11

986 32 1
                                    




"Apo! Anong nangyari diyan sa ulo mo!?"

Dinaluhan agad siya ng kanyang lola ng makita nito ang kanyang ayos.

"Ah eh... N-nauntog p-po ako k-kanina la".

Ayan nagsisinungaling na naman siya. Ayaw niya kasing mag alala ito sa kanya dahil may edad na ito at ito na lang ang natitira ng kamag anak niya.


"Naku ikaw talagang bata ka, mag ingat ka kasi sa susunod. Hay naku!"

Litanya ng matanda.
Niyakap naman ito ni Ava upang lambingin.

"Sus, ayan ka naman dinadaan mo na naman ako sa lambing".


"Hmp, lola naman eh. Sorry na talaga mag iingat na ako susunod. Promise".

Hinalik-halikan pa ito ni Ava sa pisngi.
Kalaunan naman ngumiti na ang matanda.

"O siya magbihis ka na at kakain na tayo".

Agad naman siyang pumasok sa kwarto nila at nagbihis.
Pinili niyang suotin ang isang maluwang na tshirt saka pinaresan ng    maiksing short.
Ganun lang kasi siya pag nasa bahay lang. Mas komportable siya dun di naman kasi siya lalabas ng kastilyo.

Matapos siyang magbihis tumungo na siya ng kusina para kumain ng hapunan.
Nadatnan niya doon ang kanyang lola, si nana Helen at ang kanilang mga kasamahan.
Masaya silang naghapunan. Napuno ng kwentuhan at daldalan pati ang nangyari sa kanyang ulo ay nagkwento siya pero kasinungalingan pa rin syempre.

Matapos kumain, lumabas muna ng kastilyo si Ava, para lumanghap ng sariwang hangin
Umupo siya sa isang tagong bench sa likod ng kastilyo.
Iniisip niya pa rin ang nangyari sa kanya kanina.

Bakit ba kasi may kumikirot sa dibdib niya ng maisip na hindi man lang siya tinulungan ni Zion kanina??


Ipinikit niya ng mga mata para iwaglit sa isip si Zion.
Habang nakapikit may naramdaman siyang kakaiba kaya iminulat niya ang mga mata at nakita niya si Zion naglalakad papasok ng kastilyo habang duguan ang suot nitong no lampas tuhod na maong short.
May pagmamadali niyang binuksan ang gate.

"Hala! Anong nangyari sayo!?"

Nag alala siya ng husto para kay Zion.

"Get out of my sight!".

Akmang dadaluhan niya ito pero nabitin siya sa ere ng magsalita ito.

"Nag alala lang naman ako sayo eh".

Siya pang nag alala siya pang sinigawan nito.

"Sinabi ko bang mag alala ka?! Alis!"

May diin na wika nito.

"P-pero may d-dugo ka-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tinabig siya nito dahilan ng pagbagsak niya sa damuhan buti na lang nakaupo siyang bumagsak kaya hindi masyadong masakit.


"I don't need your sympathy, bitch!".

Maanghang na wika nito saka nagtuloy-tuloy na lumakad papasok ng kastilyo.

Kinalma ni Ava ang sarili. Pinahid niya ang luhang namumuo sa kanyang mata saka tumingala sa langit.
Ano bang naging kasalanan niya para pagsalitaan siya nito ng ganung uri ng salita????














Happy Easter Everyone!!!

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon