Chapter Fifteen*
[YAN YAN's POV]
"Ah manong.. dito na po ako." para ko sa tricycle driver nang nasa tapat na ako ng malaking mansion ng mga Ventura sa village na iyon.Tinulungan naman ako ni manong driver na ibaba ang mga gulay na dala ko. Kami kasi nagdedeliver kela Andrei, simula palang noon.
Nakakatuwa nga e. Sino bang makakapagsabi na sa isang public narket lang sila namimili ng gulay? At hindi sa isang sikat na super market o sa mga grocery market.
Hindi naman sila kuripot kasi minsan sobra-sobra pa nga ang binibigay nila e.
"Uy Yan Yan!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Sandra pala.
"Sandra! Naks! Ang laki na ng tyan natin ah." Nagblush naman ito. "Kamusta naman? Tagal nating di nagkita ah." Lumapit pa siya sa akin.
"E pa'no.. nawawala ka. Haha. Balita ko nag-abroad ka daw? Kaya pala hindi ka nakapunta sa kasal namin e. Alam mo bang hinahanap ka nila Ej.."
Haha. Dati naman hindi siya ganitong madaldal. Iba na talaga nagagawa pag madaldal ang asawa mo no? Haha. "Oo e. Sayang, hindi ko nakita sa personal kung paano kayo nagkatuluyan ni Jm."
E paano.. away sila ng away noon. Naalala ko pa nga ng minsan silang bumili ng pipino sa pwesto namin sa palengke. Aba! Pinagtatalunan nila 'yung kulay! Kulay lang. Meron kasi kaming pipino na green na green ang kulay tapos meron 'yung parang white na green. Ayun, pinagtatalunan nila kung alin dun ang mas masarap e pareho lang namang pipino 'yun.
"Asus. Teka nga.. bakit ka nandito?" Tumaas pa ang kilay nito habang nagtatanong.
Ang usyosyo naman ng buntis na ito. "Idedeliver ko lang 'tong mga gulay."
Isang ngiting nang-aasar ang binigay niya sa akin.
"Uy, makangiti ka naman.."
"O e bakit? May delivery man na kayo diba? So why bother?" She grins.
Argh. Binibisto niya naman ako masyado.
"Are you still not over him?" Bigla nitong tanong.
Umiwas ako ng tingin. "Masyado bang obvious?" Tanong ko agad.
"Hindi naman. But I will just remind you that he's already married. And-"
"And he loves her. Right?" Ako na mismo ang tumapos sa sinasabi niya. Alam na alam ko 'yun dahil kitang-kita naman kay Andrei e.
Kung paano niya tignan ang asawa niya. Ni minsan hindi ko pa siya nakitang tumingin ng ganun sa mga naging girlfriend niya. O kahit sa akin.
"You know Yan.. Why don't you forget him na lang? Being in unrequited love will just hurt you. I know.. trust me."
Ah. Alam ko naman 'yun. Si Sandra kasi inlove dati kay Ej pero kita mo naman.. sila ang nagkatuluyan ni Jm na kakambal naman ni Ej.
Pero mahirap kayang kalimutan ang isang lalaking minahal mo noon palang.
"Hay. Pasensya ka na sakin ah Yan Yan." Medyo lumungkot pa ang mukha niya ng sabihin 'yun.
Halla. Wala po akong ginagawang masama. "Uy. Sandra naman e."
"Heart! Nandyan ka lang pala. Kanina pa kita.." napatigil si Jm ng makita ako. "Uy! The fashion designer is back! Kailan ka pa umuwi Yan Yan?"
Lumaki ata ang ulo ko sa sinabi niya. "Naku. Jm, napaka-bolero mo pa din. Grabe."
"Eh totoo naman e. Teka? Designer ka na pero nagdedeliver ka pa din ng gulay kela Andrei?" Nagtatanong ang mga mata nito.
"Eh kasi ahmmmm. Ano e.. hehehe." Ano nga ba ang idadahilan ko?"
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...