Nang napadaan siya sa kusina ng kastilyo ay narining na naman niya ang usapan tungkol sa eclipse?
Ano bang meron sa eclipse at pati dito sa kastilyo ay bukambibig ito ng mga tao?
"La, ano po bang meron sa magaganap na eclipse sa darating na sabado?"
Masyado siyang kuryoso doon kaya natanong niya ang abuela.
"Saan mo narinig yan apo?" tanong nito sa kanya.
"Sa mga kaklase ko po at dito rin narinig kong nag uusap ang mga kasamahan natin".
Sagot niya."Sa tuwing sasapit ang eclipse may kasiyahang mangyayari dito kastilyo kaya maraming nasasabik at natutuwa".
Ah kaya pala excited kanina yung mga kaklase ko.
Kinabukasan.....
Late na akong nakarating sa Academy.
Matagal kasi akong nagising. Kung di pa ako ginising ni lola malamang tatanghaliin ako.
Second day of school late na naman ako.
Yari talaga ako nito sa tardiness....Pagdating ko tahimik ang buong kampus at ako lang ang tanging naglalakad sa corridor.
Nang marating ko ang classroom natutok sa akin ang buong atensyon ng mga kaklase ako.
Gusto kong lamunin ng lupa dahil sa hiya.
Halos lahat sila tiningnan ako ng masama.Mabilis na tinungo ni Ava ang kanyang upuan. Nakahalukipkip siyang naupo doon.
Isinawalang bahala niya na lang ang masamang tingin ng kanyang mga kaklase sa kanya.
Buti na lang din hindi siya sinita ng kanyang masungit na professor ngayon.
Buti na lang din wala silang quiz ngayon dahil puro recap ang ginawa hanggang sa sumapit ang bell.Ayan na naman ang lakas ng daldalan ng mga kaklase ko pero mabuti na rin dahil hindi na nila ako pinansin.
Pangalawang araw ko ngayon sa Academy na to pero wala akong kilala sa mga kaklase ko maliban na lang dun sa misteryosong si Zion Cenred at dalawang kasama nito.Ganito ba talaga dito? Masyadong silang hindi friendly at pinag iinitan pa ako kahit wala naman akong kasalanan sa kanila.
Halos kalahating oras na pero hindi pa rin dumating si prof. Eira.
Kaya para pantanggal boredom, tiningnan ko na lang ang labas ng Academy dahil kita naman dito sa kinauupuan ko ang view nito na nakakarelax dahil sa puro luntian ang nakikita ko. Puro puno ang nasa paligid at dinig hanggang dito ang huni ng mga ibon.Hindi namalayan ni Ava na nakatulog na pala siya.
Ngunit wala manlang kaklase niya ang nagtangkang gisingin siya.
Napasarap ang tulog niya hanggang nagising siya ng may yumugyog sa balikat niya."Hey, looks like napasarap ang tulog mo miss ah".
Nakangising wika ng lalaki sa kanya.
Bumagay dito ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Maputi ito at matangkad. Teka, parang may kahawig ito... Sino nga ba yun?.
.....
.......
Oo nga, kahawig sila ni Zion.
"Uhm, alam kong gwapo ako miss kaya wag mo akong tingnan ng ganyan".
Kumindat pa ito sa kanya.
Medyo napahiya siya dun ah. Kasi naman eh natulala siya saglit dito."Ah. Hehe... Nasaan ang mga kaklase ko?"
Tanong niya para matakpan ang kahihiyan.
Wala na kasi ang mga kaklase niya at hindi pa naman oras ng uwian dahil mag aalas onse pa ng umaga ng tiningnan niya ang malaking orasan sa itaas ng pinakasentrong building ng Academy. Kita kasi ito buhat sa kinaroroonan niya."Wala ng tao dito sa Academy, ikaw na lang. Good thing at napadaan ako dito".
Paliwanag nito sa kanya."Umuwi sila? Bakit?"
Gulat kong wika. Wala akong ideya kung bakit. Buti talaga at dumaan ang gwapong ito.. este ang taong ito pala.
BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
WerewolfHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.