento pa nito, nginitian ko naman siya. Malamang, baby ko 'yan e. Baby namin ni Keith.

"Gusto mo na din bang magkaanak?" Tanong ko sa kaniya, kasalukuyan akong nagpreprepare ng meryenda. Sayang at wala sila Chocola at Sandra. Pinatawag ng inlaws nila.

"No. Ayoko pa."

"Why? Ayaw ba ni Andrei?" Nananantya kong tanong. Alam ko ang totoong status ng pagsasama nila.

Andrei love her but she didn't love him back. Parang galit pa nga ito e. Ayaw naman kasing sabihin ni Keith sa akin ang rason.

Hayy. Nakakaselos minsan e. May mga bagay na hindi sinasabi ang mga lalaking iyon. Sekreto daw. Hayy. Sabagay, ang tagal na din nilang magkakaibigan.

"I.. I will.."

"Hmmn?" Tinignan ko siya pero hindi ko mabasa ang reaksyon niya.

"Ah wala. Wala naman." Pagkatapos ay ngumiti lang ito at nilaro-laro ulit si baby Keib.

"Ah, Tiffany.. Meryenda muna." Tawag ko sa kaniya. Lumapit naman ito sa akin. Nasa may crib lang naman si Baby Keib kaya okay lang na iwan pansamantala.

"You did this?" Tanong niya habang tinuturo pa ang special cookies ko with strawberry syrup.

"Ah. Oo. Nagtatry ako ng mga pwedeng ilagay sa cookies. Alam mo na, medyo matakaw kasi ang asawa ko haha. Pag umuuwi 'yun galing sa love cafe, naghahanap agad 'yun ng meryenda." Pagkwekwento ko.

"Dati, pupunta lang siya sa unit ni Ej o kaya ni Jm. Pero simula ng ikasal kami, pinagtitiisan niya na ang mga gawa namin." Tumawa pa ako habang inaalala ang mga bagay na 'yun.

"Why do you love your husband so much? Balita ko, he's a serious playboy before."

Ngumiti ako. "I'm the one who caused him to be like that. I hurt him before, so much it still hurts when I remember it. But it's the past now. I trust him and he trusted me. And no words can express how much we love each other now."

Ah. Ang mga ala-alang 'yun ang lalong nagpapatibay sa aming dalawa ni Keith. Mga pagsubok na muntik muntikang nagpahiwalay sa amin. Pero hindi kami pinabayaan ng pamilya't kaibigan namin. At lalong-lalo na ni God.

"Alam mo ba, ang sungit sungit niya sa akin nung magkita kami. Tapos napakaflirt pa!"

"But I knew he loves you so much. I can see it in his eyes."

Mas lumawak 'ata ang pagkakangiti ko sa sinabi niya. Kahit na alam kong mahal naman ako ni Keith, mas nakakasaya sa pakiramdam pag alam ng iba kung gaano ka kamahal ng taong mahal mo.

"Naiinggit ako sa inyo. Mahal niyo ang isa't isa." Sabi nito sa mababang boses pero hindi nakatingin sa akin kundi sa wedding picture namin ni Keith na nakasabit sa may dingding.

Napabuntong hininga ako. If only she knew how Andrei looked at her. If only she feels how much Andrei care for her..

Kung si Sandra nga nainlove kay Jm na hindi niya naman dating gusto e. Pwede din namang mainlove si Tiffany kay Andrei diba?

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon