39

904 22 3
                                    





@MaricanMores ....thank you sa pagtiyaga mong sundan ang storyang ito. Maraming salamat sa iyo










***********************

"Apo, anong plano mo ngayon?"
Tanong ni lola sakin kakatapos lang naming kumain ng hapunan. Pangatlong araw na namin dito sa Mortal world. Nakakamiss din pala ang mundo nila.
Mukhang nasanay yata ako dun ah.


"Prioridad ko muna ang mga bata La, siguro magtitinda muna ako rito sa bahay. May konting ipon pa naman ako sa bangko".
Tinitipid ko kasi ang mga baon kong pera noon at saka ko inihulog sa bangko kaya may konting naipon ako.

"O, siya sige apo, kaw ang bahala".

Nagpaalam na si lola na magpahinga na ito sa kanyang silid.
Naghuhugas pa kasi ako ng mga pinagkainan namin. Si Markus naman ayun pinatingin ko muna sa kambal.

Matapos ko sa mga gawain. Nagpasya na akong akyatin ang kambal at si Markus.
Nadatnan ko Avril na tawang-tawa habang nakatingin kay Markus habang pinalobo ng huli ang pisngi nito habang si Zenon naman ayun nakabusangot sa gilid. Mukhang kuhang-kuha niya ang kanyang ama sa kasupladuhan. Tsk. Buti pa si Avril nagmana sakin.

"Uhmn, Markus magpahinga ka na, ako na ang bahala rito".
Pagtabuyan ko sa kanya. Sobra na kasi ang abala namin sa kanya.


"Tss. Ok.".

Kanina pa nakaalis si Markus. Tulog na rin ang kambal pero ako di pa rin dinalaw ng antok. Naalala ko na naman si Zion kaya di ko mapigilang maiyak na lang.
Bakit ba naman kasi masyadong mailap sakin ang kaligayahan???
Siguro hanggang doon lang kami kasi magkaiba ang mundong ginalawan namin.
Pinatay ko na ang ilaw dito sa silid namin. Maliwanag naman kasi ang sinag ng buwan ngayon. Napatingin ako sa labas ng bintana nakasanayan ko na kasing hindi magsara ng bintana tuwing gabi dahil panatag naman ako, hindi kasi uso dito ang akyat bahay sa lugar namin.
Kabilugan ng buwan kaya naman napakaliwanag sa labas.
Minsan nakakawala ng stress ang pagtingin sa buwan. Nakakahalina.
Damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Ilang sandali lang dinalaw na ako ng antok pero wala pang isang oras ang tulog ko ng may naramdaman akong kakaiba sa paligid kaya nagising ang diwa ko at nakiramdam sa paligid. Parang may nakamasid sa akin sa labas. Dumungaw ako sa binatana at hindi ako makagalaw ng makita ko kung sino ang nasa labas.







Si Zion!!!!




Sa pagkabigla ko hindi ako makakilos. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman nakatitig sakin. Mukhang galit ito. Sababay normal lang na magalit siya dahil umalis ako dala ang mga anak namin.
Hindi pa ako nahimasmasan mas nabigla ako ng mabilis siyang napunta sa harapan ko ngayon. Bale naka face to face kami ngayon.
Bigla tuloy akong natakot sa aura niya ngayon.
Naisin ko mang sumigaw pero di pwede dahil may mga bata.







"Ah... eh... ba-bakit ka na-nandito?".
Hindi ko na mabigkas ng maayos ang mga nais kong sabihin. I swear mas nakakatakot siya ngayon.

Imbes na sumagot humakbang pa siya palapit sakin kaya naman umatras ako pero nasakote na pala ako ng dingding. There i saw him smirked.




"Do you know how much i hated you because of what you've done? Huh?!"
Mahina pero galit niyang sabi sakin.
Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa talim ng mga titig niya.
Nakatingin lamang ako sa sahig. Ayokong magsalita baka mas ikagagalit pa niya.
Ilang sandali lang halos nagsipag tayuan ang mga balahibo ko ng bumulong siya malapit sa tenga ko.



"You'll gonna regret this!"
Banta niya sakin. Halos huminto ang paghinga ko ng sabihin niya iyon.
Lagot na. Wala na. Finish na! Goodbye Ava!!!




"But before that, kakamustahin ko muna si Markus".

Lalabas na sana siya ng kwarto pero pinigilan ko siya at hinawakan sa braso.
Natatakot ako para kay Markus. Mukhang malalagot si Markus kay Zion.


"Wag please Zion, wag mong idamay si Markus. Ako ang humingi ng tulong sa kanya. Ako na lang parusahan mo, wag lang siya, please. Maawa ka".
Hindi ko mapigilan ang maiyak sa takot.
Saglit naman siyang natigilan ng makitang umiiyak ako.
Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.
Bigla niya akong niyakap.
Totoo ba to? Nanaginip ba ako???





"Shhh! Tahan na. I didn't mean to scare you. It's just that I'm so fucking jealous! I'm sorry".
Malumanay niyang alo sa akin habang hinahagod ang likod ko na mas lalong nakapag iyak sakin.
Hindi ko naimagine na mangyayari pa to. Inaamin kong nasaktan ako ng mamatay ang ama ko at isa siya sa mga sinisi ko pero nanaig pa rin sa akin ang pagmamahal ko sa lalaking ito.





"Hindi mo na ako paparusahan?"
Paniniguro ko.




"Hmmn. I'll think about it".
Medyo nakiliti na ako dahil sa hininga niya na malapit lang sa batok ko. He kissed my neck.
Halos mapaungol ako sa naramdaman pero sinupil ko lang dahil nakakahiya.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Goodness ang saya ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Ang gaan ng pakiramdam ko.
Nandito na siya. Sinundan niya kami.
Basta ang saya ko talaga sobra.
Gumanti naman siya ng yakap sakin bago ako mariing hinalikan sa labi.
A long and passionate kiss. A kiss full of promises. I'm longing for this.
We both gasps for air after we ended our kiss.
At nagtawanan na lang kami bago niya ako muling niyakap.


"Don't ever leave me again. Mamatay ako kung wala kayo. You are now my life".
He cupped my face and planted soft kisses while he is looking very serious to me.
Naks!! Kinikilig ako. Letse!!!
Gusto kong sumigaw sa saya.




"I'm sorry, promise di na mauulit. I swear".
I raised my right hand as sign of promise. Natawa na lamang siya dahil sa pagka childish ko...



























ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon