[Mm's Note]
Hi! Bitinin ko muna kayo sa Love story nina Andrei at Tiffany. Mag-imagine muna kayo kung anong mangyayari ngayong nagtapat na si Tiff. Haha. :) At tandaan, magbasa mabuti. Haha. Lagi akong may iniiwan na clue para sa susunod na mangyayari. HAHAHAHA.
Ngayon, balikan muna natin ang ibang couples tutal naman last na 'tong kay Andrei. Last na siya sa love Cafe series ko kaya naman Pasensya kung laging matagal ang update. Sa totoo lang, ayaw pa tanggapin ng utak at puso ko na Last na 'to. Haha. Hindi pa din naman kasi ako makapaniwala na nakagawa ako ng story tungkol sa limang magkakaibigan. Well, sino ba sa kanilang lima ang Dream boy niyo? Hihi. Kasi ako... di ko lang sila basta Dream boy... soul mate ko silang lima! Wahaha :)
O siya. Ang daldal ko naaaa. Binabasa niyo kahit ayaw niyo haha. Oh eto naaa.. ;)
Sana magustuhan ninyo. ♡♡
LOVE CAFE SERIES #1:
You're My Chocolate[EJ's POV]
"Choco... say daddy." Kausap ko sa one year and eights months old kong anak. Nakalagay ito sa baby crib nito. Grabe, kamukhang kamukha ko siya. Huwag kayong maingay.. Baka kasi magalit si Chocola pag sinabi kong kamukha ko si Choco. Sabi niya kasi mas magkamukha daw sila."Dee.." Tuwang-tuwa naman na sabi ni Choco John.
Grabe. Ang gwapo talaga ng anak ko. No doubt, manang-mana sa daddy e.
"Mahal..."
"Alam mo baby, ako talaga ang kamukha mo e. Kuhang-kuha mo 'yung mata kong singkit e 'yung mommy mo medyo bilugan 'yung mata tapos pati mukha naging bilugan na din. Paano, kain ng kain. Hay. Basta baby.." Kausap ko sa anak ko. Sabi kasi nila mommy, maganda daw na laging kinakausap ang mga baby.
"Mahal!"
"At saka alam mo baby, 'yang mommy mo.. noong bago palang kaming kasal. Hindi marunong sa gawaing bahay. Haha." Tumawa ako kasi parang Tuwang-tuwa na nakikinig si Choco John. Pero sa totoo lang, madaldal na 'tong anak ko. Ewan ko lang kung bakit tawa lang siya ng tawa ngayon.
"Tapos baby alam mo nung first time niya maglaba? Aba! Hahahaha. Hindi ka maniniwala dahil pinagsabay niyang ilagay 'yung downy at saka powder hahaha." Natatawa pa din ako tuwing maaalala ko 'yun. Umiyak iyak pa siya noon tapos sabi niya makikipaghiwalay na daw siya sa akin.
Syempre hindi ako pumayag. Aba! E ano ngayon kung hindi siya marunong? Mahal ko pa din naman siya. Hindi magbabago 'yun.
"Mr. Erick John Andres! Sumusobra ka na!"
Takang napatingin ako sa babaeng tumawag ng buong pangalan ko. Si Chocola pala na halos namumula na 'yung mukha at saka naiiyak na din.
"Oh Mahal, andyan ka pala? Look oh, our baby's laughing haha."
"Oo! Pinagtatawanan ninyo akong mag-ama!" Halos kanda-iyak na sabi nito.
"Huh?" Napatingin ako sa anak ko na ngayo'y nakatingin din sa akin. "Baby, pinagtatawanan ba natin ang mommy mo?"
Umiling-iling naman ang anak ko na parang naintindihan niya na ang sinabi ko.
"O kitams.. we're not laughing at you Mahal."
"Si Choco John, Oo! But you! Pinagtatawanan mo ako. Oo na! Hindi na ako marunong sa gawaing bahay! Oo na! Tumataba na ako! Oo na at I'm stupid because I don't know how to wash clothes! Argh." Tumalikod na ito.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomansaLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...