15

975 36 1
                                    

Malalim na ang gabi pero di pa rin dinalaw ng antok si Ava kaya naisipan niyang maglakad-lakad muna sa labas.

Nang dumating siya kanina sinalubong agad siya ng kanyang lola ng sermon nito.
Kaya nilalambing niya ito na epektibo naman dahil nawala agad ang galit nito sa kanya. Hindi kasi siya nagpaalam na gabihin siya sa pag uwi ngayon.

Naglakad siya papunta sa bench na nasa ilalim ng puno ng balete pero nasa loob pa naman ng tarangkahan ng kastilyo.

Sobrang maliwanag ang sinag ng buwan ngayon dahil full moon.
Sabayan pa ng malakas at malamig na simoy ng hangin na humahampas sa balat niya ngayon. Medyo nilalamig siya dahil hindi naman siya nagsuot ng pajama, kadalasan kasi mas komportable siya sa shorts at saka tshirt.

Pumikit siya para damhin ang paligid saka sumandal sa sandalan ng kinaupuan niya.

Ganito ang gusto kong senaryo sa buhay yung tipong kontento na ako ng ganito lang kahit maraming problema ang dumating alam kong kakayanin ko pa at makakaya pa.

Isang tikhim ang pumukaw sa aking pag sesenti ngayon.
Paglingon ko nakita ko si Lance na nakangiti sa akin habang nakapamulsa, ilang dangkal ang pagitan namin.

"Lance! Grabe ka, saan ka ba galing? Ilang araw na kitang di nakita sa Academy ah".

Sa sobrang saya ko na nakita siya, binigyan ko siya ng yakap.
Nakaka miss din pala ang mokong na to.

"Whoa! Easy lang Av, di ako makahinga, kaw din baka mawalan ka pa ng gwapong kaibigan dito. Mahirap na".

Biro ni Lance sa kanya kaya hinampas niya ito sa bisig nito.

"Oy, grabe ka. Masyadong mahangin tsong!".

Pang aalaska niya dito. Syempre di siya padadaig eh.

"Ay sus, mamiss mo lang ako eh, amin mo?!"

Panunudyo nito sa kanya. Sinusundot-sundot pa nito ang tagiliran niya.

"Asa ka!".

Sagot niya dito. Pero syempre sa totoo na miss niya talaga ito.

"Weeh???"

Pangungulit pa nito.

"Hmp, sige na nga pag bigyan. Oo na na miss na kita pero hoy wag kang feeling wala lang kasi akong ibang makakausap at kaibigan dito kundi ikaw lang kaya ayun."

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Lance ng narinig ang sinabi ni Ava.

"Sabi ko na nga ba ikaw ha di mo ako matitiis, hahaha".

Sinamaan naman siya si Ava ng tingin kaya napahalakhak siya. Kahit kailan talaga pikon tong si Ava.

"By the way may pasalubong ako sayo, pero na kwarto ko eh".

Dugtong niya kaya lumiwanag naman ang mukha ni Ava sa narinig.

"Talaga? Ano yun?"

Tanong nito sa kanya.

"Stuffs i know you like".
Sagot ko.

"Totoo? Hehe, salamat Lance ha, nakakahiya naman nag abala ka pa".

"Ok lang yun maliit na bagay" .

"Gaano man yun kaliit still thankful pa rin ako sayo".

"Halika, samahan mo ko kunin natin sa room ko, mukhang di ka pa naman inaantok eh, halika na".

Hinigit na siya sa kamay ni Lance kaya nagpatianod na lang siya, isa pa excited siya kung ano yun eh.

Tinahak nila ang pasilyo papunta sa kwarto ni Lance. Nahagip naman ng paningin niya ang silid ni Zion. Naalala tuloy niya ito at ayun tumahip na naman ng mabilis ang puso niya. Bakit kaya sa tuwing naiisip niya ito bumibilis ang tibok ng puso niya?
Aist, kaloka naman ito.

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon