Chapter Six*

2.6K 44 5
                                    

Chapter Six*

Present Time~

[ANDREI's POV]

Argh. Napabangon agad ako sa sofa na kinahihigaan ko. Sapo ang ulo ko na sumasakit.

Grabe.

Grabeng panaginip 'yun. Parang bumalik ako sa nakaraan. At sa nakaraang 'yun ang masasayang alaala ko sa kaniya at ang pinakamabigat na desisyon ko sa buhay.

Bakit nga ba ako pumayag na pakasalan siya?

Dahil ba 'yun ang kagustuhan ni Mang Tonio? O dahil 'yun talaga ang gusto ko?

Pansarili ko ba talagang interes na itali siya sa akin kahit na hindi naman niya ako mahal? Kahit na masasaktan lang kaming pareho sa kasal na 'to?

"Pakasalan mo ang anak ko Andrei. 'Yun lang ang tangi kong hiling. Alam kong liligaya ang anak ko sa'yo at mapapanatag ang loob ko sa kabilang buhay."

Kung hindi kaya nalaman ni Mang Tonio na mahal ko si Aning noon, sasabihin niya kaya ang mga bagay na 'yun?

Malamang hindi.

"The hell! Mag-a-alas dose na ng tanghali, ngayon ka pa lang babangon?"

Otomatikong napalingon ako sa nagsalita. Sino pa ba e di si Tiffany na nakapameywang pa at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. "Good morning wifey!"

Medyo napanganga siya.

"What the hell," pinanlakihan niya pa ako ng mata.

"Why?" Tumayo na ako. "You don't want wifey for endearment?" Kunwa'y nag-isip ako. "Hmm. Yeah, it's too common. But I like it. Hindi masyadong corny diba?"

"Its too corny for me. At isa pa, you don't have any rights to call me that way."

Siya naman ang kinunutan ko ng noo. "Rights? Well, you are my wife. If you don't remember, we are now a married couple."

She just look at me, mad at some point. "Huwag mong itulad ang relasyon natin sa ibang married couples."

Argh. Aga-aga, nagtatalo kami. Honeymoon dapat namin 'to e.

Naglakad ako papuntang kusina. Iniwan ko na siya doon. Bahala siya. Imbis na sa kama dapat kami nag-aaway e eto kami, nag-aaway dahil lang sa isang endearment?

What's so bad about calling her wifey? I think it's cute. Now I realize why Ej and the others call their special one an endearment.

Mahal, King and Queen, Sweetie and Heart, and of course, Cheesecake. Sino nga ba ang makakatalo sa mga tawagan ng barkada ko?

"Hoy! Let's go."

"Where?"

"To your condo. Saan pa ba?"

Nagtimpla ako ng kape ko. "What about our honeymoon trip?"

"I don't care about that. Kaya pwede ba, mag-ayos ka na!"

"Fine." Ininom ko na ang kape ko. Hayy. Ako lang ang ikinasal na hindi man lang nakatikim ng langit sa sarili kong honeymoon. Grabe.

~~•~~

Love Cafe Series: My Great Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon