Thirty*
[TIFFANY's POV]
Napaka-awkward. Okay. I want to get out of here. Right now! As in! Gusto ko nang lamunin ako ng semento at nang mawala na ako.Seriously! Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Ventura. Nang malaman nilang may anak kami ni Andrei, inimbitahan ako ng father in law ko para makita daw nila ang anak ko.
I was about to declined about it but Thalia wanted to meet her grandfather so I don't have any choice.
Ang kaso.. nandito din pala lahat ang mga kaibigan ni Andrei. Anniversary kasi ng Love Cafe Enterprises at sa mansyon ng Ventura nila naisipang iheld.
Walang pumapansin sa akin. Hindi naman sa gusto kong pansinin nila ako pero.. naging magkaibigan din kami diba?
"Hi tita!"
"Ah. Hi Andrea." sabi ko sa anak ni Andrei na nakagown na pangprinsesa na kulay pink pa. Maganda ang pagkakadesign ng gown na iyon. Parang isang fairytale princess gown. May matching cute crown pa.
"Na kay grandpa po si Thalia. Do you want pong kumain?" magiliw nitong tanong.
"Ah. No Andrea. I'm full."
"Okay po." nagpout ito. She got her eyes from Andrei. Pero mukhang nakuha nito lahat ng katangian nito sa mommy nito. "Ah!" napatili ito. "Mommy Yanny! You're late!" tumakbo ito sa tinitignan nitong direksyon.
Hinabol ko din ito ng tingin at nakita ko si Yan-Yan, she's wearing something so fashionable. I look at myself, I'm just wearing a simple black dress. Semi-formal lang.
"Baby!" Dinig kong sabi ni Yan-Yan. "How's your dress? D'you like it?"
"Yes po! Thank you!" niyakap pa ng bata si Yan-Yan.
"Wow! Kaya naman pala super pretty ng dress ni Andrea e." si Precie iyon, na hindi man lang nagawang lumingon sa akin. "Can I get one for my daughter hmm. Please Ate Yan?"
"Of course! I'd love too. Pero mahal ang talent fee ko ah." Nagkatawanan sila. Pinalibutan na din ito ng iba pa.
"Name your price. Kahit magkano pa 'yan para sa Xandria ko. Okay lang." singit naman ni Xander.
"Aww. What a doting father! Hahaha." Si Keith iyon.
Nagkatawanan lang sila doon.
Umalis na lang ako at pumunta sa may pool side. It was like I didn't exist back there. Are they blaming me? Do they hate me?
Napatingin ako sa pool side. Naalala ko tuloy 'yung mga oras na nandito kaming dalawa ni Andrei. I understand that I.. we can't go back to the way it was.
And it's hurts like hell. Parang pinupunit ang puso ko. Parang winawasak na hindi ko maintindihan. Basta sobrang sakit niya. Ang sakit.
"What were you doing here?"
"Ay kabayo!" napahawak ako sa dibdib ko sabay lingon. "Andrei! Bakit nanggugulat ka?"
Kumunot ang noo nito. Pagkatapos ay tumabi sa akin. "Hindi kita ginulat. Masyado kasing malalim ang iniisip mo." Tinignan niya ako. "What were you thinking?"
Umiwas ako ng tingin.
"Hey.."
"Gusto mo bang malaman kung anong iniisip ko?"
"I.. I guess.. Yeah."
Napalunok ako. "I.. I regretted what I did back then. I should have not pushed you away."
"T-Tiffany?"
Hinarap ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya na ikinagulat niya. I know I'm being bold right now, but I don't care. His the one who said he wants to know what I'm thinking.
BINABASA MO ANG
Love Cafe Series: My Great Wife
RomanceLOVE CAFE SERIES **Presents** # 5: My Great So-Cold Wife :3 ~ C O M P L E T E D ~ -Its about Andrei Ventura. Una pa lang, gustong-gusto niya nang magkaroon nang maraming pera para daw ma-cancel ang engagement nito sa fiancee nito. Pero yun nga ba...