Chapter Twenty Two*

1.8K 33 10
                                    

Chapter Twenty Two*

[ANDREI's POV]
"Do I look weird?" Tanong ko sa barkada habang nag-aayos sila ng mga instrument na gagamitin namin mamaya.

"'Tol, hindi ka nga kinabahan nung kasal niyo e. Ngayon pa?" Sabi ni Keith habang ini-strum ang gitara at tinotono iyon.

Lumapit naman si Jm sa akin at inakbayan ako. "Dude, don't be nervous. Napaghahalataan e."

Tinanggal ko ang kamay niya. "Ayoko na!" Eksaherado kong sabi. Takte naman. Parang hindi ako 'to e.

"Hahahaha."

"Tawa pa Ej!"

"Oh bakit? Haha. Naalala ko lang 'yung panahon na ginawa ko 'to kay Chocola. I'm so nervous, I don't know what to do anymore haha."

Kita mo 'yang tao na 'yan. Tawanan ba naman ako? Oo na. I'm nervous, to hell with that. Hindi naman kasi ako nanghaharana. Wala 'yun sa character ko. Kahit nung highschool kami, hindi nga ako kumakanta. Kumakanta lang ako, mga limang stanza and that's it. Wala na.

Pero ngayon, kakantahan ko siya. Peste. Naging tradition na 'ata naming lima na haranahin ang mga babae sa buhay namin.

"And after this.. alam mo na ang gagawin mo." Said Xander while giving me that concerned look.

Tinapik pa ako sa balikat ni Ej. "You can do it. If you apologize sincerely then.."

"Mapapatawad ka niya agad." Dugtong naman ni Jm.

"Sus Pare. Mahal ka nun e. Syempre mapapatawad ka niya. Kung si Ella nga pinatawad ako sa lahat ng kagaguhan ko noon e ikaw pa kaya. That's just one mistake and I know you will never do it again."

"Dude, that was the best thing you said about me." Sabi ko kay Keith. Sabay yakap sa kaniya.

"Dude! Huy! I'm not into that you know. Si Xander na lang ang yakapin mo."

Tumawa ako at pinakawalan si Keith. Tinignan ko si Xander na masama ang tingin kay Keith.

"I'm sorry but I'm not gay. Wait even if i'm gay, there's only one person who I can go out with and that's Pj. Whether's she's a girl or a boy."

Ginulo ni Ej ang buhok nito. "'Yan ang gusto ko sa'yo e. Mahal na mahal mo ang kapatid ko. Well, magiging brother in law na kita next week."

"Guys? You ready?" Si Chocola sumilip muna sa may pintuan bago tuluyang pumasok. "Hi Mahal!" Agad na sabi nito ng makita ang asawa nito.

"We are ready mahal. Right Andrei?" Tanong niya sa akin habang nakangisi.

Nang-aasar pa 'tong lalaking 'to oh! Hindi na nga ako kinakabahan e. Phuu! Bumabalik 'yung kaba ko e. Akalain mo, the great Andrei Ventura, kinakabahan ng sobra sobra dahil lang kakanta siya?

Hindi naman ako kinakabahan pag nagprepresent ako pag business meeting namin o pag kaharap ko ang mga stock holders namin.

Argh. This is so rare. Paano ba naman kasi, kakantahan ko 'yung babaeng pinakamamahal ko.

"Kuya Andrei.."

"Oh Precie?" Nasa may pintuan kasi ito at nakikisilip lang. Parang ayaw pumasok.

"Cheesecake, anong ginagawa mo dito?" Si Xander iyon. Lumabas na at pinapasok ang fiance nito.

"May sasabihin ka ba Precie?"

She looked worried. May nangyari ba? Bakit bigla na lang akong kinabahan? Ah. Baka dahil nga sa kakanta ako mamaya.

"Si Ate Tiff kasi.."

I became stiff. "W-what about her?"

"Pwede ba kaming mag-usap ng asawa ko?" Natigilan kaming lahat ng pumasok si Tiffany. Mugto ang mga mata nito. May mga pasa din ito sa mukha at braso.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon