Chapter Thirteen*

2.4K 50 23
                                    

Chapter Thirteen*

[TIFFANY’s POV]
“Tita. Ako na po.” Sabi ko sa step mom ni Andrei na si Tita Flor. Nandito kami ngayon sa Ventura residence dahil gusto ng daddy ni Andrei na doon muna kami manatili ng dalawang linggo. Tutal naman daw ay hindi kami nakapaghoneymoon.

“No iha, hindi naman pwedeng ikaw ang paghugasin ko ng pinggan.” Ito pa ang nagpunas ng kamay ko pagkatapos ay nagtawag ito ng katulong para ipagpatuloy ang ginagawa kong paghuhugas ng pinggan.

“Tita, kaya ko naman po iyon e.”

“But you are the wife iha. Hindi ka katulong. At isa pa, magagalit si Andrei pag nalaman niyang ikaw ang naghuhugas ng pinggan.”

Napakunot pa ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman magagalit si Andrei pag nalaman niyang ako ang naghugas ng pinggan? baka nga ipamukha pa nun sa akin na dapat lang akong maghugas ng pinggan.

“Teka nga, nasaan na ba ang asawa mo hah?”

“Hindi ko po alam.” Sagot ko naman kasi hindi ko naman talaga alam. Aba! Bantay niya ba ako at kailangan ko pang alamin kung nasaan siya? Excuse me huh!

“Iha..”

“Yes?”

“Do you hate him?”

“Po?”

Tinitigan niya ako sa mata na para bang pinag-aaralan niya ang mukha ko o mas tamang sabihing hinuhuli niya ako? Kung magsisinungaling ba ako o hindi.

“I suppose po, alam niyo ang totoong rason kung bakit kami ikinasal ni Andrei tita?” Tanong ko sa malamig na tinig. Kahit na ilang taon na ang nakakalipas, hindi ko pa din makalimutan ang nakaraan.

Sinong may sabi na madaling kalimutan lahat ng 'yun?

Takte! Para sabihin ko sa inyo, hindi. Kasi kahit anong gawin ko ang hirap hirap. Ang hirap ding magpatawad. Kahit sabihin nilang magmove on ka para mawala ang galit mo, mahirap din. Kasi kahit anong gawin mo, nasa puso mo na 'yun e. Hindi na maaalis. Kahit kalimutan mo, maaalala mo lang ulit lahat.

“I know but iha, don’t believe everything you hear. There are always those sides to a story, yours, theirs and the truth.” she smile and then guide me on the way to the swimming pool.

“O’ ayan pala ang mister mo, Nagswiswimming..”

Hindi ko na pinansin 'yung mga sinabi niya kasi napukaw na ng interest ko ang isang lalaking nakatrunks na paakyat na sa pool.

Napalunok ako. Shet! The Abs! Wala namang ganyan 'yan dati e. Nung mga bata kami at sabay kaming naliligo sa may ilog e buto’t balat nga siya e. Tssk. Nag-gym lang, nagkalaman na.

Nakita niya ako tapos bigla itong ngumiti. 'Yung kita 'yung maganda nitong ngipin kasabay ng malalim nitong dimples.

Oo na! Takte. Gwapo na siya. Ang cute niyang ngumiti na aakalain mong teenager pa siya tapos ang ganda din ng katawan niya na minsan ko nang nakita ng buo! Oh my gulay! Bakit naaalala ko 'yun?

Waaaaa! No! No!  No! Lumayas ka sa isipan ko! Alis! Alis! Hindi ko kailangan ng katawan mong mala-semi god ang dating!

“Wifey!” Biglang tawag niya sa akin. Nagpupunas na ito ng towel. “Come here, swimming tayo.”

“Ikaw na lang..” Baka mamaya magahasa pa kita ay este ano ba 'tong iniisip ko? Kailan pa naging madumi ang utak ko? Argh!

“Ang lamig ng tubig. Ang sarap magbabad. Halika na.” Yaya pa din nito.

“Ayoko.” Tanggi ko pa din.

“Ah baka kasi gusto niya magsolo kayo haha.” Sabi naman ng father in law ko na nakaupo pala sa may tabi. “Sige, dyan na muna kayo. Honey, let’s leave them muna.” Tumayo ito at magkahawak kamay silang umalis ni Tita Flor.

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon