Nag aalinlangan man pero gumawa na lang ng excuse si Percival ng makabalik na siya. Sinabi niya na lang na nakita niya si Lance dun sa Kanon, ito ay isang maliit na nayon na nasa hilagang bahagi ng Cenred. Pagtatanim ng mga gulay at prutas ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga rito.
At sinabi niya na doon dinala ni Lance ang mga pinamili noong isang araw para ibigay sa mga bata. Buti na lang napaniwala niya ai Zion.*********************
Papunta si Zion sa opisina ng kanyang ina dahil pinatawag siya nito.
"What is it mom?"
Bored na tanong ni Zion ni hindi siya nag abalang umupo. Nakasandal lang siya sa pintuan.
Inalis ng ina niya ang suot na eyeglasses at hinilot- hilot ang sentido nito.
"Son, bukas na darating si Jane. Ikaw ang susundo sa kanya sa daungan at saka hijo, sana magkaayos na kayong dalawa".
Hindi nagsalita si Zion at walang anumang bakas ng reaksyon sa kanya.
***************************
Kinabukasan.
Alas tres ng hapon ang pagdating ni Jane pero mag aalas singko na wala pa rin ang inatasang susundo sa kanya. Mag isa pa naman siya, ay mali dalawa pala sila kasama niya kasi ang kanyang alalay.
Wala pang katao- tao sa paligid dahil silang dalawa lang ang hinatid sa daungan."What the heck! Nakalimutan ba nilang ngayon ako darating?! Bwesit naman!"
Maarteng pahayag nito. Kahit hapon na pinapayungan pa rin ito ng alalay. Kita talaga ang kaartehan nito. Pinayungan saka pinaypayan pa. Kawawa ang alalay niya.
"Baka nga kasi Miss Jane dahil lagpas alas singko na pero wala pa ring nagsusundo sa atin".
Segunda ng alalay nito. Nagsasalita ito kahit nahihirapan sa ginagawa.
"Shut up slave, di kita kinausap!"
Pasupladang puna ni Jane. Napahiya tuloy ang kawawang alalay.
Kung di lang kasi malaki ang utang na loob nito sa mga Valse, matagal na siyang huminto sa pagiging alalay nito.
Simula pa lang ayaw na niya sa ugali nito, bata pa lang tinitiis na niya ang ugali ng babae. Mula kasi walong taon nanilbihan na siya bilang alalay nito.
Sobrang pangit ng ugali mana talaga sa kanyang ina parehong masama ang ugali.Matagal pa silang naghintay hanggang sumapit ang alas sais ng gabi bago dumating ang kanilang sundo.
"Hey you! Bakit ngayon ka lang ha saka nasaan ba si Zion siya ang dapat sumundo samin!".
Nakasimangot na saad ni Jane ng makita kung ang dumating.
"I'm sorry pero busy ngayon ang Alpha."
Sagot nito na kay Lyn nakatingin. Nahiya naman si Lyn ng makitang sa kanya nakatitig ngayon si Percival ang Gamma ng pack.
Crush kasi niya ang gamma mula pa noong pansamantalang nanirahan sila dito noon."What are you waiting for? Take us to the kastilyo na!".
Utos ni Jane. Nauna na itong sumakay sa kotse habang naiwan naman ang dalawa.
Kinuha ni Percival ang mga dalang bagahe ni Lyn at dinala sa sasakyan. Habang tahimik lang sumunod sa sasakyan ang dalaga."I'm glad to see you Lyn".
Mahinang wika ni Percival sa dalaga. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ni Lyn ng marinig ang mga salitang yun. It's not a meaningful word pero may kakaibang hatid na saya sa kanya.
Mabilis nilang narating ang kastilyo. Nadatnan nila ang mama ni Zion na naghihintay sa kanila at kita sa mukha nito ang pag alala.
"Oh Jane, i am so sorry. Pasensya na natagalan ang sundo niyo. May emergency meeting kasi sa council kaya di pa nakauwi si Zion."
Paliwanag ng Headmistress.
"It's ok Tita, naiintindihan ko".
Maamong wika ni Jane kahit kanina sobrang inis nito.
Pinaplastik lang niya ang ina ni Zion. Gusto niya kasing maging bida sa mata nito.
Tsk.Napailing na lang din ang alalay nitong si Lyn sa kaplastikan ng babae.
Ilang saglit lang pinatawag ng headmistress si Aling Helen para dalhin sila sa magiging silid nila at dahil alalay siya sa iisang kwarto lang silang dalawa ni Jane dahil gusto nito andiyan siya palagi para madali lang dito pag may iuutos ito.
Matapos maiayos ang mga gamit nila lumabas muna saglit si Lyn para magpahangin. Nagpahinga kasi ang amo niya kaya libre siyang gumala ngayon.
"Lyn, naku ang ganda mo ng bata".
Magiliw na bati ni Aling Helen kay Lyn ng magkasalubong sila sa hallway ng kastilyo.
"Salamat po".
Di sa pagmamayabang pero maganda naman talaga siya. Yan ang palaging puri sa kanya pero nahihiya pa rin siya pagka pinupuri.
"Kumusta ka na?"
Wika nito. Andito na sila sa garden nakaupo sa swing.
"Ok naman po. Ganun pa rin struggling. Kayo po kumusta na".
Nakatawang sagot ng dalaga, dinadaan niya sa tawa ang mga problema kahit sa loob malungkot siya.
"Mabuti naman kung ganun. Ako, ok pa rin sa awa ng diyos, malakas pa rin. "
"Bakit mukha po kayong malungkot?"
Napuna kasi ng dalaga na medyo may malungkot sa mukha ng ginang.
"May isa kasi kaming kasamahan dito na nawawala hanggang ngayon di pa rin natagpuan. Nalulungkot ako kasi ang bait ng batang yun eh parang ikaw. Kung andito sana siya siguradong magkakasundo kayo."
"Sino po? Ano bang nagyari sa kanya bakit siya nawala?"
"Si Ava, apo ni Hunnith. Iwan ko basta ang alam ko lang pumunta daw ng Cerberu mag isa at di na nakabalik pa".
Maluha-luhang salaysay ng ginang.
Di namam inasahan ni Jane na may apo pala si Aling Hunnith. Di niya kasi ito natanong saka naman di rin niya inabutan dito noon ang sinasabing apo.
Di pa man niya ito nakilala pero malaki ang simpatya niya. Nahiling niya sa sana makita na si Ava at ok lang ito nasaan man ito ngayon.

BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
WerewolfHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.