AVA
Tinanghali na ako ng gising dahil hindi ako ginising ni lola ng maaga. Nga pala wala naman kasi kaming pasok sa Academy ngayon.
Hmmn. Ano kaya ang magandang gawin ko? Ah, tutulungan ko na lang si lola sa pagluluto. Ang trabaho kasi ni Lola dito ay siya yung tinalagang chef ng kastilyo. Sabagay, masarap naman talaga siya magluto.
Nang matapos na kami nagbuluntaryo ako na tumulong sa pagse-serve ng pagkain. Naexcite ako dahil unang beses kong makapasok sa loob.
Iniisip ko na kung gaano kaganda sa loob nito.
Bitbit ang tray na may lamang mga champagne sinundan ko ang ilang katiwala na pumasok sa napakalaking bulwagan. Nalula ako sa nakita. Mas maganda at enggrande ang loob kaysa sa inakala ko.
Manghang-mangha ako na hindi ko na tuloy nakita na may paparating kaya nabangga ko ito at tumilapon sa magarbong kasuotan nito ang mga champagne."The f*ck!"
Galit na sigaw ng nakabangga ko. Natuon tuloy sa amin ang atensyon.
"Pasensya na po... pasensya na talaga".
Paulit-ulit ko na hindi manlang tiningnan kung sino ito.
Nakayuko pa rin ako nang narinig ko ang mga yabag ng sapatos na unti-unting lumalapit sakin kaya wala sa oras na napaatras ako.
Doon lang ako nagpasyang tingnan kung sino ito.
Napatda ako ng mapagsino ito."I-ikaw?"
Gulat kong sambit.
Ito naman ay walang nababakas na emosyong nakatingin lang sa kanya.
Hindi niya mawari kung galit ba ito o hindi."Get out of my way!"
Madiin nitong utos. Kinakabahan talaga ako. Umusod ako para makadaan siya.
Sabagay, kasalanan ko naman kung bakit ganun ang asta niya sakin.Kumuha ako ulit ng champagne sa malaking kusina. This time naging maingat na ako para hindi na ulit mangyari ang kanina.
Inilapag ko ang mga champagne sa napakahabang gintong lamesa.
Sobrang karangyaan ang makikita halos lahat ng mga palamuti ay gawa sa ginto.
Handa na ang lahat at isa-isang dumulog sa hapagkain.Naunang umupo si headmistress Guia kasunod si Zion na iritable ang mukha nang makita ako.
Lastly si Lance na maaliwalas ang mukha at nginitian ako. Atubili naman akong ngumiti pabalik.
Sa peripheral vision nakita ko si Zion na nagsalubong ang kilay ng makitang nginitian ako ni Lance.Nakatayo lang kaming mga tagasilbi sa gilid.
Naisip ko lang na ang laki ng hapagkainan nila pero silang tatlo lang pala ang kumakain.
Nalungkot ako sa naisip kahit wala naman akong karapatan.Tahimik lamang silang kumakain ni walang kaingay-ingay ang mga kubyertos.
They really have manners. Naalala ko tuloy ang buhay ko dun samin. Masasabing wala kaming good manners pagkumakain dahil sanay akong magkamay.Bakit kaya ang tagal nilang matapos kumain?
Nangangawit na ang paa ko sa kakatayo. Ganito pala ang feeling pag tagasilbi ka, ngayon alam ko na.
Paminsan-minsan sinusulyapan ko si Zion na kumakain kaharap nito si Lance na seryoso lang ding kumain.I admit nagagwapuhan ako kay Lance pero iba ang dating sakin ni Zion.
Psh... don't get me wrong ha, may pagkamisteryoso kasi ang dating niya, kaya ganun lang yun ha."I'm done. "
Nauna ng tumayo si Zion sabay tungo sa malaking pinto na kung hindi ako nagkamali ito yung main door ng kastilyo.
"Lance, do you think he's still affected?"
Headmistress Guia started the conversation ng sila na lang dalawa ni Lance.
"Maybe auntie".
Pinunasan nito ng napkin ang gilid ng labi saka sumimsin ng champagne sa kopita nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/217705930-288-k552998.jpg)
BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
WerewolfHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.