Chapter Forty*
[ANDREI's POV]
I inhaled and exhaled. Syete! Hindi ko maimagine ang sarili ko na ginagawa ang mga bagay na ganito. Sa totoo lang, ako 'yung tipong hindi na umeeffort para makuha ko 'yung gusto.
Pinanganak akong mayaman. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Besides sa kursong gusto ko dahil ayaw ni daddy at bukod kay Jewel na ilang tanda ang layo sa akin.
Well, nakuha ko pa din si Tiffany kahit ayaw niya sa akin.
I'm not good at rejections. Really. Nang hindi pumayag si daddy sa gusto kong gawin sa buhay, halos magwala ako. Nung sinabi sa akin ni Jewel na hindi kami para sa isa't isa at may mahal na siyang iba, naglasing ako. First time kong maglasing, sinama ko pa ang tropa.
But it was different when it comes to Tiffany. I don't want her to see me suffering. I don't want her to see me miserable even if I really was.
Ganun ko siya kamahal na kahit nasasaktan na ako, nakukuha ko pa siyang ngitian at asarin. Mahal na mahal ko kasi siya.
Sa kaniya lang ako umeffort ng ganito. Na halos magmakaawa ako sa mga kaibigan ko para tulungan akong maging perfect ang gabing ito.
Kakuntsaba ko din ang mga anak ko. Thank you Lord dahil binigyan mo ako ng matatalino at magagandang anak kahit pa mga maldita sila. Salamat po.
"Tiffany?" untag ko sa babaeng teary-eyed na ngayon. Kanina pa kasi ako nakaluhod. Baka pag sinabi niyang hindi, hindi na ako makatayo ng tuluyan.
"A-andrei... isss!" sabi nito at umiwas pa ng tingin sa akin.
"Uy naman. Makisama ka naman." biro ko sa kaniya.
"Tumayo ka muna."
Oh my God! Is she going to reject me? In front of everyone? In front of our friends and families? In front of our daughter?
"Andrei.. Tayo ka muna.." sabi na naman nito.
Bagsak ang balikat na tumayo ako. Akala ko.. okay na kami. She's going to reject me again. She's going to stay away again.. I'll be lonely again.. I'll be...
"Nasaan na 'yung singsing?"
"Huh?" Bago pa ako nakapagreact, lumapit si Thalia sa amin at inabot sa akin ang isang diamond ring.
"Daddy, you forgotten the most important thing! The ring!" sigaw naman ni Andrea.
Napakamot ako sa batok ko. Nagkatawanan ang mga taong nandoon.
"I.. I.. Argh." Ang hirap naman neto! Kasi naman e. "Hindi ko na 'ata alam ang mga ginagawa ko. I'm too excited to do this. I'm too excited to proposed to you the way I did not do few years ago. I've been telling you that I'm a jerk 'cause I hurted you. And I really apologize for that." Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng kakapalan ng mukha kasi kanina, akala ko tapos na.
"If you keep on apologizing like that Andrei, isosoli ko itong singsing."
"Halla! Don't! You have no idea kung gaano ako kathankful kasi tinanggap mo ang singsing na 'yan." Niyakap ko siya. Hindi ako magsasawang yakapin siya ng ganito.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...