Chapter Thirty Two*

2.1K 36 5
                                    

Chapter Thirty Two*

[TIFFANY's POV]
Anong ginagawa ni Andrei sa room namin ni Thalia? Paanong nandito siya ngayon? Sinundan niya ba kami?

"Anong ginagawa mo dito?/What are you doing here?" Nagsabay na naman kaming dalawa sa pagsasalita.

"May business meeting ako/I'm with my friends."

Argh.

"Kailangan bang nakikisabay ka?" Turo ko pa sa kaniya.

"Ikaw kaya ang sumasabay?" Tinuro niya din ako.

Para kaming siraulong nagtuturuan dito. E bakit ba kasi kami nagsasabay magsalita?

"Seriously?/Seriously?"

Sabay na naman kami.

Tapos bigla na lang itong tumawa! Halla! Nabaliw na 'ata siya. Wala naman kasing nakakatawa sa mga nangyari e.

Hawak-hawak na nito ang t'yan nito sa kakatawa. Tinaasan ko na lang siya ng kilay kasi hindi ko naman maintindihan kung anong kinakatawa niya e wala naman talagang nakakatawa.

Teka?

Nakainom ba 'to? Medyo amoy beer e. At saka ano ba kasing ginagawa nito dito?

At bakit ba kanina pa ako nagmomonolouge dito at hindi siya pinapatigil sa kahibangan niya?

E kasi naman, parang ngayon ko na lang siya ulit tumawa ng ganyan. Buhay na buhay. Hindi siya nagagalit. Hindi siya nagsusumbat. Sana ganito na lang pero ayoko naman na tumawa siya habang buhay. Baka pagkamalan siyang baliw. Sayang naman.

Argh. Kung ano ano na ang iniisip ko.

Huminga ako ng malalim.

"Hoy! Mr. Andrei Ventura! Ano bang nakakatawa hah?!"

Tumigil naman ito at tumingin sa akin. "Ikaw."

Ano daw? "Ako?" Turo ko pa sa sarili ko. "Anong ako? Nakakatawa ako hah?! Ganun?!" Aba! Ginawa pa akong clown ng lokong 'to!

"Ah no.." napahawak ito sa batok nito. "That's not what I meant. It just that it was funny. You being here. And me, also being here." sabi nito na ngumiti pa.

"What do you mean..?"

"Mukhang pinaglalaruan tayo ng barkada." Sabi nito maya maya at napaupo pa sa couch. "Mga lokong 'yun! Kaya naman pala gusto akong papuntahin dito. Hahaha."

"So.. Hindi mo alam na nandito ak.. kami ng anak mo?"

"Nandito si Thalia?" medyo lumungkot ang mukha nito. "Does she really hate me?" biglang tanong nito, hindi makatingin ng deretso sa akin.

Napailing naman ako. Tumabi ako sa kaniya. "Hindi. Pasensya ka na ah. Hindi niya dapat sinabi sa'yo 'yun. Alam kong mahal na mahal ka ng anak mo." Totoo naman 'yun.

Wala na ngang bukam bibig si Thalia kundi si Andrei lang e. Simula ng magkita ang nga ito. Puro na lang si Andrei ang hinahanap nito.

"Tiffany.." Seryoso ang pagtawag nito sa pangalan ko.

"Ahm.. ano 'yun?"

"Sorry."

Naghari ang katahimikan. Nakayukod ito kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya.

"Sorry." ulit nito sa sinabi nito.

Sorry na naman? "Para saan?"

"Sa lahat. I've hurted you." nagulat ako ng pumatong ang ulo nito sa balikat ko. Hindi tuloy ako makakilos. "I.. I'm so stupid." Nakagat ko na din ang dila ko dahil sa sobrang kabang nararamdaram ko habang makadikit kami.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon