Chapter Three*
[TIFFANY's POV]
Napapangiwi ako sa ginagawa niya. Kumukuha kasi ito ng bulate sa lupa. At napaka-arte niya! Para namang lalapain siya ng buhay ng mga uod na 'yun e ang liit liit ng mga 'yun.
"Argh! Ayoko na! Nakakadiri talaga!" Sabi nito at hinagis pa 'yung stick na hawak hawak nito.
"'Oy! Kailangan natin 'yan!" Mangingisda kasi kami sa fish pond kaya kailangan namin nang bulate.
"It's dirty! And I don't like being in dirt!"
Sarap niyang bukulan! Dalawang taon ko na siyang kilala. T'wing bakasyon lang siya pumupunta dito.
"Alam mo ang arte arte mo!"
"Hindi ako maarte! Sadyang ayaw ko lang ng madumi. At isa pa, bakit ko ba ginagawa 'to?"
Ish! Ang arte talaga! Ibang-iba sa daddy niya!
"Hoy! Inutusan ka ng daddy mo diba? Tumulong ka daw mamingwit!" Nakapameywang ko pang sabi.
"There's a net for fishing! We don't need that!" Turo pa nito sa mga bulate.
Hay! Pinapa-init niya ang ulo ko. "Diba sabi ko sa'yo wag kang ume-english dito?"
"Tss. Pasensya okay!" Tapos umupo na ito doon sa may upuan.
Hayy! Sarap niya talagang inuntog sa pader. Nakakainis! English siya ng english e Filipino naman siya! Hindi naman siya 'kano e!
"Argh! I'm bored!" Maya-maya sigaw nito.
Hindi ko na lang siya pinansin. Nilagay ko na lang 'yung mga uod sa malaking lata. Marami na 'yun kaya tumigil na din ako sa paghahanap.
"'Lika na sa fish pond." Tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin.
"Psst! Hoy!" Ang lalim naman ng iniisip nito!
"Hayy. I'm getting bored. Alam mo ba 'yung mga kaibigan ko, ayun nagpapakasaya sila sa bakasyon nila. Samantalang ako, eto, kumukuha ng earthworm."
Tinabihan ko siya, "Hindi ka ba nag-eenjoy kasama ako?"
"Tss. Lagi mo kasi akong sinisigawan."
"Ay! Eto naman!" Kinuha ko ang kamay niya. "'Lika na! Paramihan tayo ng mahuhuling isda mamaya."
Tumayo na din ito, "Sige. Pag mas marami ang nahuli ko sa'yo, dapatay gift ka sa akin."
Hah? E mas mayaman nga siya sa akin e tapos may gift? Aba! Baliw 'ata 'to e.
"Tapos kung mas marami ka namang nahuli kaysa sa akin, ako naman ang may gift sa'yo."
Lumaki 'ata ang tenga ko nang marinig 'yun.
"Talaga?"
"Oo naman."
"Sige. Payag ako." Aba! Hindi 'ata alam ng lalaking 'to na magaling akong mamingwit! Haha.
Nang nasa fish pond na kami, pumwesto na agad kami. Medyo nandidiri nga si Andrei nang ilagay niya'yung bulate pangpain doon sa pamingwit niya.
"Argh. I can't believe I'm doing this." Sabi pa nito.
"Ikaw, huwag ka ngang maarte."
"Wait, ipapakain natin 'tong bulate sa isda tapos kakainin natin 'yung isda? Yuck."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Baliw ka ba? Syempre nadigest na 'yun sa t'yan nila 'no!"
Tapos bigla niya akong tinignan, "Whoa, nadigest? You're right."
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...