36

835 27 4
                                    

Sa madilim na parte ng kagubatan may nag aabang na panganib. Grupo ng mga traydor sa konseho na kabilang sa mga malalakas na lobo. Ang ilan sa kanila ay mga rogues na hayok sa kapangyarihan.
Gusto nilang mapasakanila at masakop ang buong konseho.
Sila ang mga mortal na kaaway ng Cenred.
Mabagsik at agresibo.
Sa ilang taong pagpaplano, ngayon na nila isasagawa ang kanilang hakbang.
Naghihintay na lang sila ng signal para lumusob.

Sa kabilang dako, isang tao ang naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Hindi maaninag ang katauhan nito dahil sa suot nitong mahabang damit at hood.
Deretso itong lumapit sa pinakalider ng grupo at silay nag usap.
Napangisi ang lider sa sinabi nito.

"Maaasahan ka talaga Helen, mahal ko".

"Para sa paghihigante natin mahal kong John".

Wala silang pakialam kung may nakatingin sa kanilang paghahalikan.

Lingid sa kaalaman ng dalawa may isang itim na uwak ang kanina pa nakamasid sa kanila. Lumipad na ito palayo sa lugar na iyon.

Samantala, sa kastilyo ng Cenred.
Kaizen cursed when he hears one of his pack warrior shouting the name of Ava.
There he saw her running away in the woods.
Natigilan sila lalong- lalo na si Zion na hindi makapaniwala na nandito pala si Ava at nasaksihan nito ang buong eksena kanina.
He felt a pang of pain seeing her running towards the dark forest.

"Happy now?!"
Kaizen mocked him.

Nagalit si Zion sa tinuran ni Kaizen.
Susugurin niya sana ito dahil alam niyang sinadya nitong dalhin si Ava ngayon. Pinlano nito ang lahat pero naudlot iyon ng may sibat na biglang tumama malapit sa kanyang kinaroroonan. Sa tantya niya malapit lang ang may gawa nito na nagkukubli sa kadiliman.
Hanggang sa dumami at umulan ng sibat sa paligid kaya naman nagsipag kubli ang kanilang mga tauhan dahil hindi ordinaryong sibat lang ang mga ito may halong wolfsbane ang ginamit ng mga kalaban.
Ang wolfsbane ang kahinaan ng mga lobo. It is lethal to them that may led them to death.
Zion instructs his men to open the front door of Cenred castle to let them in. Mas safe kasi sa loob dahil walang kahit na anong sandata ang maka penetrate sa loob niyon.

Kailangan niyang sundan si Ava dahil nanganganib ang buhay nito pero pinigilan siya ni Kaizen. "Let her, she will be safe. I assure you".

Kahit may pagdududa sinunod niya na lang ito. He knows everything that will happen, so he trust him instead. His presence is badly needed right now.

"We need to talk".
Pormal na wika ni Kaizen. Nauna itong naglakad papunta sa library ng kastilyo.

"As of now we are surrounded by enemies. They are scattered in every direction. One mistake and the lives of everyone in this castle is at risk so we should perfectly execute our plans". Ani Kaizen.

Napag usapan na nila ito noon pa. Alam na nila kung sino ang namumuno na tumraydor sa konseho. Kinailangan lang nila ng ilang mahalagang ebidensya bago isiwalat ang lahat. At ngayon na ang tamang panahon para dito.

Zion is not in perfect shape right now because of what happened earlier.
Si Ava ang laman ng kanyang isip sa ngayon at kung baka may mangyaring masama dito.
Pero pinilit pa rin niyang gampanan ang kanyang tungkulin sa Cenred bilang Alpha.

"Pakawalan mo na si Percival at ang mate niya, I insist, wala silang kasalanan".
Seryosong saad ni Kaizen sa pinsan at kinwento ang lahat ng kanyang nalalaman.
Para namang nabunutan ng tinik si Zion sa nalaman. Alam niya kasing hindi magagawa ni Lyn ang ibinintang sa kanya.
At kaibigan niya si Percival kaya masaya siya para dito.
Nag mindlink siya sa mga tauhan na nakatalagang magbantay sa kulungan para pakawalan na sila.
Pati na rin si Lance na boluntaryong sumama sa kulungan dahil di daw nito matiis na makitang may inosenteng  makukulong.

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon