[Mm's Note]
-Thank you sa mga nagcomment sa Last Chapter at kay Mareng Jecah na tinext pa ako Haha. Thankies! Mwaahh! ;)
LOVE CAFE SERIES #2
Still My Cinder-Ella[KEITH's POV]
Nasaan kaya 'yun? Luhh! Lagot ako sa reyna ko pag nalaman niyang nawawala 'yun. Baka ipatapon niya ako sa ilog Pasig pag nagkataon. Naku! S'an ko ba kasi nilagay 'yun?Hindi ko talaga alam kung saan ko ipinatong e. Nagiging ulyanin na ata ako.
"Baby Keib.. kinuha mo ba?" Tanong ko sa anak namin ni Ella na kaka-two months old palang. Nasa kama ito, pinalitan ko kasi ng diaper e.
Ah. Three months na din palang kasal sila Andrei at Tiffany. Akalain mo 'yun. Umabot sila ng tatlong buwan. Sabagay, paano.. busy 'yung isa sa negosyo. 'Yung isa.. busy din sa buhay niya. Aba. Pag ganun, hindi mo talaga mamamalayan ang oras.
Ah teka. Ano nga pala 'yung hinahanap ko? Ah! Tama! Hinahanap ko nga pala 'yun! Naman e. Nasaan na ba kasi 'yun?
"Uy baby Keib. Maghanap ka naman dyan. Huwag kang ngumingiti. Aba anak naman.. kilos kilos naman." Ayun, ngiti lang ng ngiti ang anak ko. Natataranta na nga ang Daddy niya e.
"Uy, anong hinahanap mo?"
"Ay anak ko!" Napahawak ako sa dibdib ko. Akala ko bigla na lang nagsalita si Baby e two months old pa lang siya.
"Reyna ko naman.. huwag ka namang manggugulat ng ganyan. Paano kung may sakit ako sa puso? E di inatake na ako?" Hawak hawak ko pa din ng dibdib ko at hinihimas iyon. Nagulat talaga ako e.
"E kasi naman po aking kamahalan, para ka pong baliw na bumubulong. ."
Nakakunot pa ang noo nito.
"Reyna ko, hindi ako baliw.. Well siguro nga baliw ako." Nginitian ko siya. "Nababaliw ako sa'yo reyna ko."
Inikot lang nito ang mata nito saka nameywang.
"My king, hindi ka pa din nagbabago. Napaka-bolero mo pa din. Hay. O siya. Halika na sa baba at hinihintay na tayo nila mommy at mama Lorna." Kinuha nito si Keib sa kama.
"Hehe. Yes, my queen." Nauna na itong lumabas buhat buhat si Keib.
Ah. Hindi ko pa din nahahanap 'yun. Lagot ako neto. After a deep sigh, lumabas na din ako ng kwarto at pumunta na kung saan sila nandoon.
"Keith iho.." Lumapit ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi, gayundin ang ginawa ko kay Mama Lorna.
"Kamusta ka naman iho?" Tanong naman ni Mama Lorna ng makaupo ako.
"Still handsome and hot Ma. Lalo ngang na-i-inlove ang anak niyo sa akin e."
Sumimangot si Ella. "Ang yabang mo. Baka ikaw ang mas lalong na-i-inlove sa akin? Kasi mas lalo akong gumanda."
Tumawa ako ng mahina. Ang ganda nga ng misis ko. Akalain mo bang mas gumanda siya ngayong nagkaanak na kami? Grabe. Nakakagago nga tuwing may lalaking lumalapit sa kaniya tapos nagpapakilala. Tsk. Kasal na siya! She's mine so back off!
"Haha. Kayong dalawa talaga. Teka nga, pahiram nga muna 'tong apo ko." Kinuha ni mommy si Keib mula kay Ella.
"Hello baby. Ang cute talaga netong apo natin." Komento naman ni Mama Lorna habang hinahawakan ang maliit na kamay ni Keib.
"Oo. Manang-mana niya ang lips ng Daddy niya tapos 'yung mga mata naman kay Ella." Komento naman ni Mommy.
"Teka nga My. Bakit niyo ba kami pinapunta dito ni Ella? At saka nasan si Daddy?" Tanong ko. Nagleave lang kami sa Love Cafe. Dapat nga hindi e kasi nasa two weeks vacation si Andrei.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomantikLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...