14

942 40 0
                                    

Nandito na naman ako sa library ng Academy, kakatapos ko lang mag lunch break. Ako lang mag isa ang kumain, wala kasi ngayon si Lance may importanteng lakad daw ito ngayon kaya di pumasok.

Hinahanap ko ang mapa papuntang Cerberu para di ako maligaw. Balak kong sa linggo!! pupunta dun.
Magpapaalam na lang ako kay lola pero syempre magsinungaling na naman ako. Ang idadahilan ko ay may group project kami at sa bahay ng kaklase ko namin gagawin.

Inabot na lang ako ng bell ngunit di ko pa rin nahagilap kung saan nakalagay ang mapa. Sa laki ba naman ng library dito, buti sana kung may computer dito para e search ko lang saka di na ako mahirapan pero wala eh.
Nanlumo na lang akong bumalik sa loob ng classroom namin.
Buti na lang mangilan-ngilan pa lang ang mga kaklase ko pagdating ko kaya maayos kong narating ang aking upuan na walang nangyari sakin.
At saka good news pala wala ngayon si Zion at ang mga alagad niya.

Nagpatuloy lang ang klase as usual nag notes lang kami at ilang discussions ng mga professor namin at saka uwian na.
Pero di muna ako uuwi. Tambay muna ako ng library para tapusin ang nasimulan ko kanina.

Hindi ko namalayan ang oras alas siete na pala ng gabi. Kaya pala madilim na sa labas pagkasilip ko sa bintana at wala na rin ako nakitang estudyante dito.
Buti na lang nakita ko na ang hinahanap ko. Pinunit ko sa pahina ng libro na ang title ay INCANTOS.
Tinupi ko ito bago sinilid sa bag. Binalik na rin ang libro sa kinalalagyan nito saka ako nagmamadaling umalis.

Pagkalabas ko ng library bumungad sa akin ang madilim na pasilyong tanging liwanag lang ng mga mapanglaw na torch ang maaaninag sapat na para makita mo ang daan.
Nagsisi tuloy ako kung bakit inabot ako ng ganitong oras sa Academy.
Natatakot man pilit kong tinahak ang pasilyo pero di ko akalaing may mabunggo ako. Sa lakas ng nakabunggo ko napaupo ako sa sementadong pasilyo.

Sakit ng balakang at pwet ko.

Ganun man pilit kong kinilos ang katawan ko at pinulot ko ang dala kong libro na tumilapon din.

Argh! Sakit talaga.

"Why are you still here!!?!"

Natigilan ako sa lakas ng boses niya at higit pa roon ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa kanya.

Bakit ba kasi ganito lagi ang nararamdaman ko pag nandiyan siya?

"Do i have to repeat myself?!!! Answer me?!!!"

Napapitlag ako sa sigaw niya. Natatakot na tuloy ako sa kanya.
Kahit kasi medyo dim ang paligid kita ko pa rin ang dilim ng mukha niya sa galit sa akin.

Bakit ba kasi siya palaging galit sakin?!!

"Ah... Eh... Nag-nag re-research la-lang ako sa li-library".

Sagot ko kahit di ko na halos nabigkas ang mga ito.

"Ng ganito katagal?! Are you stupid?!!"

Oo na stupid na kung stupid. Eh kung sana makipag cooperate ka sana sa project natin, di sana ako abutin ng siyam-siyam dito.

Pero siyempre di ko to sinabi baka patayin pa ako ng mga kasama niya, nalaman ko kasi na siya pala ang leader ng buong Cenred Kingdom. Kaya pala tinawag siyang Alpha. Ang may pinakamataas na tungkulin. Shock nga ako nung malaman ko yun. Kaya dapat ko talaga siyang iwasan para di manganganib ang buhay ko.

"Sorry po A-alpha".

Di ko na lang siya tiningnan dahil ayoko kong makita ang galit niyang tingin sa akin.

"Arthur, ikaw na bahala sa babaing yan".

Walang emosyon nitong baling sa kanyang gamma bago siya nito nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sorry for that, ganyan lang talaga ang Alpha".

Biglang wika ni Arthur  sa kanya.
Inilalayan siya nito at pinagbuksan pa ng pinto ng sasakyan nito.

"Wag kang mag-alala, sanay na ako dun".

Sanay na naman ako sa ugali ni Zion simula't sapol pa lang.

May pagkatahimik din itong si Arthur yun nga lang halata sa mukha nito at kilos ang pagka babaero kumpara kay Zion mas approachable ito.

Mabilis lang nila narating ang kastilyo dahil mabilis din ang pagpatakbo nito ng sasakyan.

Nagmadali akong umibis ng sasakyan dahil siguradong nag alala na si lola sa akin.
"Maraming salamat ha, sige mauna na ako".
Tatalikod na sana ako ng magsalita siya.

"Teka lang Ava naihulog mo to, oh".

Naku patay, sa dami ng pwedeng mahulog yun pang kinuha ko kanina.
Nakita kong nangunot ang noo niya habang tiningnan ang pirasong papel.

"Ah, hehe. Sorry, sige ha mauna na ako".

Inabot niya ito sa akin at pagkakuha ko tumalikod na agad ako at naglakad papasok sa likuran ng kastilyo.










************************

ARTHUR

After doing our patrol in the border, dumiretso kami ng Academy dahil may pinapakuha ang headmistress sa kanyang office.
Pero laking gulat ko ng nadatnan  pa namin si Ava kanina.
Nang ganitong oras?!
Ano kayang pinagkakaabalahan niya na inabot pa talaga ng gabi.

Nakita ko pang umigting ang panga ni Alpha ng makilala ito dahil nagkabungguan sila kanina.

Sa oras na yun ay alam kong galit ang Alpha dahil ayaw nitong may gumagala pa rito sa Academy ng ganitong oras na. Alam kong mahigpit ang Alpha pero alam ko ring para sa mga nasasakupan niya rin ito. May mga gumagala kasing rogues sa paligid. Sila ay mga hayok at walang kiyemeng pumapatay .

Nakaramdam ako ng awa kay Ava ng masigawan siya ni Alpha, bukod kasi sa napahiya ito sa amin ay alam kong mabuti siyang babae.

Kaya ng inutusan akong ihatid siya sinubukan kong pagaanin ang loob niya kahit papano.

Yun nga lang nung may napulot akong naihulog niya kanina, kinutuban ako ng hindi maganda. Sana lang hindi magkatotoo ang kutob ko dahil lubhang mapanganib ang binabalak niya.

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon